Switched Revenge #42

2.6K 142 16
                                    

           Dedicated to:aileen39

Vallery Chin Aguilar

Pagkatapos magalmusal bumaba si brix ng naka suot na ng pang office attire,pababa ito ng hagdan habang inaayos ang kurbata nito.

Nakatitig lang ako sa ginagawa niya hanggang narating niya na ang huling baitang ng hagdan ay hindi parin ito tapos sa ginagawa,naka salubong ang dalawang kilay tumapat pa ito sa malaking stand mirror na binili namin ni Mama Rose na ipwinesto namin bandang tapat ng hagdan.

Kaya naman tumayo nako,ibinaba ko ang maternity books na binabasa ko sa sofa,binili rin yun para saken ni Mama Rose.
Nilapitan ko siya,nabaling ang atensyon niya saken.
Iniangat ko ang aking dalawang kamay at inagaw ang ginagawa niya,hinayaan naman niya ako,at ibinaba ang kaniyang kamay.

Habang iniikot ko ang tali ng necktie niya ay alam kong sakin siya nakatingin,parang napapaso tuloy ako sa mga titig niya nayun kahit diko nakikita ang mga mata niya,bumaba ang tingin niya sa ginagawa ko,nararamdaman ko ang malumanay niyang paghinga na tumatama pa sa braso ko ang buga nito,ang Sarap sa pakiramdam.Pero pilit parin akong nagfocus sa pagaayos ng kurbata niya,sanay akong gumawa non isa yun sa routine ko Kay Dad,lalo kapag naglalambing ako dito.

Nang okay na ang ginawa ko napangiti ako sa resulta at dahan  dahan akong tumingala sa kanya di kami masyadong pantay kasi puro flat sandals na ang gamit ko pinagbawalan nako ni Mama Rose magmataas na sapin sa paa.

Nagtama ang aming paningin,seryoso ang kaniyang mga titig kinuha niya ang dalawa kong kamay na kabababa dinala niya ito sa kanyang labi,at banayad na hinalikan.

"Thank's Sweetie,parang gusto ko tuloy ikaw lagi ang gagawa nito para saken,if you want......!"paglalambing nito

"Okay,just call me...!"gusto ko kasi bumawe sa mga effort niya para saken ehh..kaya dinako nagdalawang isip pa.

"I have to go,Saglit lang ako uuwe din ako agad bibisitahin kolang ang office call me if something happens in here....okay?"hinalikan niya ulit ang mga kamay ko bago hinapit ang bewang ko at dinampian ako ng napakasarap na halik.

"Take care!"nasabi ko nalang pagkalayo niya ng bibig niya parang gusto kopa magprotesta i want more!
Haiss....

"You too...!"Palagpas na siya saken ng bumalik ulit sa harapan ko..hinawakan ang isang pisngi ko,"Do  you want anything sweetie?" tanong nito.

"ahmmm...Green apple please,ubos na kasi yung pinamili ni mama Rose saken!"saad kong may ngiti.

"Okay!"tipid niyang sagot ngunit hinalikan ulit ako ng mabilis at saglit ding tinitigan ang basa kong labi.
Pinilig nito ang ulo niya at nagmamadaling umalis.

Natatawa nalang ako sa reaksiyon ng mukha niya parang napipilitan lang siya umalis parang gusto niya pang halikan ako buong magdamag hihilingin konga sakanya yan,one of this day,hahaha loka ka talaga Val,

Kahapon saglit siyang nagkwento saken nung umiinom kami ng buko.
Kung saan siya natutong umakyat,nakakatuwa kasi sa lahat ng pinagdaanan niyang hirap noong kabataan niya ay nagpatatag sakanya  kung ano siya ngayon.

"Nung Elementary ako grade 5 to 6 sumasama ako sa laguna para magcopra ng buko at idedeliver sa palengke naging kargador din ako doon para pandagdag pangbaon ko at pangkain namin ni Mom.
Minsan nauubusan ng taga akyat sa matataas na puno ng buko kaya minsan nagpeprisinta narin ako,pang extra den yun!"mahaba niyang pagkwekwento sa akin.

Na aamaze ako sa kwento ng buhay niya,nila ni Mama Rose nung time na hindi pa sila nakikita ni Dad fonzo.
Sobrang napabilib nila kong mag'ina.
That's why they loved each other very much,because of the hard trials they experienced together before,Until now they work hard but being a professional and I'm happy to both of them.

Switched Revenge [BabyMaker]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon