Switched Revenge #14

2.4K 86 3
                                    

Vallery Chin Aguilar

Pag gising ko,pinakain ko muna ang alaga kong si potchi Ang cute cute nakakawala ng stress at nakipaglaro saglit sakanya bago ako nag shower dalawang oras panaman bago kami pumunta ni veron sa bar.

Pagbaba nako ng may hindi akong inaasahan na bisita ang tita monnet ko na namamahala ngayon ng Montessori ni Dad bunso niya itong kapatid na matandang dalaga.

"Hija.!"tumayo siya sa kinauupuan
at hinintay ang pagbaba ko ng hagdan.

Hinalikan kosiya(beso beso)
"Tita buti napa dalaw po kayo?Kasi ang totoo po niyan gustong gusto ko na nga po talaga kayo makausap,,
have a seat please!"Sabay kaming umupo tumabi ako sakanya sa mahabang sofa.

Napakunot ako ng noo ng tignan siya sa tabi ko namumugto ang kaniyang mga mata.

"Val,i want to resign....!"

"Ho?"nagulat ako sa pang bungad niya sa akin."Bakit naman po tita wala papo si Daddy at alam niyong hindi ko po maasikaso ang Montessori,i have my own bar!"

Nagtataka parin akong nakatingin sakaniya bakit,naman agad agad gusto niyang umalis alam naman niyang siya lang ang inaasahan ni Dad.

Nag'angat siya ng tingin sakin.
"Hindi ko yata makakayanan na palitan ang pangalan ng Montessori Val...!Kasama ko ng mga magulang mong palaguin ang eskwelahan nayan at masakit din para sakin ito!"
humikbi ito nakita ko pang may tumulong mga luha sa mata ng aking tiyahen nabagabag ako bigla para rito.

"I don't understand what are you saying tita please can you explain?"

Naguguluhan nako sa mga sinasabi nito kailangan ko maklaro kung ano ang pinupunto niya.

"Ka business partner ng Dad mo ang nagmamayari ng lupa at ang gumastos ng pagpapagawa ng eskwelahan,ang Dad molang ang namalakad at humawak nito.
May Deal sila na pagdating ng ilang taon ay babayaran lahat lahat ng Dad mo ang expenses at ang lupa na tinitirikan nito!"bumuntong hininga pa siya at nagpatuloy.

Samantalang inuulit ng utak ko lahat ng mga sinasabi niya sakin gusto kong Wala kong makaligtaan sa lahat ng salita niya.

"kaso nito lang nakalipas na taon ang ipon ng Dad mo para sana pambayad sa lahat lahat ay ininvest niya sa isang bagong kumpanya kaso hindi inaasahan ay ilang taon palang nalugi na ito at hindi na naibalik pa ang malaking halaga na inilabas ng Dad MO!"Mahabang kwento ni tita.

Napapanganga nalang ako sa naririnig ko kaya pala ganon si Dad bago umalis may mabigat siyang problema na ayaw sabihin samin nasaktan ako para sa mga magulang ko alam kong gano kahalaga ang Aguilar Montessori sakanila.

"Alam bato ni Mommy tita?"
nagaalala kong tanong sakanya.

"Hindi Val!ako lang ang nakakaalam nito pero nakausap ko naren ang ate Laila mo kanina sinabi niyang sabihin ko sayo ang lahat at ilihim muna sainyong mommy dahil hindi ito makakatulong sa pagpapagaling niya.

"I know tita...but what will happen now?i mean ano ng mangyayari sa Montessori ni Dad?paano si Daddy?"
Natakot ako bigla sa pwedeng mangyari sa aking ama baka hindi niya ito makayanan...ohhh God!!

Naiiyak narin ako at sobrang nagaaalala umiyak naman ang tita,inalo ko ang likod niya dahil alam kong apektado rin siya dahil kanang kamay siya ni Daddy simula itayo ang eskwelahan tumikhim siya at pinunasan ang luha sa kaniyang mga pisngi.

"Dumating kahapon ang attorney ng may'ari ng lupa gusto na daw palitan ang pangalan ang eskwelahan at 5% nalang daw ang share's ng daddy mo sa Montessori!dahil sa computing ng taon na hindi pagtupad sa kasunduan kasama na ang mga tubo nito....
Pwede Panaman daw ako magtrabaho don bilang principal pero ayoko na Val,mahirap masakit para sakin...!"
Humahagulgol na ito sa iyak at yumuko.

Switched Revenge [BabyMaker]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon