-☆♡-

7 1 0
                                    

Kent's POV

"Niloloko mo ba ko?". Hindi makapaniwalang tanong nya.

"Bakit naman kita lolokohin Prinsesa ko?". Seryosong sabi ko pa habang sinusuka ko na sa isipan ko ang sinabi kong pagkakagusto sa babaeng mukhang nakawala sa gubat. Baboy ramo?

"Bilisan mong kumain jan". Seryoso ding saad ni Bea. Pumasok na sya sa kwarto nya.

Whahhahahaha! Good job self nagawa mo nanamang asarin yung kapatid mo. Yun lang ang makakapag asar sa kanya eh. Dahil selosa sya.

Binilisan ko ng kumain at pumasok na rin ako sa kwarto ni Bea.

"Oh, Anong ginawa ng mga maleta ko dito? Nakaayos na yan sa baba ng kama mo kanina ah".
Sabi ko habang nakaturo sa mga maleta ko na ngayon ay nakaayos na sa harap ng pinto.

"Kailangan mo ng umalis bro, You're not safe here. Baka ilibing pa kita ng buhay sa oras na tumabi ka don sa babaeng yon". Seryosong sabi nya. Bahagya naman akong natawa.

"Bakit ba ang init ng ulo mo ha?". Sabi ko habang binabalik ulit sa ilalim ng kama nya ang mga maleta ko.

"Because i hate that girl". Sabi nya habang inaayos ang decor nya na nagulo dahil nasanggi ng braso ko.

"Lahat naman ata ng babae kinagagalitan mo. Si Crizel lang ata yung naka survive sayo". Sabi ko pa.

"Whatever". Saad nya pa.

Umalis nalang sya at pumunta ata sa terrace. Binilisan ko nalang ang pag babalik ng mga maleta ko para sundan uli sya.

Papasok na sana ako ng terrace ng makasalubong ko si Carylline na nakakunot ang noo. Sinundan ko sya ng tingin at pumasok sa kwarto ni Crizel. Pagkalabas nya ay kasama na nya ang nanay nya at dala na nito ang mga maleta. Pumasok agad ako sa terrace matapos ko silang makita.

Nakita ko si Bea habang nakakrus ang mga braso at nakatingin sa malayo.

"What happened to her?". Tanong ko. Napatingin agad sya sakin na parang malapit ng umiyak.

"Sundan mo kung gusto mo".Sabi nya sabay talikod.

"Nagbibiro lang ako. Ikaw pa rin ang prinsesa ko".

"talaga?". Sabi pa nito na nakanguso.

"yea". Niyakap nya ako at dun na humagulgol

♡♡♡

Sa banig nya ko pinatulog ngayon dahil daw pinaiyak ko sya. Karma ko na daw.

"Bea, masyado namang matigas toh". Reklamo ko pa. Nainggit naman ako dahil nag bounce pa sya ng onte matapos nyang humiga sa kama nya.

Sana pala hindi na ako nagdamdam at dun na natulog sa condo ko.

"Hays, Dito kana nga!". Sabi nya. Bahagya naman akong napangiti.

"Goodnight, Sweetdreams". Pagkasabi ko non ay hinalikan ko na sya sa noo

♡♡♡

Umaga na at tinext ko si Caizer na pumunta dito.

Maya maya ay may kumatok sa pinto.

Si Crizel ang nagbukas non. Nagulat pa si Caizer ng kaonte pero nilagpasan nya nalang si Crizel at dumiretso sakin.

"San si Bea?". Tanong nya. Nakalimutan kong may gusto pala sya kay Bea. Sinamahan ko sya sa kwarto at tuwang tuwa naman sya dahil nakita nya kung pano matulog si Bea. Sa sobrang tuwa nya ay kinuha nya ang cellphone nya at pinagpipicturan si Bea. Sa dulo ay bigla nyang nabuksan ang flash na syang nakapag pagising kay Bea.

TIE SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon