Chapter Two

1.9K 32 0
                                    

"WHAT the hell?!"

     Nagmulat ng mga mata si Carmen nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang hinataw niya ng sanga. Ito rin ang lalaking nakabungguan niya sa supermarket nang nagdaang araw. Ang lalaking mukhang Greek god! Hindi niya napigilang mapangiti. Automatic na yata siyang mapapangiti tuwing makikita ang lalaking ito.

     "Bakit mo ako pinalo ng sanga? May problema ka ba sa akin?" naiiritang tanong ni "Mr. Greek god."

     Nabitiwan niya ang sanga. "I'm so sorry. Hindi ko sinasadya. Natakot kasi ako. Ang akala ko..."

     Tiningnan siya ng lalaki. His face turned softer. "I remember you. Ikaw 'yong bumunggo sa akin kahapon sa supermarket."

     Lumuwang ang pagkakangiti niya. Nakilala siya nito! Hindi siya nito nakalimutan. Parang pumalakpak ang mga tainga niya sa tuwa. "Yep, that's me!"

     "What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?"

     "Gusto ko sanang sabihin na sinusundan kita pero ang totoo naliligaw ako," pag-amin niya.

     Kumunot ang noo nito. "You're lost?"

     Tumango siya. "Hindi ko rin alam kung paano. Nagjo-jogging lang ako kanina. Na-curious ako nang makita ko ang daan papunta rito. Hindi ko maalala kung paano bumalik." Pinaamo niya ang kanyang mukha. "Can you help me? Please? I'll do anything, tulungan mo lang akong makalabas rito."

     "Alam mo bang hindi ka dapat sumusuot sa lugar na hindi pamilyar sa'yo? Paano kung walang makakita sa'yo? Ano'ng gagawin mo?"

     "Ah eh..."

     Napabuga ito ng hangin. "Never mind." Nagsimula itong maglakad.

     "Hey, wait! Saan ka pupunta? Aren't you going to help me?" nagpa-panic niyang tanong habang sinusundan ito.

     "Ito ang daan palabas ng kakahuyan. Sumunod ka sa akin kung gusto mong bumalik sa pinanggaling mo. At sa susunod na gusto mong mamasyal ulit, doon ka pumunta sa lugar na maraming tao. Bihira ang naliligaw sa lugar na ito. You're lucky I saw you."

     Pakiramdam niya ay para siyang bata na sinesermunan nito. Sa kabila niyon, natutuwa pa rin siya sa lalaki.

     "Thank you." Binilisan niya ang paglalakad para maabutan niya ito. Mukhang ang isang hakbang ng lalaki ay katumbas ng dalawang hakbang niya. "Can I ask you something?" tanong niya kapagkuwan. Ramdam niya na medyo hinihingal na siya sa pagsunod sa lalaki.

     "May magagawa pa ba ako? Feeling ko 'curiousity' ang middle name mo."

     Cute! "Curious lang ako. Ang sabi mo, bihira ang naliligaw rito. What are you doing here?"

     "I jog every morning. But unlike you, sinisiguro kong alam ko ang lugar na pinupuntahan ko."

     Napangiti siya. Pareho pala silang mahilig mag-jogging sa umaga. Mukhang destiny na ang gumawa ng paraan para magkita uli sila ni Mr. Greek god.

     Tinitigan niya ang likod ng lalaki. Kung siya ang tatanungin, dapat nitong ipa-insure ang likod nito. Kahit nakatalikod ay guwapo pa rin ito. Kumbaga sa pagkain, puwede na iyong panghimagas. Ano kaya ang pakiramdam ng mayakap ang likod nito? Heaven din kaya?

     Nilingon siya nito. "Watch out!"

     Huli na nang marinig niya ito. Natapakan niya ang isang may-kalakihang bato na nakaharang sa daan. Natapilok siya at naramdaman niya ang pag-twist ng ankle niya. Napaupo siya sabay hawak sa kanang paa. "Aww!"

Best for LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon