~CHAPTER 12~

153 21 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Trixie PoV.

Minulat ko ang mata ko at nakakita ako ng puti, taena nasa langit na ba ako?

Tumayo ako at nakaramdam ako ng sakit sa ulo, naalala ko nanaman yung nangyari. May naka-kabit na din sa akin na suwero tapos may benda na ang palibot ng ulo ko.

"Trixie! Are you okay now? tell me what happened!" biglang lapit ni Jirah, nandito din si Andrea tapos si Kindra, nakaupo naman si Xian. "Kilala mo pa ba kami? sino ako!?" biro nanaman ni Jirah

"N-nasan ako? Nasa na si L-lex? kasama ko siya diba? baka may mangyaring masama na sa hinayupak na 'yon baka—" hindi na ako pinatapos ni Jirah.

"Gaga ka! ikaw na nga 'tong nakaratay dito sa hospital tapos yung lalaking pa 'yon iisipin mo!" sigaw nanaman niya.

"Ano sabi mo? nasa hospital ako?" nagtataka ulit tanong ko. Nasapo nalang ni Jirah noo niya tapos yung dalawa umiwas ng tingin.

"Mygad! halos dalawang araw kang tulog! grabe naman yung ginawa sayo tangina nila!" Maarte na sabi ni Kindra

"Labas lang ako sabihin ko sa doctor na gising kana" sabi ni Andrea, sumama naman si Kindra sa kanya.

"Oh eto! kumain ka muna alam kong gutom ka, ilang araw kang nakaratay diyan e" masungit na sabi naman niya.

"Nasan si Lex pre?" tanong ko habang kumakain, totoo sabi niya, grabe yung gutom ko.

"Si Lexious ba? Pagkatapos no'ng gawin niyang pagiwan sayo dito dahil hinahanap na siya sa kanila e hinahanap mo padin yung totoo be?" sabay taray niya, bakit ba ang taray neto ngayon.

"Hala! sila inay at itay! baka pagalitan ako non! kailangan ko ng umuwi! tulungan moko!" nagmamadali akong bumangon at tatanggalin ko na sana yung mga nakakabit sakin ng paluin ako ni Jirah.

"Gaga ka! kumalma ka hindi ka pa nga ayos e! Nasabi na namin sa parents mo as usual nagalit sila pero susunduin namin sila mamaya para makapunta dito, sa ngayon magpahinga kana muna!" hindi nalang ako nagpumilit at sumunod nalang sa kanya.

Kumain nalang ako ng kumain dahil grabe ang gutom ko, buti nalang madami tong pagkain nila, atlis mababalik yung lakas ko mabubusog pa ako. Sa kalagitnaan ng pagkain ko tsaka pumasok si Andrea at Kindra. Si Kindra tabi kay Xian sa sofa at may binigay na pagkain.

"Kailangan pa ng test para masabi na okay kana, for now magstay ka pa dito ng weeks siguro" hikab na sabi ni Andrea. tumango naman ako

"Narinig mo yon ha? kaya magpahinga ka" taray na sabi ni Jirah.

"Opo Ma'am" nakangiting tugon ko sa kanya. "Anong oras na pala?" sabi ko habang kumakain padin.

"Ahm 4 in the morning" singit ni Kindra.

"May pasok pa ah? paano kayo? di pedeng umabsent kayo! pumasok kayo okay? Parang wala pa kayong mga pahinga" sabi ko at nasapo nalang yung noo.

"Wala talaga! Gaga ka tagal mo kasing gumising e"  napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan sa kanila, sila pa nagbantay sakin dito.

"Pumasok na kayo at magpahinga" sabi ko ng nakangiti.

"Eh paano ka?" nakacrossed arms na sabi ni Andrea

"Kaya ko naman, wag kayong magaalala may doctor at nurse naman dito." tapos kumagat ulit sa tinapay, sayang e.

"Hayyyy buti naman makakapagpahinga narin Byebye Trixie! Pagaling ka sizt! Una na ako sa kotse!" sigaw ni Kindra tsaka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Andrea.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon