-☆♡-

23 1 0
                                    

Sean's POV
Paakyat na sana kami ng dorm ng biglang natapilok si Crizel na syang nakapagpasubsob sa kanya...

"Oh my gosh!! Anyare? WHAHAHHAHA". Tawa ni Bea matapos makita ang kaibigan na hanggang ngayon ay nakadapa pa rin sa likod namin."Gosh! Hurry up! Gusto ko ng makita yung room naten!"

Tumayo na si Crizel at humarap kay Bea. Umalalay ako sa likuran ni Bea Habang si Andrey sa likuran ni Crizel, baka kase magka rambolan.

Pero laking gulat namin ng biglang itinaas ni Crizel ang kanyang kaliwang kamay na inakala kong isasampal nya kay Bea pero nag apir lang sila at sabay na natawa.

Weird.

Nagpatuloy lang kaming mga lalaki sa paglalakad papunta sa room habang ang dalawang babae sa likod ay nagpapalakasan ng pagtawa.

"What? Seriously? So, what's your plan?" tatawa tawa pang saad ni Bea na ang kausap ay si Crizel.

"Makikipag kita ako sa kanya! WHAHAHHAHHAHAHHAHAHA" sabi pa ni Crizel sabay hagalpak.

Napalingon si Karl sa kanila. "Anong makikipag kita? Kanino?" tanong ni karl na ngayon ay nangungunot ang noo.

Biglang lumipat ng pwesto si Bea na ngayon ay nasa harap na ni Crizel."Eto lang namang kaibigan naten.." Pambibitin nya. Agad na napakunot ang noo naming mga lalaki dahil don. "ay sadyang pinili ang apartment na toh dahil nasa malapit ang Booooooooyfrieeeeeeend nya!" sabi ni Bea sabay tawa at hindi pa sya nakuntento don. Hinampas nya pa ang aking dibdib sa sobrang pagtawa.

Agad na umugong ang kantyawan dahil lahat kami ay inaasar si Crizel na syang ikinapula ng kanyang mukha.

                           ♡♡♡

"Wow!! Grabe ang gandaaaaa!!" sabi ni Bea na parang naka volume 100 lagi ang bibig! Sanay na kaming lahat sa bibig nya kaya hindi na kami nag rereklamo pa."Mhm ako dito!! Dito ha?! Ok thanks!" pasasalamat nya kaagad kahit hindi pa kami umu-oo sa pang aangkin nya ng malaking kwarto.

"Hoy teka! Ako dito! at wala ng pwedeng makapagpabago ng desisyon ko!" kung si Bea ay malakas ang boses. Si Crizel naman ay maraming sinasabi. Anim ang kwarto rito at tag iisa kami. Malaki ang nirentahan namin na nagkakahalagang 25k na sikreto ko na kung sinong nagbabayad.

♡♡♡

Ang naging pwesto namin ay;
bea. andrey. anton. crizel.
sean.
karl. intertainment area
.. kitchen

At ang nakakapag-taka lang ay hindi nagtabi ng kwarto ang dalawang halimaw kung magsalita.

"Hey, May binili akong pagkain". ani karl na kakadating lang, dahil may binili nga!

♡♡♡

Natapos na kaming kumain at si Crizel ang maghuhugas ng plato. Habang ang iba ay nag aayos na ng mga gamit nila sa magiging kwarto nila.

"Mhm guys, May favor ako.."pagpapacute
sakin ni bea. lumapit naman saamin ang iba naming kasama maliban kay Crizel.

"Oh?" sagot ni Andrey.

"kase ano. Hindi ako makakatulog ng walang kama. Baka kase maging friends kami ng daga pag hindi pa ko bumili eh". Sabi nya habang seryoso ang mukha.

"Eh anong balak mo? I mean.. Kelan ka bibili?" tanong ko.

"Baka mamaya. After nyo mag ayos ng gamit, hehe love you guys!". Sabi nya sabay takbo papunta sa kaibigan nya na hanggang ngayon ay naghuhugas ng plato.

"Pre, kailangan kong bisitahin yung Mommy ko eh". Bulong samim ni Anton. Lahat kase kami ay takot kay Bea kaya siguro hindi nya nasabi yon kanina habang kinakausap nya kami.
⚡⚡⚡

Umalis na si Anton, at nakahanda na kami papaalis ng may biglang kumatok.

Agad iyong pinagbuksan ni Bea. Nakatingin lang kami kay Bea at inaabangan ang magiging reaksyon nya.

"Waaaaaaaaaah!!" nagulat kami sa pag sigaw nya na iyon kaya napatayo kaming mga lalaki. At napalabas mula sa kwarto si Crizel. "Namiss kita Grabe! I mean, kahit hindi tayo nagkikita! Kahit ngayon lang namiss kita Lance.."

☆☆☆

TIE SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon