Hearts 29: Life
"Jacob!" natutuwang sigaw ni Bella.
Nakita ko ang paglakad takbo niya papunta kay Jacob. Namuo ang luha sa gilid ng mata ko nang agad na yakapin niya sa leeg si Jacob.
Nangunot ang noo ko kahit na may namumuong luha roon. Na sa tabi pa ni Jacob si Zach na madilim ang tingin kay Bella. Ano ito?
Dumating iyong Valieszca Monchevas iyong ex ni Jacob.
Naalala ko iyon bigla. Naalala ko rin iyong nakita kong nagpalit ng DP kagabi. Monchevas ang apilyedo noon. Ysabella pa ang nakalagay na pangalan. Iisa lang ba si Ysabella Monchevas at si Valieszca Monchevas? Siya ba iyong ex ni Jacob? Iyong model? Iyong galing pa sa ibang bansa?
Tumulo ang luha ko. Kanina pa ako pilit na hinihila ni Beatrice paalis pero napako lang ako sa kinatatayuan ko. Ngayong tumulo sa sahig ang isang butil ng luha ko ay mag-isa akong nagtatatakbo palabas ng mall.
Napaupo ako nang nakalabas na ako ng mall. Pagod kakatakbo, kakatulo ng luha.
Ano iyon at may yakapan portion pa sila sa loob ng mall?
Anong ibig sabihin ng mga tawag niya sa cellphone? Anong ibig sabihin ng pagtawag niya sa akin ng sweetie? Anong ibig sabihin ng palagi niyang paghaplos sa baywang ko? Anong ibig sabihin ng pagdala niya sa akin sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas? Anong ibig sabihin ng mga araw na palagi kaming magkasama? Anong ibig sabihin ng paghatid sundo niya sa akin? Ng pagdala niya sa akin noong band practice nila? Ng lahat ng mga yakap niya sa akin? Anong ibig sabihin ng ‘I love you’ niya? Lahat ba iyon kasinungalingan lang?
Lumuluha akong napatakbo palayo sa mall na iyon hanggang sa bumagal ako ng bumagal. Hindi ko namalayan ang pagdidilim ng paligid.
Ang takbo ko ay naging lakad hanggang sa nadala ako ng mga paa ko sa isang parke. May mga puno, may fishpond, may playground. Umupo ako sa swing habang pilit na pinapalis ang luha ko.
"What are you doing here?" a cold voice called out.
Napaangat ako ng tingin.
Nasisinagan ng bilog na buwan ang isang Daniel Ccorino Malari, with his hands inside both of the pockets of his black slacks, that was made perfect paired with his fitted white button down long sleeves. Tumutulo pa rin ang luha ko pero pilit ko pinapalis iyon.
Iniluhod niya ang isang tuhod niya salupa, ang isang tuhod ay nakabaluktot lang, nakapatong roon ang isa niyang kamay. Nakaluhod na siya sa tapat ko.
"You shouldn't be crying, princess," seryoso at marahan niyang sabi.
Napaluha lalo ako sa sinabi niya. Napapikit na lang ako ng mariin habang patuloy na humihikbi.
Nang imulat ko ang mata ko ay tumayo na siya. Pagkatayo niya ay nanlaki ang mata kong puno pa rin ng luha nang may sumuntok sa kaniya at napaluhod siya sa lupa. Napatakip ako ng bibig only to see that it was Jacob who punched Daniel. Nagtitigan silang dalawa. Seeing Jacob with his raged eyes battling with Daniel's cold as ice eyes pinched my heart, and I don't know why.
Hinila ni Jacob ang pulsuhan ko. Nagpupumiglas ako pero mas malakas siya. Nakaladkad niya ako.
"D-daniel!" sigaw ko nang malingunang iiwan namin doon si Daniel na putok ang kilay.
Mas lalo akong napaiyak. Pakiramdam ko kasalanan ko itong lahat. Kasalanan kong pumasok ako sa buhay ni Jacob when he already has his Bella. I'm just a stupid girl with such an amnesia.
Pinasok ako ni Jacob sa sasakyan niya. He drove at nayakap ko na lang ang sarili ko habang sumiksiksik sa pintuan ng Ferrari niya habang patuloy na lumuluha at humihikbi.
BINABASA MO ANG
Sacred Hearts
Dla nastolatkówMinerva Giselle Delos Carlos, the living evidence of her parents' love. The little young girl that likes this certain boy. The young woman who changed every bit of her past self traces. The troubled person who wished for something wrong, got it, and...