Trip to the Kingdom

86 1 0
                                    

November 27, 2012

Hala?! Ano kayang ginagawa dito ni Marceline? At bakit master tawag niya sa akin?! Napakaweird! Bat siya nagluluto hahahahaha.. 

"Pinagluto na kita ng merienda mo Josh, kumain ka na bago lumamig yang pagkain"  

Hala? Merienda lang ganito na kasusyal?! Ay btw marceline bat ka nandito bahay ko to! 

"Bahay NATIN" 

ANO?! Kailan naging sa atin to? Pero Thank you sa pagkain ^_^. Kumain nalang ako ng kumain ang sarap ng luto niya! Pero naiilang ako kumain kasi sa harap ko lang siya kumakain tapos nakatitig lang sa akin.  

Ummm Marceline? 

"Bakit?" 

Anong oras mo balak umalis? 

"Dito ako hanggang matapos ang kontrata ko." 

Hoy, anong kontrata yan? 

"Manahimek ka,hindi magandang asal ang pagsalit habang kumakain." 

Hala? Ang lalim naman ng mga pinagsasabi mo day! Sige na nga bahala ka sa buhay mo. Dun ka nalang matulog sa kwarto nila mama. 

"Sa pagkakaalam ko ang tatay at nanay mo ay hindi maayos ang relasyon kaya ang kanilang kama ay magkahiwalay. Doon tayo matutulog sa kwarto nila, magakahiwalay naman ang mga kama." 

Oh sige basta sa akin ung sa tabi ng bintana! 

Mag 9-9 na nun, hindi parin ako natutulog kasi naaawkwardan ako matulog na. Naglaro nalang ako ng ps3. Ung mukha ni marceline parang ngayon lang nakakita ng racing na laro. 

"Turuan mo ako niyan Josh." 

Ayoko nakakatamad. 

"TURUAN MO AKO NIYAN" 

Ung mga mata niya nanaman nagiging pula lalo, natatakot na ako. Kaya wala na akong nagawa, tinuruan ko nalang siya. Pagkatapos niya matuto umakyat siya bigla. saan kaya yun pupunta? Bigla nalang may tumunog sa taas. Umakyat ako kasi baka kung anong nanyareh doon. Sinilip ko siya sa kwarto nag-gigitara. Hala, magaling pala siya mag-gitara eh, pinakinggan ko nalang siya.Nakakaantok na, nawala ako sa sarili ko nauntog na ako sa pinto tapos bumukas ung pinto lalo.Nagulat ata si Marceline kasi, well, di ko maexplain, ung itsura na nagulat.  

"Bakit ka nandiyan?" 

Wala nakikinig lang ako sa tugtog mo. 

"Halika dito." 

Tumabi ako sa kanya. Nakipagkwentuhan siya. Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Yung tatay niya pala nawawala, tapos ung nanay niya walang pake sa kanya. Nakakaawa naman pala siya. Pero pareho lang kami, naiintindihan ko siya. 

"Josh, may aaminin ako." 

Ano yun? Hindi ko na masyado naririnig sinasabi niya. 

"Kasi, ang totoo, vam..." 

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Day 3 November 28, 2012. Saturday.

Kakagising ko lang, pag-gising ko nasa kama na ako. Pano ako napadad dito? Eh kakawentuhan ko lang kagabi si marceline.. OMG si marceline?! Natulugan ko siya kagabi! Tengene! Nakakahiya!!!!!! 

"Oh gising ka na pala?" 

Ay, oo tahaha *kamot sa ulo* 

"Sarap ng tulog mo ah anoras na koya?" 

Ha? 7 am po :) 

"Wrong, 8 na po sir." 

SHIT! MAY LAKAD PALA KAMI NGAYON NILA BFF OMG!!!!!!! Nagmadali akong maligo magbihis at magayos ng buhok Syempre hiwalay pagayos ng buhok matagal eh vain ako mehn. Buti mga 1 pa kami aalis. Mag-eenchanted kingdom kasi kami ngayon, libre ni patricia torres. Yaman no? Birthday niya kasi eh! Pero paano na si Marceline ok lang kaya siya dito? Nagbye na ako sa kanya ngbbye lang rin siya himala di ako pinigilan. 

Pagdating ko sa DC, ung meeting place namin sa tabi ng school. Wala pa sila!! Punyeta! Naghintay pa ako dun, pero nabored ako, pumunta muna ako jollibee. Bumili ako ng barger, hahahah burger yun, trip ko eh. Pagbalik ko dun andun na sila AS IN LAHAT SILA. 

"HOY BAT KA LATE?!" 

Hoy mga putek, kanina pa ako nandito no! Bumili lang ako saglit sa jollibee.Ako pinakauna mga walang hiya kayo pinamadali pa ako tuloy tahaha! Maayos ba buhok ko? 

"Forever vain ka talaga bff." Sabi ni bff 

Ano aalis na ba tayo guys? kating kati na ako magspace shuttle. Umalis na kami sumakay na kami sa van ni patricia. Ganito position namin sa loob.

(Kuya ni pat) (Girlfriend ng kuya ni pat)

(Sheenaly) (Chi) (Pat) (Clark)

(Ako) (bff) (audrey) (monica)

(Jerome) (kaina) (jaziel)

Yan hahaha! Mahirap isummarize ah! Ang ingay namin sa kotse pero ung mga nasa harap tahimik naiilang ata sa kuya ni patricia! Plano kong matulog kaso di ako makatulog ang ingay namin eh. Pumasok ulit si marceline sa utak ko, paano kaya siya dun? Ay, May naalala ako dapat may sasabihin siya sa akin kanina. pagdating ko nga sa bahay mamaya matanong.... * BOOM* 

Bumalentong ako sa upuan ko. Tawa sila ng tawa na ung iba mauutot na kakatawwa. Paano nagbrake bigla tong koya ni pat wala man lang warning! Eh diba nga ang lalim ng iniisip ko di pa ako nakaseat belt! ang sakit, nagkabukol ata ako. 

Sa wakas nakarating na kami sa EK, medyo konti pa ung tao, 11 am na nun, so bubuksan na nila ung gate! WOOOOO party! Pagpasok namin nagwala kaming lahat at  tumalon-talon tapos ung kuya ni Pat na si Lloyd, humiwalay sa amin, hindi namin alam kung saan kami pupunta kaya kumuha kami ng brochure. Una namin sinakyan. SWAN LAKE. TAHAHAHHAHA Eh putapete eh sarado pa ung mga rides ung Jungle Log Jam naman 12 pa magbubukas tapos ung Rio Grande 2 pa shit! haha kaya dun kami bumagsak. Wooo ang hirap mag pedal sa tubig sa infairness. Di na kami nakagalaw, si patricia kasama ko sa swan na to haha!

Habang nagsisipedalan kami may napansin akong babae dun sa may anchors away. Tili siya ng tili.Tinignan ko. PUTCHA! SI MARCELINE BA YUN?!! BAT SIYA NAPADPAD DITO!?!?! Pagkatapos ng swan lake niyaya ko sila sa Anchors Away. Tapos na ung batch kung saan nakita ko si Marcy. Habang bumaba mga tao tinitignan ko sila, wala naman si Marcy. Nababaliw na ata ako. Sasakay na kami ng Anchor's kakayanin ko kaya ! Syempre kaya yan! Habang inaayos namin ung mga belt, Nagsisitilian na sila audrey na  parang baliw lang. Ayan na gora na!! wooooo!! 

Habang tumatagal lalong tumataas tas ung tilt! WOOOOOOOO. Ang sakit sa tiyan, parang puno na ng ihi. Katabi ko si bff nun natatakot siya kaya hinigpitan ko hawak ko sa kamay niya. Tapos tinignan ko sila Audrey sa likod, nagvivideo pa tas sigaw ng sigaw TAHAHAHA!!. Si Chi naman pangiti ngiti lang tas lumalaki mata pag baba na! ang saya pero nakaktakot! Pagkatapos nagdadalawang isip kami kung sasakay pa kami ulet, kaso nakakapagod na sumigaw eh. Naglibot libot nalang kami.

TO BE CONTINUED >>

Every Blood CountsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon