Blue For You | After 15 Years

9 5 1
                                    

Kasalukuyang nagpapatugtog ng You Will Be Found sa electric piano sa isa sa mga condo niya nang may biglang tumawag sa kanyang cellphone na mula sa unknown number. Napahinto siya tsaka lumayo sa piano upang sagutin ito. Pumwesto malapit sa malawak na bintana kung saan ay kanyang nakikita ang mala higanteng National Stadium ng Singapore pati yung nasa baba na animo'y mga langgam kung titingnan mula dito sa 15 th. floor. Kung bago ka pa lang dito ay malamang malulula kang tumingin sa baba, idagdag pa ang mala-realidad na salamin na aakalain mong wala diyaan. Ang nagsisilbing bintana at harang mula sa dumi, alikabok, usok, malakas na hangin, at ingay

Inantay niyang magsalita ang nasa kabilang linya.

; Good morning may I speak with Ms. Armitage please?

Hindi siya sumagot. I don't know this voice, I don't talk to strangers. Hahayaan ko nalang siyang magsalita diyan total hindi ko naman iyan kawalan.

; Hello? May tao pa ba sa kabila? Kindly give it to Ms. Armitage asap, double R want to talk to her.

Napantig ang tenga niya nang marinig ang kabilang linya na nagtagalog. Ang mahal pa naman ng bayad kapag gumawa ka ng international calls.

Ang yaman siguro ng taong 'to. Sino naman iyang double R?! Punyetang nickname.

: Yes you're talking to me. Who's this?

; Haayy salamat naman po at sumagot kayo, akala ko mawawalan ako ng trabaho nito-

: Look, I don't have time for your rants so spill it. Alam kong alam iyan ng amo mo.

; Ako po yung secretary ni- akin na iyan, ako ang kakausap.

May nadinig siya na parang hangin hangin, yung sound effects kapag may umagaw ng cp ng katawag mo. May pumatong na boses lalaki... boss ata nung caller. Katahimikan. Ang paghinga lang mula sa kabilang linya ang naririnig niya. Pinaikot niya ang kanyang mga mata, mukhang siya pa ata ang gustong paunahin niyang magsalita. Psh.

: Kung wala ka namang sasabihin ay mas mabuti pang patayin ko na 'to. Huwag mo na uli akong tatawa-

; Uy teka lang Rėnaé! Ito naman parang hindi na nasanay sa akin. Oh heto ha? Didiretsuhin na kita, alam ko namang ayaw mo sa mga paligoy-ligoy eh.

: Sino ba ito? Kilala ba kita? Paano mo nakuha ang number ko? Sumagot ka.

Tumawa yung sa kabilang linya. Aba't sino kaya ang taong ito na kung makaasta ay parang kilala niya ako. Isa nalang... ide-deactivate ko na talaga ang sim niya, tingnan lang natin.

; That's a very confidential question.

Katahimikan


; Tsk ano ba? Siyempre kilala mo ako Rėnaé, ikaw kaya ang nagbigay nitong number mo three years ago. Hindi mo pa rin ba maalala?

: Hindi

; Ang pakay ko sa pagtawag sayo ngayon ay dahil... iniimbita kita para sa 4th. Founding Anniversary ng university ko which is next week na magaganap. Inagahan kong iinform ka dahil ayokong ma-miss mo na naman. I demand you to come.

: Punyeta, ano bang pake ko sa unibersidad mo? Bakit ako? Sino ka ba, ha?! Hoy huwag na huwag mo akong pagtitripan ha?

; Ouch ito naman. Don't you remember?

Blue For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon