Chapter Three

1.5K 25 1
                                    

"ATE CARMEN, ano'ng ginagawa natin dito sa supermarket? Bakit hawak mo pa rin 'yang bulaklak na binili natin sa palengke? Iniwan mo na lang sana 'yan sa baggage counter para hindi ka nahihirapan sa pagdadala."

     Napangiti si Carmen sa tanong ni Yanny. Nagpasama siya dito na pumunta sa supermarket pagkatapos nilang dumaan sa palengke. Sina Jha at Ate Febe ay may binisitang isang malayong kamag-anak kaya hindi nila kasama.

     "Hindi ako maggo-grocery, Yanny. May pagbibigyan ako nitong mga bulaklak."

     Tumigil ito sa paglalakad at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. "Ate, don't tell me ibibigay mo 'yan kay..." Ngumiti ito na tila kinikilig. "Kay Kuya Patrick?"

     Ngumiti siya. "You're right, Yanny. Ibibigay ko nga ito kay Patrick," pagkukumpirma niya. "Gusto kong magpasalamat sa kanya. Hindi siguro masamang bigyan ko siya ng bulaklak. Masyado na kasing common kung pagkain ang ibibigay ko sa kanya. Besides, ang daming pagkain dito sa supermarket niya. Baka hindi rin niya ma-appreciate ang pagkain."

     "Alam mo, Ate, genius ka rin! Ang galing mong mag-isip! Kung saan ka masaya, suportahan kita."

     "Thank you, Yanny! Iba talaga ang magaganda, pareho ang wavelength. Huwag mo nang banggitin ito sa pinsan mo. Mag-aalala lang siya sa akin."

     "No problem, Ate. Your secret is safe with me," anito saka tinakpan ang bibig.

     Napangiti siya. "Saan ko kaya makikita si Patrick?" Tumingin siya sa paligid. Nang may dumaan na isang staff ng supermarket ay nagtanong sila. Itinuro sila nito sa meat section. Naroon daw si Patrick.

     "Maiwan muna kita, Ate. Naalala ko, may kailangan akong bilhin sa banda doon. Good luck!" anito saka nagmamadaling umalis.

     Tumuloy si Carmen sa meat section. Napangiti siya nang makita si Patrick. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Mukhang may pinagagalitan itong staff. Napailing siya. Ang aga-aga mainit na naman ang ulo nito. Sa kabila niyon, hindi nabawasan ang kaguwapuhan nito. Titiklop ang sinumang haharap dito, mapababae man o lalaki.

     Pagkalipas ng ilang sandali ay umalis na rin ang pinagagalitan ni Patrick. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit sa lalaki.

     "Hello, Patrick!" bati niya pagkalapit  sa lalaki She noticed his disheveled hair. Hindi man lang iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito. It only made him look sexy. 

     Tumingin ito sa kanya. Nabawasan ang pagkakangiti niya nang mapansing lalong dumilim ang mukha nito. 

     "What are you doing here, Miss Carmen?" tanong nito sa pormal na tinig.

     Ngumiti siya habang inilalabas ang mga bulaklak mula sa kanyang likod. "Gusto ko sanang magpasalamat sa ginawa mo noong isang araw. As you can see, magaling na ang paa ko. Thank you, Patrick!"

     Tiningnan nito ang bulaklak saka tumingin sa kanya. "Para saan ang bulaklak?"

     Mula sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niya ang ilang staff ng supermarket na panakaw na tumitingin sa kanila. She almost shook her head. Dapat pala hinila muna niya si Patrick sa isang sulok bago niya ito kinausap.

     "Hindi mo nagustuhan? Naisip ko kasi kung food ang ibibigay ko sa'yo, marami na kayo rito. Baka hindi mo rin ma-appreciate. Itong mga bulaklak, marami itong use sa tao. Puwede mo itong i-display sa bahay or sa office mo. It has a soothing effect, too. Kapag mainit ang ulo mo, tumingin ka lang sa bulaklak. Hindi mo siguro mapapansin, pero para na ring inaako ng bulaklak ang lahat ng init ng ulo mo. You will find yourself okay again." Natigilan siya sa pagsasalita nang makita ang pagkunot nito ng noo. "I'm sorry, I hope I'm not boring you."

Best for LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon