Chapter 5: Ken

17 5 0
                                    

JOSH's POV

"Before we dive in to the water, may I ask kung sino ang di marunong lumangoy in this class?" Takte kaya ayokong pumasok ng hapon tuwing MWF e! PE as in Swimming yung klase. Nagulat ako kasi tinaas ni Jah yung kamay ko at nagsabing "Si Josh po." Akala ko ba di to nakikinig kasi busy sa pagdrawing. At sa paglaglag niya saken e ang tawanan naman netong mga magagaling naming kaklase! Napatingin naman saken si Ken na parang nagtataka. "Tinitingin tingin mo?" Usal ko sa pisting yawa na to.

Di naman ako dapat kabahan kasi nga imortal kaming mga demonyo diba? Teka, "We may be immortal, because we do not age. But when we get killed due to any force other than nature, we die." Napasabunot nalang ako sa aking buhok. Baka eto pa pala maging sanhi ng kamatayan ko!

Nung senior high kasi dito lang kami pinapalangoy sa gilid hanggang sa kabilang dulo which is 25 ft kaya constant na 5ft yun. Abot pa yun ng paa ko. Pero sa college kasi yung 50 ft. na talaga, mula sa plank kung saan magddive hanggang sa kabilang dulo. 6.5 ft yung pool sa gitna at 5ft naman sa bawat gilid. Dehado ako sa gitna kasi di na yun abot ng paa ko!


Ken's POV

Madami akong interesting things na nakita rito sa mundo ng mga tao pero ang pinakanakamamangha ay eto; si Josh. Oo, hindi po ako tao. I'm a deity, actually a halfie. Half deity, half angel. But it seems like Angels need to be pure at heart and in every single aspect. And I wasn't born pure kasi nga dual blooded ako. I was thankful my mother was brave enough to bring me into the world of the deities where we served the King as if we were born to do it. Which is true to all the pure blooded deities, lalo na ang mga servant deities, like my mom.

Dieties aren't born, they are created. Just like how my mother was created, she was created to serve the King and all the other High Ranking Dieties. If she will not serve them, then it is considered that she has not fulfilled the reason why she was created, thus it will result to her death or vanishment.

But we dual bloods are different, we were born not created. We don't have a single purpose, we do what we think is right. And the right thing for me is serving the Deities and be loyal to them because they accepted me even though alam nilang I'm an abomination. Di nila kami pinagmalupitan at tinanggap ako sa mundo nila kahit di talaga ako isang deity.

Di ko na nakilala ang tatay ko. Pinanganak ako sa mundo ng mga deity at doon nadin lumaki at nagkaisip. And I don't have any plans para makilala siya, the deities have been so good to me. They taught me how to be strong and live like a pure deity. "You are what your heart dictates." It was what the high priest said when I stood up and tell him that I want to serve the King no matter what the cost after I knew that I was a dual blood. And I am a deity, that's what my heart says. After that, I pledged my loyalty sa Hari at ikabubuti ng mga Deity.


FLASHBACK

Pinatawag ako ng hari para pumunta sa baybayin. Malalim na noon ang gabi kaya pinagtakha ko iyon. Pero dahil sa aking loyalty ay pumunta padin ako.

Nang makarating ako sa baybayin at makalapit sa hari ay yumuko ako. Sumenyas naman siyang tumayo ako. "Maaring nagtatakha ka kung bakit pinatawag kita sa ikalaliman ng gabi." Umpisa niya. Nanatili lamang akong tahimik, naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Di naman siguro lingid sa iyong kaalaman na ako'y may anak sa mundo ng mga tao?" Alam ko ang bali-balita pero hindi ako sigurado kung totoo iyon hanggang sa ngayon na narinig ko na mismo mula sa bibig ng aming Hari. Ibig sabihin... 'Deities aren't born, they are created' Parang nabasa naman ng Hari ang aking iniisip. "Oo, magkatulad kayo. You are both Dual Blooded. He is half Human and I have been having visions of him and his mother, di ko alam kung nasasabik lang akong makita sila pero kailangan kong makasiguro." Napaisip ako bigla. Naiisip rin ba kami ng aking Ama? Nasasabik rin ba siyang makita kami ni Ina?

"I am sending you to the Human Realm." Napatingin ako sakanya na may gulat sa aking mga mata. "I need you to guard my son. I have already told Sejun about this and he will accommodate you sa pagdating mo." It is my duty and responsibility to serve the King kaya wala ng pagdadalawang isip na tumawid ako sa mundo ng mga tao pagkatapos ng pag uusap namin ng hari.

END OF FLASHBACK

Tiningnan ko si Josh ng may pagtatakha sa aking mga mata. How could the son of the Water God be afraid of a little water? When in fact he should be commanding it? Yes, Josh is the reason why I came to the human realm. He is my mission, and the son of my King. 

Son of the Water God (SB19 Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon