CHAPTER 47

329 18 0
                                    

Anella's POV

Patuloy lang sila sa pakikipagkwentuhan habang ako ay nakikinig lang sa usapan nila, tumayo ako at pumunta do'n sa gawi ng mga yaya nila Lotlot.

"Come with me, at the main room.."

Sinundan nila ako at pumasok na sa loob.. Nandoon ang mga yaya na bagong ligo at nagbibihis pa, magtatrabaho nanaman sila.

Sila Manang Reyk ay nginitian agad ako kaya tinanguan ko sila bilang pabati.

Pumasok pa kami sa isa pang pinto kung saan doon natutulog ang mga lalaki naming yaya at butler sama mo na mga drivers. Malaki naman ito aakalain mong isang bahay 'to.. Main room na may sala, sitting room at maraming kwarto.

Nandoon sila Manong Kon at Manong Roy na nakaupo habang nanonood ng tv. Ang iba pa naming lalaking yaya ay sumaludo pa kunwari sa akin.

Nang tumapat kami sa pangatlong pinto ay ini-tap ko ang hinalalaki ko at ini-scan nito ang mata ko...

"Access complete.. Good evening, Miss Anella!" bati ni Rica, yung computer at bumukas na ito.

Umupo ako sa may malapit na lamesa at agad naman silang sumunod..

"Nandito kayong tatlo ngayon at nakaupo.." putol kong sabi, tumango sila.. "Ellagrace, anong grade mo na dapat ngayon?"

"Uhm.. grade 10 po, Miss!"

"I see. Gusto ko lang magsorry nang dahil sa mga bata ay hindi natuloy ang pag-aaral niyo this year.." sinserong sabi ko..

"Ah hindi, Miss! Ayos lang naman po!"

"Hayaan niyo sa susunod na year pag-aaralin ko kayo."

"Halah! Thank you, Miss!"

Pinindot ko ang caller na nakalagay na maids(female) kung saan nakaconnect kila Manang Reyk ito..

"Manang Reyk, pakisabi kila yaya Divine, Yaya Chem, Yaya Cassy, Yaya Bella, Yaya Cacai, Taya Hani.. To come here on meeting room?"

Ilang saglit lang ang lumipas ay.. "Miss, andito na po kami!" rinig kong sabi ni Divine sa caller..

"Rica, open the door!" utos ko.

Agad namang bumukas ang pinto at sumalubong ang mga yayang pinapatawag ko.. Yumukod muna sila sa'kin saka umupo sa tabi nila Ellagrace.

"Bakit niyo po kami pinatawag, Miss?" tanong ni Cacai, tumikhim muna ako..

"Saan-saan kayo nakaasign?"

"Ako, Miss. Sa garden po kasama ni Giro at Christopher.." sagot ni Yaya Cassy.

"Ako naman, Miss. Kasama ni Rein at Manang Peni!" sagot naman ni Divine.

"Ako, Miss. Sa kusina kasama si manang Reyk at Manong Roy.." si Cacai.

"Ako, Miss. Sa sitting room taga linis!" si Chem naman.

"Ako, Miss.. Nakaasign sa mga hallways kasama si Mark!" si Hani.

"Ako, Miss.. Salas!" ngiting sabi ni Yaya Bella..

"Sinong nakaasign sa court? At dressing room?"

Ang Tibong Inlove |Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon