-☆♡-

5 0 0
                                    

Drake's POV

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Buntis na sya. Pero hindi ako susuko. Patuloy ko lang syang mamahalin.

Hinatid na kami ni kuya robert sa school at inalalayan ko na si Crizel. Medyo naging OA pa nga ako dahil sa nalaman ko.

Breaktime na din at dahil nga OA ako hindi ko sya pinakain ng bawal sa kanya. Sayang.. yung boyfriend nya pa yung nakapag bigay saya sa kanya... Hays.

Speaking of that Guy.. Wala sya ngayon. Kinwento ni Crizel sakin na sinabi daw sa kanya ni Lance na andito na sya sa school pero ang totoo wala naman. Liar.

"So what's your plan?". Tanong ko. Tumingin naman sya sakin na parang naguguluhan. Nasa kabilang table ang mga friends nya at si Bea lang ang nakatingin sa kanya.

"I don't know. I'm not sure". Umiiyak na na sabi nya. Nang makita ni Bea ang pag iyak ni Crizel ay tumayo na sya at pumunta dito.. Sinundan naman sya ng mga kaibigan nya.

"Oh my ghad! Why are you crying? Hays sige na bati na tayo wag kanang umiyak". Sabi ni Bea sa kaibigan..

"Bea..". Wika ni Crizel sabay yakap kay Bea. Humahagulgol na sya ngayon. Inilayo ng bahagya ni Bea si Crizel para tignan ang kabuuan nito. Kinuha ni Crizel ang dalawang kamay ni Bea at tumingin ng diretso kay Bea. "I'm pregnant". Pagkasabi nya non ay agad binitawan ni Bea ang kamay nya na nakapag hagulgol uli kay Crizel.

"What the hell?!". Bulalas ni Bea.

Bea's POV

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Grade 10 palang sila! Anong mapapakain nila sa anak nila?! King ina.

Nakita ko ang paglapit ni Karl kay Drake at sinuntok iyon! Napalakas ang suntok ni Karl na nakagawa ng sugat sa labi ni Drake. My ghad!

"Let me explain!". Sigaw ni Drake saming lahat. Ako naman ang lumapit at sinampal si Drake.

"Explain?". Sinampal ko sya ulit. "Walang hiya ka!!". Sigaw ko na sinuntok suntok pa ang dibdib nya. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko para mapatigil.

"Hindi akin yang bata". Natigil ako at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya bago tumingin kay Crizel.

"Anong hindi?!". Galit na bulalas ko sa kanilang dalawa.

"Bea si Lance". Sagot sakin ni Crizel habang umiiyak.

Hindi makapaniwalang umiling ako.

"Bat di mo sinabi agad?! Asan yung mokong na yun ha?!". Galit na talagang sigaw ko.

"I don't know. He told me a while ago that he's here". Sabi ni Crizel habang nakayuko. Peste nalinlang na sya ng lance na yun! tsk.

"What's happening here?". May nagsalita mula sa likod namin. Napalingon kami at laking gulat ko na nandito si Sir Nic kasama si mokong! Agad nag init ang ulo ko at sumugod!

"Waaaaaah! hayop ka!". Saad ko bago sya sinapak! "Walang hiya ka! Tarantado!". Sigaw ko at sinapak ko ulit sya. Nakita ko naman kung pano tumagilid ang mukha nya. May humila sa likuran ko at pumunta sya sa unahan ko. Sinampal nya din si Lance. Napatulala lang si Lance kay Crizel na parang hindi makapaniwala na magagawa nya yon!

"What's your problem Ms.Lopez?". Tanong ni sir Nic na nakaharap kay Crizel. Tumingin din sakin si Sir Nic at umiling na parang nanghihinayang. "Go to my office!". Sabi nya at tumalikod na samin,kasunod ni Lance na iiling iling. Naramdaman nya siguro na hindi kami agad naglakad kaya sumigaw sya "now!". Gosh.

Napatulala ako at naramdaman ko nalang na may kamay na humila sakin. "Kailangan kong isampal kay lance ang katotohanan". Sabi ni Crizel at hinila na ako pasunod kila Sir Nic. Sumunod naman ang aming mga kaibigan.

Nakapunta na kami sa office ni Sir Nic. Parang Principal na din sya dahil special tong kwarto nya. Nuks. "Sit down". Sabi ni Sir na itinuro ang mahabang sofa. Nagkasya naman kaming anim na magkakaibigan, Habang si drake at Lance ay may tig isang single sofa. "Alam nyo naman siguro kung bakit kay andito right?". Sabi nya gamit ang seryosong tono.

King ina. Malamang.

"So umpisahan na naten". Saad nya. "Handa na ba kayo?". Tanong nya. Napakamot naman sa ulo si Drake. naiinip na siguro.. Nagpabitin naman si Sir kaya nagmuni muni muna kami sa office nya. "First of all, Lance Gerald Sherviton.. Anong ginagawa nyo ni Ms Kristine Jessica Gamboa... Sa likod ng building na ito". Sabi ni Sir. Napatigil kami sa pagmumuni muni at napatingin kay Lance. So kaya pala nag ditch class.

"Pakiulit nga ng mga sinabi nyong pangalan sir". Naguguluhang tanong ni Crizel habang nakatingin kay sir nic.

"Si Lance Gerald at Ms.Kristine Jessica kako. Anong ginagawa nila?". Pang uulit na tanong ni Sir. Napatingin naman ang nanlilisik na mata ni Crizel kay Lance. Sinugod nya ito at pinagsasampal.

"Break na tayo!". Sabi ni Crizel habang umiiyak.

"Oh edi mas mabuti. Ginugulo mo lang din ako e". Sabi ni Lance na parang walang pake. Ibang klase..
Nainis si Crizel sa sinabi ni lance kaya sinuntok nya naman ang dibdib ni Lance. Tila nainis din si lance kaya naitulak nya ng malakas si Crizel. Napatulala pa ako saglit pero naalala kong buntis sya! Nanlaki ang mata ko at aligagang lumapit kay Crizel na nakasubsob pa rin sa sahig.

"Ang kapal ng mukha mo! Matapos mo syang buntisin!" Bulalas ko. Agad ding nanlaki ang mata ko ng marealize na nadulas ako.."oh my gosh". Bulong ko.

"Excuse me. Anong sinabi mo Ms.Sandoval?". Tanong ni Sir. Dahan dahan naman akong napalingon sa kanya at ngumiti. "May sinabi ba ko sir?". Sagot ko habang nakangiti. Nilagay ko naman sa likod ko ang aking kamay at kinurutkurot ang aking sarili!

Peste talaga tong bibig ko. Hindi tumatagal yung secrets! God help me! huhu.

"Buntis ka Ms.Lopez?". Tanong ni Sir kay Crizel! Owemji! Ambobo mo talaga Self!! Sinong tanga sa silid na to ang maniniwala sa kabaliwan ko! Tae talaga ako!

"Yes sir". Pag amin ni Crizel.

Bumuntong hininga si Sir Nic bago tumingin sakin "Magpaiwan ka muna dito. Palabasin mo na muna ang mga kaibigan mo". Saad nito. Hindi naman na hinintay ng mga kaibigan ko ang sasabihin kong umalis na mula sila dahil agad silang umalis matapos sabihin ni Sir yon.

Umupo ulit ako sa upuan at nakaramdam ng tensyon. Bobo ka kase self eh! Tsk! Kainis amp.
Agad akong pinagpawisan at nakaramdam na din ng init. Oh my! May aircon naman ah! Ghad! Bat ganto?! Shet baka naka destiny pa ko kay Sir Nic, Pero medyo oks lang din kase 24 yrs old palang sya. Pwede pa!! 15 palang naman ako! teka! '16,17,18,19,20,21,22,23,24". Bilang ko gamit ang mga daliri ko. Napangiti naman ako ng malamang 9 years lang ang pagitan. Pero agad ding sumeryoso ang mukha ko ng makita na nakatingin sakin si Sir Nic.

"Maghubad ka muna". What the elephant?! Mukhang re-rapein pa ko nitong tandang toh ah! kupal nga naman! Tumayo ako at lumapit sa desk nya. Kinuha ko ang mug nya at uminom dun. Pagtapos ko uminom ay umupo ako sa desk nya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.."Ayoko pa pong mabuntis. kung inaakala nyo na gusto kong sundan ang yapak ng kaibigan ko.. Maaring pag 27 nalang ako. Naiintindihan mo SIR NIC?!". Sabi ko at padabog na nilapag ang mug nya at bumalik na sa inuupuan ko kanina.

"Ano bang sinasabi mo Ms.Sandoval?". Inosenteng tanong ni sir! Haller?! Pinahuhubad nya ko tas tatanungin nya ako kung anong sinasabi ko! Psh! Eh tama lang naman na ipagtanggol ko yung sarili ko dahil pagsasamantalahan ako ng mokong na matanda na gwa--- ERASE ERASE!! Mokong na matanda lang!! "Kung iniisip mong pagsasamantalahan kita..Nagkakamali ka. Ms.Sandoval nalulungkot ako dahil wala kang tiwala sakin". Sabi ni Sir Nic. "Nais ko lang ipahubad sayo ang coat mo tutal meron kapa namang uniform na suot". Sabi ni Sir! Oo! May coat kami! kala ko kase pinapahubad nya kong buo tsk!

Napatulala naman ako at naghabol ng hininga. Napayakbo ulit ako sa desk nya at ininom ang tubig sa mug nya! Owemji andami ko ng kabaliwan. Dahan dahan kong binaba ang mug at napatingin ng diretso sa kanya habang nag aalinlangang nakangiti. Paninirang puri na ba toh?

"Pero hindi naman ako nagagalit. Nasa sayo nalang yun kung paghihinalahan mo talaga ako, at alam ko yun.. Dahil inform ka naman na may gusto ako sayo.. At dahil may gusto ako sayo.. Hindi mawawala sayong pagdudahan ako". Saad nya! So inaamin nya na may gusto sya sakin?! What theeee?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TIE SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon