Bea's POV
"Him". Bulong ni Crizel habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa pinaka likuran. Napatingin din ako dun. Mukhang pamilyar sya sakin pero hindi ko alam kung saan ko sya nakita. Weird.
"Why him?". Naguguluhang bulong ko din.
"Sya yung---". hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil nagsalita na ang lec namin.
"Get your one whole sheet of paper, we will have a short quiz. 1-50". Sabi ni Sir Nic. Tsk Grabe!! Sagarans! First day, Quiz? Are you kidding me?!
"But sir..". Angal ng isang student kaya napatingin sa kanya si Sir Nic.
"No buts, Get your papers!". Sigaw nito kaya lahat kami ay kumuha na ng papel. Grabe.
"Hindi ba nya alam na hindi bagay yung sungit sa gwapong tulad nya?". Bulong sakin ni Crizel. Oo gwapo si Sir Nic. Sa sobrang gwapo pwede ko na syang maging sugar daddy. Char.
Agad syang nagpa quiz. May iba akong alam pero mas maraming hindi ko alam. Nagpaikot ikot din sya sa classroom na animoy may hinuhuli syang mandaya. Agad tinakpan ni Crizel ang kanyang papel dahil blangko ito.
"What's with your paper Ms.Lopez?". Tanong ni Sir Nic kay Crizel.
"Nothing S-sir". Nanginginig na sabi ni Crizel.
"Nothing? May I see?". Tanong ni Sir Nic na nangungunot ang noo. Ibinigay naman ni Crizel ang papel nya. Muling nangunot ang mukha ni Sir Nic.
"You're right". Sagot ni Sir na ibinalik ang papel kay Crizel. Bumalik na si Sir sa table nya at humarap ng diretso kay Crizel. "Umalis ka sa loob ng klase ko". Sambit ni Sir sa aming lenggwahe."What sir?". Sagot ni Crizel na kasalukuyang nanginginig na ngayon.
"Oh, I thought your filipina base on your surname. Sorry my mistak--" hindi na natapos ni Sir ang sasabihin nya ng magsalita si Crizel.
"I am Sir". Wika naman ni crizel.
"Ok then, Umalis kana sa harap ko. Ayoko ng katulad mo sa klase ko". Ibang klase! Maganda nga ang mukha malaputik naman ang ugali. Eww.
"Sir, If you were going to kick her out to your subject... I'll join her". Wika ko. Napatingin naman sakin si Sir Nic.
"Why Ms Sandoval?". Ibang klase. Ngayon lang kami nagpakilala pero kabisado na kami. Nice.
"Because She's my friend". Sabi ko at tumingin naman sya sakin.
"First day naman. You two can sit again". Wika nito. Agad naman kaming umupo habang sya ay kuda ng kuda.
♡♡♡
"Grabe! Kala ko katapusan ko na!! Shemay. Muntik na kong mapalayas". Sabi ni Crizel habang papunta kami sa locker.
"Ano bang nangyare?". Tanong ni Karl.
"Ano kase, wala kase akong nasagot kanina sa quiz". nahihiyang sagot nito.
"Eh ikaw Bea?".
"Anong ako?". Inosenteng tanong ko.
"Bakit naging darna ka dun kanina?". Tanong nya.
"Darna?" Tanong ko pabalik.
"Pinagtanggol mo eh, tas mukhang may tama pa sayo si Sir Nic". sagot nito. Napansin ko rin na iba yung tingin ni sir nic sakin pero ipinag sawalang bahala ko na yon.
"Wala din kase akong nasagot, eh baka makonsensya pa ko kung sya lang yung palalabasin diba". Wika ko kaya napatango tango nalang sila.
"Uhm Bea, kilala mo ba si Sean Christoffe Dea Vargas?". Tanong sakin ni Crizel.
"Parang namumukaan ko nga sya eh. Pero hindi ko alam kung saan ko sya unang nakita". sagot ko.
Crizel's POV
Pagkasabi nya non ay mas lalo akong naguluhan kaya inopen ko ang messenger ko at chinat si stt.
Sean Christoffe Dea Vargas
Crizeldeia: let's meet. I'm with my friends. BSH cafè.
Sean: Sure my treat.Ayos ah!
"Uhm Bea. Dun tayo sa Cafè may ipapakilala ako sayo".
"Sure". Sagot naman ni Bea.
♡♡♡
Nasa labas palang kami ng makita namin ang kumpulan ng mga kababaihan sa Cafè, what's going on?
"Wag nalang tayo dito. Tignan mo oh ang gulo". Napatingin ako kay Bea na parang inip na inip na.
"Ugh wait lang". Sabi ko sabay tingin sa phone ko.
Sean Christoffe Dea Vargas
Sean: All girls is here around me. Can't scape
ㅠㅡㅠ Help.Natawa ako sa chat nya at dumiretso na papasok sa cafè, habang hila hila si Bea.
"Ara-A-a-aray!". Pag daing ni Bea dahil nasasaktan sya ng mga babaeng toh! At hindi pa dun nagtatapos! May nakapatid pa kay Bea sanhi ng pagka dapa nito sa lupa.
Agad umugong ang usapan. Tsk! Akala ko pilipino lang ang mga chismoso't chimosa.
"Girl's look". Sabi pa nung isang babaeng mahaba ang buhok.
"Oops Loser". Sabi ng isang kasama nito at astang hihilain ang buhok ni Bea ng may pumigil na kamay dito.
"Oh My Gosh". Saad ng Babaeng unang nagsalita.
Agad napatayo ng maayos ang babaeng nagtangka at tila nagpacute sya kay Kuya kent.
"Don't you dare touch my girl". Sabi ni kuya kent na nanlilisik ang mata.
"Dude". Sabi ng lalaki na tila napagod dahil sa pagtakas sa mga babaeng nakakumpol sa kanya.
"Sean?". Patanong na saad ni Kuya kent."Bro!". Siguradong bulalas ni Kuya kent. What the? magkakilala sila? How? "Uhm Bea, Meet Sean Dea Vargas".
"Yea kuya, He's my classmate". Sagot ni Bea na pinapagpag ang sarili. "Anyway, pano kayo nagkakilala?".
"Bussiness partner ng parents naten yung parents nya". Sagot naman ni kuya kent.
"Eh ano naman?" Bat kayo close?". Nagsusungit na tanong nya.
"We're not that close". Sabi ni Kuya kent habang pinaghila ng upuan si Bea.
"Tsk ok bahala ka. I don't care anyway". Sabi naman ni Bea sabay hila ng bagong upuan at dun naupo.
"I'm Sean, the manager of the Woods". Sabi ni stt.
"Hmm.. Ok. naalala ko na. Ikaw yung lalaking nag explore sakin sa shop ng mga kama". Sabi naman ni Bea. "Why bed?". Tanong ni Bea. "Uhm I mean. Syempre Woods diba? bakit walang kahit ano dun maliban sa higaan? Walang upuan or something woods". Tanong nito.
"Because we're going to use it someday. Baby". Agad akong nabilaukan sa sinabi nya. What the heck? nakukuha nya pang maging bastos sa harapan namin!
"Excuse me?". Naiinis na baling ni Bea dito.
"Hindi ko babawiin, pagsisikapan kong gawin". sabi ni stt.
"Kumain nalang kayo. Hindi nyo pa nakakain yung inyo". Sagot naman ni Karl na halatang nainis din. Crush kasi ni Karl si Bea. kaya uhmmm ewan bitter hahahha
"I'm going to court you even though you don't want". Sabu ni Stt. na prentang nakaupo.
"Court your ass. I don't even know who you are. You're still a fricking stranger for me". Sabi ni Bea na halatang naiinis na sa kausap.
"If i was still a stranger for you then.. I'll introduce myself.. My name is Sean Christoffe Dea Vargas, soon to be your Husband". Ngingisi ngisi nitong saad.
Sana ako nalang. Sean. Sana ako nalang.