~CHAPTER 14~

133 22 1
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Trixie PoV

Nagising ako dahil sa ingay, ingay ng mga taong nagkukwentuhan, nagtatawanan, basta sorang ingay. Bumangon ako at tinignan sila, kumakain sila ng chi-chirya ata tapos may softdrinks den.

"3 hours lang tulog mo, nagising ka kaagad?" dinig ko mula sa gilid ko tapos tinignan ko siya si Lex lang pala tapos nagcecellphone siya. Kaya ako kinapa ko yung cellphone ko—ni Lex pala dahil nakatulugan ko yung panonood sa cellphone.

"Chinarge ko yung cellphone mo, lowbat na e, nakatulugan mo" seryosong sabi pa niya.

Tinignan ko yung orasan at 10pm na 3 hours nga lang akong tulog, pero feeling ko ang haba na, ang dami kong lakas.

"Hi Trixieee!!! Gising kana pala! Tara samahan mo kami dito! kwentuhan lang!" sigaw ni Jirah. Nakabilog sila tapos nasa gitna yung pagkain nila, meron nadin doon na sapin na foam tsaka banig  seryoso talaga sila na dito sila matutulog amp!

"No. Kailangan niyang magpahinga." Singin ni Lex, tinignan ko naman siya ng masama, nagkibit balikat naman siya.

"Ay ang Kj mo naman ser, Kita mong kaka gising lang, papatulugin mo agad?!" sigaw sa kanya ni Kindra tapos tinarayan pa siya. Di nalang sumagot sa kanya si Lex tapos bumuntong hininga nalang. Tapos nagtinginan sila sakin tapos nag 'teka lang sign' ako. Tapos tumango naman sila.

"Pssst! Lex!" bulong ko sa kanya, tumingin siya sakin "Tulungan moko, uupo ako dun!" nakangusong sabi ko tapos tinuro sila Jirah. Umiling naman siya. Padabog akong tumayo tapos kinuha yung stand. dahan dahan ko yun dinala.

"A-anong ginagawa mo?!" sigaw ni Lex.

"Ayaw mokong tulungan e, balakadiyan!" sigaw ko den tapos dahan dahan naglakad hawak padin yung stand ng dextrose.

Padabog siyang tumayo tapos padabog kinuha sakin yung stand tapos siya na yung nagdala. Tinignan ko siya ng nagtataka tsaka ngumiti ng umiiling.

"Yun ohh!!" sigaw ni Jirah "Dito ka dali sa tabi ko!" parang batang sabi ni Jirah tapos umusog siya. Umupo naman ako do'n. Tumingin ako sa side ko tapos nakita ko si Xian, dahel?! si Xian?!. ngumiti ako ng mapait sa kanya tapos inayos yung upo ko, okay naiilang ako!.

"So Trixie, kailan ka ba makakalabas dito?, alam mo sabi ni Tiana baka patay ka na daw! Damn! She's so crazy omygad! You know? I pulled her hair kaya! napaka sama ng ugali!" maarteng sabi ni Kindra.

"Dai Warfreak yan!!" sigaw ni Jirah sabay kumuha ng chichirya.

"So kailan ka nga makakalabas?" baling na tanong nanaman ni Kindra.

"Ino-obserbahan pa siya" Sabat ni Lex na nasa likod ko pala at naka upo sa monobloc chair, nabaling naman sa kanya lahat. Lumingon din ako sa kanya.

"Nasabi mo din na sunmakit yan diba?" tumango naman ako "Ilang beses na sumakit yan ngayong araw?" tanong naman niya

"Ahm tatlo na ata" di ko siguradong sagot. Kinutusan naman niya ako pero mahina lang

"Ba't hindi mo sinabe?!" pigil na inis na sabi niya.

"Eh akala ko epekto lang ng gamot e!" nakangusong sambit ko.

"Tsk tsk tsk! next time sasabihin mo ha?! baka hindi yan maagapan kung itatago mo, ikaw pa mapapahamak sa huli!" sermon naman niya.

"Yez zer!" sigaw ko sa kanya napabuntong hininga naman siya

"tss actually bago ako bumili ng pagkain e dumaan muna ako sa doctor, at yun ang sabi, Kailangan mo pang obserbahan dahil madaming what if ang mabubuo" paliwanag ni Lex.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon