Chapter 3

677 33 0
                                    

General POV





"May pera pa ba tayo?" Saad ni Rosario kay Robyn.







"May 2 million pa tayo," gabi na at tila silang dalawa nalang ang nag-uusap. Nakatulog na si Poly sa likuran ng sasakyan.







Si Rosario naman ay di man natulog at nanatiling bukas ang mga mata at kinakausap si Robyn.







Si Robyn Fuentes ay ka isa-isang pinsan ni Rosario at tanging pamilya niya. Silang dalawa ang namumuno ng kidnapping, at hostages. Pero si Rosario lang ang tanging dinidiin ng mga tao, wala na din namang magagawa pa si Rosario kaya tanggapin.







Mabuti na rin na hindi silang dalawa ang nakakulong dahil hindi sila makakatakas dalawa kung walang tao sa labas na tutulong.








"Yung isang milyon naalala ko, ipinatayo natin ng bahay..." Saad ni Robyn. "Doon ba tayo pupunta?"









"Oo"





Saad pa ni Rosario.








"...Wag na muna tayo magsimula ng operasyon, alam kong mas magiging malala ang paghahanap sakin. Papalipasin na muna natin ang gulo, hayaan nating kalimutan tayo nga tao."








"Alam ko yun, pero maghahanap pa rin tayo ng paraan para kumuha ng pera diba?" Saad pa ni Robyn na tila namomroblema na.








Natahimik si Rosario.







Ano nga ba ang paraan? Dahas!







"Mamaya na natin yan pag-usapan."





Saad pa ni Rosario na tila nag-iisip. Pagod na siya at tila hindi makalagad ng maayos. Malayo layo pa ang lalakbayin nila kaya mas mabuting may lakas ito.







"...Ang importante makalayo tayo dito baka maabutan tayo ng checkpoint, nakalabas na tayo ng San Antonio del Sur diba?"










"Oo"







Saad ni Robyn.







"...Sa susunod na gas station, magbihis kayo at maligo. Ibahin niyo ng kulay ang buhok niyo"











"Hospital"











Tanging saad ni Rosario sa pinsan nito.










"Ha?"










"Pumunta tayong Hospital"









Ani ni Rosario na pinagtaka ni Robyn, ano na nga bang plano ni Rosario ngayon?










The Last Castle (GxG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon