CHAPTER ONE
"Allison, dito ka muna, ha?" sabi ng aking tita slash amo, habang nag-aayos ito ng mga gamit sa maliit nitong bag.
"Opo. Saan ho ba ang lakad niyo?" pang-uusisa ko rito. Napakadami ba naman kasing papeles na inilalagay sa bag niya. I wonder what those are for.
"Aasikasuhin ko lang iyong bahay na binili ko para kapag naka-uwi ang mga pinsan mo galing sa US, may matutuluyan sila." Napatango-tango na lamang ako. "Alam mo naman na hindi maaaring doon sila tumuloy sa bahay, alam mo naman ang Tito Fernan mo."
"I know him very well, tita." Mapait akong ngumiti rito bilang pagsang-ayon.
Tita Victoria has a very complicated family.
May dalawang anak kasi ito sa unang asawa na ngayon ay nasa US, bata pa ang dalawa nang mamatay si Tito Ben. Sobrang mahal na mahal ni Tita si Tito Ben that she could not forget him, kahit pa ngayon na may bagong pamilya na siya kasama si Tito Fernan. Ayaw ni Tito Fernan sa mga anak ni Tita sa unang asawa nito. That's unfair but I couldn't blame Tito Fernan. Biruin mo ba naman, patay at alaala ang karibal niya sa pinakamamahal niya. Ang sakit no'n. Although I can see that Tita Victoria is doing her best to make Tito Fernan feel loved and enough and I am hoping for Tito Fernan to accept my cousins soon.
Haysss teka napakachismosa ko na para pati buhay ng iba ay sinasabi ko pa. Enough with it, Allison!
I'm here at Tita Victoria's dress shop for a summer job. You know, ayaw ko naman na matambak lang ang katawang lupa ko sa bahay at laging nakasubsob ang mata ko sa cellphone.
To be honest, I don't need this job.
May masasabi naman ang pamilya ko sa buhay. We own several businesses in and out of the country. Hindi ako sa company namin nagtrabaho sa kadahilanang ayokong maging bida-bida roon. Gusto ko magsimula sa maliit muna, like papunas punas, pawalis walis, sales talk here and there dito sa shop ni Tita. Ayoko muna ng office work and besides hindi pa naman ako tapos ng college, magkacollege pa nga lang ako.
"Hoy, Allison!" napamuglat ako ng pitikin ni Tita ang noo ko. "Naiintindihan mo ba ang mga bilin ko sayo? Kapag may naghanap sa'kin sabihin mo sa isang araw na bumalik. Tsaka 5 o'clock magsara ka na dahil matatagalan ako roon sa pupuntahan ko." Napatango na lang ako dahil lumilipad pa rin sa ibang ibayo ang utak ko.
Napabuntong hininga na lang si Tita saka naglakad na tungo sa pintuan palabas. "Batang ito talaga." Rinig ko pang sabi nito bago tuluyang makalabas.
"Gano'n ba talaga ako kalutang?" tanong ko sa sarili saka huminga ng malalim at pinilig ang ulo para naman bumalik ako sa wisyo.
Nakapangalumbaba ako dahil kanina pa walang pumapasok na customer.
Nakakaboring naaaaaaaaa!
Ayokong makatulog. Wala akong magawa. Halos na renovate ko na nga yata itong shop ni Tita pero wala pa ring customer. Kainis naman e!
Ayokong mamatay sa sobrang boredom. Kaya naman tumayo ako at kinuha sa maliit na cabinet ang bag ko saka kinuha roon ang cellphone ko.
Tutal wala namang customer at hindi naman ako pinagbabawalan magcellphone, gagamitin ko muna.
Ibinalik ko ang bag sa cabinet at saka prenteng umupo sa pang-isahang sofa habang nakataas ang mga paa sa center table.
I opened my phone, kinalkal ko yung gallery. Nag download pa ako ng games na ina-uninstall ko lang rin naman kapag naboringan na ako then I opened my facebook account.
5 messages. taena puro naman gc na hindi ako active. Bakit ba kasi hindi ako magleave 'di ba? Kasi tatahimik messenger mo. Pangangastigo ko sa sarili. Oo nga naman kasi, Allison.
0 notification. Napabuntong hininga nalang ako. Ano bang nangyayari sa social media life kooooooooo?
I logged out my real account, yes beshies may fake. Charot carrot maharot! Hindi naman literal na fake pero parang ganoon na nga. Dummy account to be exact.
Fineeeee! Sasabihin ko na. I am a roleplayer, if you are familiar with it, if not then congrats to you isa kang mabuting nilalang! Not that I am saying na masasama kaming roleplayer, oke? hihe basta dimunyu lang. But seriously speaking, some of roleplayers nowadays are being toxic. Kaya nga umalis muna ako pansamantala and now I'm coming back!
Logging in...
Loading...
Loading...
And there it goes!
Malawak ang ngiti ko ng tuluyang mabuksan ito, its been a year since I last visited this account. I expected my friends here to miss me but surprisingly, gaya lang ito ng nasa real account ko.
Omg! Amag na amag ang kagandahan mo, Allison!
Wala ng sasakit pa rito! Hindi talaga nila ako naaalala, haaaAaaa?
Saan na ba ako lulugar?
Nakakaasar na talaga!
Marahas na isinandal ko ang likod ko sa sofa at naiiritang tinignan ang buong paligid bago ibinalik ang tingin sa phone ko.
"Arghhhhhh!" parang batang nagpapapadyak ako rito dahil sa pinaghalong inis at pagka-inip.
Wala din namang susuyo saakin dito, so, I composed myself and continue scrolling.
I saw a post, sunod sunod na puro 'yon ang topic.
'Bat ba big deal sa inyo ang mga crp?'
'Will you still accept me kapag nalaman mong crp ako?'
'Crp's? salot kayo! Leave rpw!' that. And so many more. Bakit nga ba ang big deal sa iba kapag crp?
Like hellooooo! Kung isang kang gurang na roleplayer d'yan sila nagsimula, and yes hindi ako gano'n ka gurang kaya wala akong crp account pero I am not as toxic as this guys are.
'Yong ibang mga nagsasabi kasi ng kesyo salot daw at hindi katanggap tanggap ang crp's, mga TT at PP hunter 'yon. Jusko! They are the kind of roleplayers na pumasok lang sa rpw para mag jowa, lumandi, ume—enough with that, alam niyo na yan.
May kalandiang taglay rin naman ako, duh who am I para magmalinis? I've been with so many relationships in rpw and some of them crossroleplayer pa nga, honestly mas masarap kausap at mahalin ang crp. Oh, 'di ba mahal agad? rupok e.
There! I got an idea sa mga pinagsasabi ko.
"Why don't I try to be a crp?" napaisip ako sa isiping iyon. Wala namang mali at wala namang mawawala kung susubukan ko.
Before anything else. Bumalik muna ako sa real account ko. Dineactivate ko 'yon.
I want a full escape from everything in there.
I may sound so fine and good but believe me it's the other way around.
Pinindot ko 'yong create new account saka sinunod yung process do'n.
Hola! After a minute of waiting, Zyross Forus is waving to all of you!
YOU ARE READING
She's A He
Teen FictionAllison just want to ease the boredom she is feeling. She got into another adventure, an adventure that has numerous pain waiting ahead of her. Will she let the pain consume her or this pain will lead her to whom she truly belong?