CHAPTER 13

443 21 3
                                    

Anella's POV

S A T U R D A Y

Nasa baba na daw ang mga kaibigan ko dahil nga may practice kami mamaya para sa sasayawin nila for Nutrition month, kaya dali-dali akong naligo at nagbihis.. Actually, si Mommy ang pumili ng damit ko.. Aangal sana ako kaso inambahan na ako ng tingin ni Mommy..

Ang suot ko ay itim na highways short na hindi talaga approved sa'kin. Naka-puti rin akong converse na nagustuhan ko.. Sa pang itaas ay puting sweater, itinaas ko pa ang mga manggas hanggang siko na hindi naman hapit at pinatungan ng checkerd polo na itim at puti. Tinali ko yung buhok ko ng ponytail at nilabas ang bangs..

'Bakit kaya ayaw humaba ng bangs na 'to! Leche!'

Pagkababa ko, s'yempre.. Ang unang bubungad niyan ay mukha ni Julzia, na hindi ko alam kung bakit palaging napakaganda..

"Ang ganda ng mga kaibigan ko ngayon, ah!" pagpupuri ko sakanila at niyakap sila..

"Ay, ano meron? Nanalo ka ba sa lotto?" tanong ni Mamshe kaya napatawa ako ng mahina at tinapik lang ang ulo niya..

"Mom, bauinin ko na lang yung sandwich d'yan.."

"Sino nagsabi sa'yong magsandwich ka lang?" rinig kong sabi ni Kuya na ngayo'y nakapamulsa habang naglalakad pababa. "Kumain ka do'n.."

"Kakain naman ako, Kuya eh.. Baunin ko na lang 'yon."

"Sabing hindi! Kakaltukan kita, makita mo!"

"Eh.. May practice pa kami, eh!"

"Sabay na tayo.. May practice din kami!"

Wala na akong nagawa at niyaya na ang mga kaibigan kong kumain...

"Baby, bakit ang ganda mo today?"pambobola ni Mommy. Napatingin ako sakaniya at nginiwian siya.

"Mom.. Gwapo ako."

"No, baby! You are beautiful! Look, oh!" sabay harap sa akin nung hand mirror niya..

"Kaya nga, Baby girl namin.. Ang ganda mo." puri ni Dad kaya napangisi ako ng tipid at kumindat sakaniya..

"Mmm?!" angal ni Kuya kaya napaangat ang nguso ko. "Nasaan ang maganda d'yan?"

"Aldrin.."

"Psh! Panget!"

"Mana sa'yo, eh.."

Nanlaki kaagad ang mata ni Kuya na ikinangisi ko. Binelatan ko pa at kaagad na sinubo ang tinapay ng buo nang sugudin niya ako. Tumakbo ako papunta sa labas at pinakita sakaniya ang bad finger..

"Moooooooom!" sigaw niya, nagsusumbong.. "Si Anella nag-bad finger!"

"Anella Maene!"

Napasimangot ako. 'Sumbungero talaga si Mommy's boy..'

Nagpaalam si Kuya na maliligo na kaya nung matapos ng kumain ang mga kaibigan ko ay eto kami, naghihintay.

Nakalilipas na ang trenta minuto at ang mga pisnge ko ay iritang-irita na dahil sa inip.. Ngayon palang bumaba si Kuya.

'Kalalaking tao napakakupad kumilos! Tss..'

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon