Every Blood Counts

231 3 0
                                    

They say nightmares are not real. Pero ANYAREH TEH? Bat nagkakatotoo?! Sabi nga, Expect the unexpected. Believe the impossible . SEE to BELIEVE.

~

November 26, 2012.

Ang boring naman ng araw na ito! -_- Bakit pa kasi walang pasok edi sana kasama ko mga kaibigan ko! Potaaa, bumaba nalaang ako nun at nanood ng T.V. Mali pala ang desisyon ko ang papanget ng palabas! Lintikers! Ako lang magisa sa bahay nung araw na iyon. Nang may biglang kumatok sa pintuan, nagulat ako at natapon ko ung zesto ko napisil ko at naging ala-fountain ung straw. Nagmadali ako sa pinto para buksan. Pagbukas ko wala naman, ang weird, inisip ko nalang mga batang loko lang yung nangtritrip. Sinara ko na ang pinto at bumalik sa aking pwesto, pshh storbo kasi Motherfather. Habang nakaupo naalala ko may zesto pala ako.... LUH?! Nyeta asan na ung zesto ko?! Hinanap ko sa sofa, nagsikalat na ung mga unan. Hindi ko nakita, well zesto lang naman iyon meron pa naman sa ref.

November 27, 2012.

May pasok na today, maaga ako gumising kasi ako ung klaseng tao na gustong gusto pumasok kasi as you can see, matalino ako :bd LOL Kasi syempre dahil sa mga loko kong kaibigan un sa school. Wala parin sila mama, nagtataka ako, kasi nasa singapore sila biglaan eh sabi uuwi na next week ito na ung next week na yun. Wala pa naman akong kapatid tas iiwan nila ako magisa dito, porket 16 na ako iiwan na ako ng ganun. Kayo kayong mga magulang diyan at parent wannabees tsk tsk wag pumunta ng singapore. Pumasok na ako, commute commute din. Nagabang ako ng jeep sa kanto. Ang tahimik, mga tulog pa ata mga pips. May pasok ba? Ayun may dumaan ring jeep, sumakay na ako. Pagdating ko ng school, nakaabang agad si Ina, bestfriend ko. "Hi bfff!!!!!" Agad niyang sigaw, syempre ako rin sigaw nakakahiya tuloy dun sa guard para kaming timang. Sabay na kaming pumasok sa loob. "Josh, tinatawagan kita kagabi ah?" ...." Tulog na ata ako nun" sabi ko. "Bat ka tulog ng 8?!" ..... " HAHAHAHAHHA sorry wala na kasi akong magawa eh, edi natulog nalang ako."

"HOY MGA SIRAULO!" .... Nakilala ko agad ung boses, sabi ko na nga ba si Jazy. Kaibigan ko rin siya at miymbro siya ng barkada namin! Napansin ko parang daming dala ni Jazy, tinanong ko siya kung ano un. Sabi niya "Ay, wala trip ko lang magdala ng damit, itrytry ko t mamaya, Ina samahan mo ako sa CR ah!" .... Aba-aba itong babaeng to lumalandi padamit damit na namamahalin, palibhasa kasi mayaman. "Hoy saan kayo dadaan?" sabi ni jaziel. Bakit? sa classroom gaga . "Ahh sige joshy mauna ka na CHUPE!" ... " Oo nga bff una ka na magdadamit pa ito si jazy" wika ni Ina. Ohh sige bye. Umalis sila agaad nagmamadali sa CR pati rin ata si bff magsusukat tahahah! Habang naglalakas ako papuntang classroom nakasalubong ko ung babaeng may crush sa akin. SHIT!

"JOSHYYY KO!!!!!!!!!!"

Shit!! Takbo agad ako, di ko na nga alma kung saang room ako pumasok. Nilock ko yung pinto at napaupo sa pagod. Kinati ko ung mata ko kasi makati, pagdilat ko, may babae sa harapan ko, maganda, mahaba buhok, pero rakitsta ang peg. " Anong ginagawa mo dito?" sabi niya na malumay na boses. Nagpapahinga ako bakit? ... "Ladies Room ito.".... O_o. Sige umm.. lalabas na ako? BYE!

Putek! Nakakahiya ! Tangeneh!!!!!! Tinignan ko ang relos ko punyeta! Mag stastart na ang klase!!! Madali akong umakyat halos madapa na ako.Pagbukas ko ng pinto, WALA PA NAMANG TITSER. Pero ok na un ung teacher pa naman namin kupal. Lagi nagmamark ng tardy.

"Oh bat parang pawis na pawis ka tol?" kala ko kung sinong nagsasalita yun pala si Clark lang. miyembro rin ng barakada. Kasi tumakbo ako tol ... " Ahhh kekekke" Medyo batsus rin un eh ayaw makipagusap ng matino. Dumeretso ako sa upuan ko sa likod ako nga lang magisa eh badtrip pero ayus na para walang nangangalabit, ayoko kasing ay nangangalabit sa akin eh nakakairita kaya. Wala parin si Bff, nag-aalala ako baka mamarkhan ng tardy. SHIT! Dumating na ung teacher at sakto dumating sila bff kasama sila Chi, Sheen Aud, Kai, Moni at Jazy. SHIT Kinakabahan ako.

"GIRLS!??!?!?! SAAN KAYO GALING!?!?!?!"

"Umm MA'AM!!!! Inutusan ko lang sila!! "

"Ikaw talaga Josh!!! Sige girls go back to your seat.

Ginawa nila ung sign of thank you namin. Nagthank you sila, I always got there back. Yan ang magkakaibigan.

Nagdakdakdakdakdakdakdak na ung advaysor namin. Wala akong maintindihan kasi ung boses niya parang timang lang nakakabiwset. Ang aking tanging naintindihan langay ang new student sa class namin, class 1-A. Medyo natutuwa ako baka kasi mabait ung new classmate tsaka baka maging kabarkada namin tehehehe.

"Iya.. ( Iya tawag namin sa class namin kasi 1-A parang I ung 1 kaya I YA :D ) Meet your new sister.

"Sister? So babae?" sabi ng mga kaklase ko.

"Marceline?"

"Wala po akong apilido.."

AHA! Siya ung babae kanina sa CR! Ung matamlay ung boses! Pero weird ah bat wala siyang apilido.

"Where do you want to seat marcy?"

"Sa tabi nong panget na lalaki sa likod."

AKO?!?!?! Wow ah kung makapanget tong babaeng to.Buti di ako masama kung hindi masasaksak na kita. Kaso babae ka eh gentleman ata ito. Umupo na siya sa tabi ko, ngayon di na ako nagiisa matutupad na ang aking planong maghasik ng lagim. LOL............ Hindi ko alam pero may feeling talaga ako eh ang weird nitong babaeng to. Di ko nalang pinansin, pero may kakaiba sa kanya actually. Ang ganda ng mata niya... may pagkared. Nakaka....

"So ikaw si Josh no?" sabi niya

"Ahh oo ako nga haha *sabay kamot sa ulo*"

Nanahimek nalang siya bigla ang weird, gusto ko sana siya kausapin kaso baka sabihin nya fc ako. Bat ang lamig?! Chi! Pataas nga ng Aircon! Ay bat ang lamig parin. Nevermind.

Break

Nasa canteen na kami as usual magkakatabi kaming magbarkada. " ang weird nung new girl no?" sabi ni bff. Oo nga eh katabi ko shit! TAHAHHAHHA. "Maganda kaya siya at ung eyes niya so huggable"

"Anong huggable?!" sabi ni aud. " Ay mali basta maganda ung mata niya". Pero mukha naman siyang mabait guys, kaibiganin natin. "Tara!!' sigaw ni bff. Hinintay naming dumaan si Marceline sa table namin. Dumaan nga, pero tumabi sa amin, nagulat kami lahat bat kayo ganun. Kinausap lang namin siya hanggang maging close nag get to know. Pero nahihiya parin ata siya at di makapakali.

Math Time

Habang nagtuturo si titser. Naguusap lang kami ni Marcy Tinanong ko siya kung bakit siya nagenroll dito sa university na ito. "Wala, may hinahanap lang ako na sobrang importante sa akin, pag wala ito ikamamatay ko." Okay, hindi un ung ineexpect kong sagot Napatingin kao sa leeg niya at para bang may kagat ng ahas? Tinanong ko siya kung ano un. Tinigil siya ang pagsusulat niya at nanahimek. Natakpan ng mahabang buhok niya ung pagmumukha niya. Huy, marcy? yoohoo? HOY! MARCY!.

"Josh, wag kang maingay" sabi ni titser

Badtrip naman itong babaeng to eh. Sinilip ko ung mukha niya nakapikit, nilapit ko ung mukha ko at biniro.. Uyyy Marceline! Habang magkalapit mukha namin, bigla siyang dumilat. Yung mata niya kakaiba mas naging red. Napalayo ako at nauntog. "ay sorry, did i scare you?" ... ughhh nakakainis na ah tahahhaha.

Dismissal

Nasa tambayan kami nila bff. Nagkwentuhan, pero parang matamlay kami ngyon hindi parang dati anyayareh? Umuwi agad si bff tapos umuwi na rin sila kaya uuwi na rin ako. Bayan wala namang kwents itong araw na ito TAHAHAHAHA.

Pagkauwi ko, binato ko agad ung bag ko sa sahig at humiga, naghubad ng damit. Ganun ako sa bahay eh pagdating galing school, di naman ung pangbaba. Wala parin sila mama. Di na ata dadating un. Nakakaidlip na ako ng biglang may tumunog sa kusina. tinignan ko agad. Sinilip ko ung kusina parang may tao di ko nalang pinansin. Pero tumunog ulit eh kinuha ko na ung arnis kasi baka may mananakaw. SINO KA AT BAKIT KA NASA BAHAY KO WALANG HIYA KA!..... Nagulat ako sa nakita ko..

"Hi Master. Welcome Home"

SI MARCELINE!

~~~~~~~~~~~~~~~~

Every Blood CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon