Chapter Seven

1.5K 31 0
                                    

"BUSY ka, Carmen? Samahan mo naman akong mag-grocery."

     Natigilan si Carmen nang marinig ang salitang 'grocery' mula kay Jha. Nakahiga siya sa kama at pinag-iisipan kung ano ang gagawin niya sa araw na iyon nang pumasok ang kaibigan. Huminga siya nang malalim at tumalikod ditto.

     "Sorry, Jha, kay Yanny ka muna magpasama. Medyo masakit ang ulo ko."

     Lumundo ang kama niya. "What's wrong with you? Dati naman kapag sinabi kong mag-grocery tayo, mas excited ka pa sa aking umalis. Ngayon kulang na lang, itali mo ang sarili mo sa kama. May problema ba?"

     "Paranoid ka lang, girl. Walang problema."

     "Kung hindi kita kilala maniniwala ako sa'yo. But I know you, Carmen. Alam ko kung kalian labas sa ilong ang sinasabi mo."

     "Magkakasipon ako kaya ganoon. Umalis ka na. Baka abutin ka ng gabi sa labas."

     Tumawa ito. "Sabi ko nga may mali sa'yo. FYI, sis, ten plang ng umaga." Tinapik nito ang balikat niya. "'Last time I checked, ako ang brokenhearted sa ating dalawa. Kung maka-emo ka diyan, parang inako mo na ang lahat ng problema sa mundo. Nagluto si Ate Febe bago umalis. Initin mo na lang kapag feel mo nang kumain."

     Hindi nagtagal, naiwan siyang mag-isa sa bahay. Sinamahan ni Yanny si Jha sa supermarket. Si Ate Febe naman ay pumunta sa bahay ng kaibigan nito.

     Lumabas si Carmen ng kuwarto nang magutom at pumunta sa kusina para kumain. Natigilan siya nang mapatingin siya sa lagayan ng kape. Animo natanggal ang lahat ng ulap sa isip niya at bigla niyang naalala si Patrick. Kasabay ng pagkaalala niya sa lalaki ay naalala din niya ang pinagsaluhan nilang halik. It was a short kiss but it aroused millons of emotions she could not even name.

     The full impact of the kiss almost took her by storm. Nalilito siya. Hindi niya alam kung paano magre-react sa susunod na magkita sila ni Patrick. HIndi niya alam kung kaya niyang maging kaswal ditto pagkatapos ng nangyari. Hindi niya alam kung paano titingin dito nang hindi namumula. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para hindi siya ma-distract tuwing napapatingin siya sa mga labi ni Patrick. Higit sa lahat, hindi niya alam kung paano buburahin sa kanyang isip ang halik nito. 

     She did not know what to think. Kaya sa halip na makipagkita kay Patrick para tanungin kung bakit siya nito hinalikan, hayun at nagtatago siya. Saka na siya makikipagkita rito kapag okay na siya. Kapag kaya na niyang makipagbiruan dito na tila walang nangyari sa pagitan nila. Kapag kaya na niya itong harapin nang hindi natitigilan o nahihiya dahil naalala niya ang panghahalik nito sa kanya.

     Tumunog ang cell phone niya. Sinagot niya iyon nang hindi tinitingnan ang screen. "Hello."

     "Where are you?"

     Napatingin siya sa screen ng cell phone. Halos mahulog ang panga niya sa sahig nang mabasa ang pangalan ni Patrick.

     "Are you still there, Carmen?" narinig niyang tanong ni Patrick mula sa kabilang linya.

     Huminga siya nang malalim. "Yes. Napatawag ka? May problema ba?"

     Ilang sandal na natahimik ito. "I haven't seen you since... since yesterday. I just want to make sure you're okay."

     "Okay lang ako. Medyo busy lang kaya hindi ako nakakalabas ng bahay."

     "Okay." Natahimik na naman ito. "Nabanggit mo sa akin minsan na kapag kailangan ko ng tulong mo, tawagan lang kita. Can you... can you come over? I need you."

     Bigla siyang nag-alala. "Where are you?"

     Sinabi nitong nasa supermarket ito. "Hihintayin kita, Carmen. I'd really appreciate it if you could come." Agad din nitong pinutol ang tawag.

Best for LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon