Hearts 1: Option
Third Person's POV:
Patuloy na naglalakad si Minerva papasok sa kaniyang silid-aralan, dala dala ang dalawang bagahe. Ang isa ay puno ng mga libro at ang isa naman ay puno ng mga kwaderno at kung ano-ano pang mga gamit pang-aral.
Sa pagkakaalam ni Minerva ay ngayon ay campaign ng mga kumakandidatong SSG officers, nais niya sanang sumabak din sa pagiging SSG officers ngunit tila hindi umaayon sa kaniya ang tadhana. Bukod sa hindi naman siya gaanong kilala sa paaralan nila, wala rin naman siya gaanong kaibigan na malakas sa higher levels at malapit sa kaniya.
Nagulat na lang ang iba niyang mga kaklase sa pagbagsak ng isa niyang bagaheng puno ng mabibigat na libro. Kinuha rin naman muli ni Minerva ang kaniyang bagahe at tumingin sa parte kung saan nakalagay ang mesa ng kanilang guro.
"Napaaga ata ako," usal niya ng matingnan ang kaniyang relo.
"Ate Mie!" matinis na sigaw ng isa sa mga matalik na kaibigan niya, si Athena. Tinaasan niya ng kilay ang kaibigan.
"Ate Mie may assignment ka?!" atat na tanong nito.
"Saglit lang," ani Minerva at hinalughog ang kaniyang dala dalang backpack.
Minerva's POV
Ano ba itong babaeng ito kala mo naman kung makasigaw ay nakalaklak ng megaphone. Teka, anong assignment? Hala ka, puta! Ay bad. Natampal ko ang bibig ko dahil sa pag-isip ko ng bad words. Bakit nga ba iyong bibig ko ang tinampal ko eh naisip ko lang naman? K. Korni.
"Anong assignment?" tanong kong naguguluhan.
"Iyong sa English!" singit ng kambal kambalan ko, si Marco.
Bakit kami magkambal-kambalan? Magkamukha daw kasi kami. Hindi ko naman iyon nahahalata. In fact, I don't even see how our visuals are alike. Siguro lang ay dahil may pagkakahawig ang katamtaman naming mga mata at sa matangos na ilong kaya naging magkakambal kami. Hindi naman kami pareho sa arko ng labi, eh.
"Ah, iyong story? Okay na ako roon," aniko.
Naupo ako sa bakanteng katabing upuan ni Athena. Etong babaitang ito maganda, pango nga lang. still pretty, though.
"Paano ba ito ate Mie? Di ko kamo gets." nagpanggap pa siyang nag iiyak-iyakan. Alam mo iyon? Iyong 'huhuhu'?
Pero... Ayan na naman. Mukha ba akong walking dictionary or something?! K. Kalma, puh-lease.
Kaya minsan naiisip ko kaya lang nila ako kinaibigan ay para sulsulan at maging tanungan ng mga bagay bagay na hindi nila alam o hindi nila naiintindihan, eh.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ako tanungan nila ng mga ganiyan, 'no? Hindi sa nagMamayabang o nagbubuhat ng sariling bangko, pero last year kasi ay top one ako. Grade six pa lang naman ako last year and grade seven lang ako ngayon. Freshman, ika nga nila. Freshmen as first year. Sophomore, second year.
Naalala kong personification iyong assignment namin. Personification, ang isang materyal na bagay na walang buhay ay nilalapatan o hinahalintulad sa katangian ng mga tao. Personipikasyon, personification, pareho lang iyan. Iningles o tinagalog nga lang.
"'Te?" nabalik ako sa huwisyo nang muling tumawag sa akin ni Athena.
Pagod na lang akong ngumiti kay Athena at in-explain sa kaniya kung anong gagawin, ang assignment kasi namin ay gumawa ng isang short story na dapat ay punong puno ng personification kaya medyo mahirap rin. Pero ayos lang. Buti na lang rin fastlearner din naman itong si Athena. Madalas nga lang ay hindi siya nakikinig sa lectures ng teachers.
BINABASA MO ANG
Sacred Hearts
Teen FictionMinerva Giselle Delos Carlos, the living evidence of her parents' love. The little young girl that likes this certain boy. The young woman who changed every bit of her past self traces. The troubled person who wished for something wrong, got it, and...