November 28, 2012
Parang may naalala ako ngayong araw pero di ko talaga alam eh. Tinanong ko sila kung meron bang importanteng okasyon ngayon habang nalilibot libot kami. Wala rin silang alam, meron pa akong di natatnong, si Jazy. Wait asan siya?! Hoy! asan si Jazy?!
"Malay ko" - Moni
"Baka namatay na" - Clark
Mga baliw :D Asan nga ?
"Andito lang kasi ako diba?" - Jazy
Nasa likod ko lang pala..Tatanungin ko na sana kung anong meron ngayon pero nakasalabong namin ung mga kaaway namin, kaaway naming FUNternity.
Tawag sa grupo nila, ewan ko di ko matandaan.
"Uy yun ung ano oh! Ung ... ano ulit yun?" - Ina
"Its Le Girlz" - Kelly
"Ah Le Girlz... Bat naman kayo napadpad dito?" - Aud
"Wala lang masama ba mag-EK?" - Cheska
"Oo lalo na pag mga pandak di aabot sa required height! HAHAHHAHAHA" - Clark
Sabay alis kami habang tumatawa kasi totoo namang maliliit sila. Para silang hindi high school.Lagi namin yun binabara, kasi sobra sila sa manakit. Tapos sinasabi nila kami ung masama, kami kaya nagproprotekta sa mga taong nangangailangan. We are FUNternity! <3
Sunod naming sinakyan ay ung roller skater ba yun? Susmaryosep nakakabitin naman un isang "whooop" lang sayang! Ang corny handang handa pa naman kami.Sunod ay ung parang bumper car na nasa tubig!! Woooo ang saya, kaso nga lang jusko, ang baho ng safe vest -_-.
After nun basang basa kami, kasi nagbabasaan rin kayo dun. Gusto pa sana namin mas mabasa pa sa Jungle Log Jam kaso diba bukas. Pero malapit naman na mag12. Pero sumakay muna kami ng Flying Fiesta! :) Ang fun, para ka na ring lumilipad, pero promise, habang iniikot kami sa ere sigurado talaga akong nakita ko si Marceline dun sa baba eh nakaupo. Kaya nung bumaba na kami, agad kong tinawagan phone niya.
*riiing riiing*
Ugh, ayaw sumagot. Hindi ko nalang yun inisip at nakisali na sa tawanan nila. Nakakatawa kasi habang nalalakad kumakanta kami. Tinginan tuloy mga tao. Sunod na ung Jungle Log Jam. Woooo! Kabang kaba ako! baka kasi tumilapon ako, Booom! Patay. Pero masaya rin naman. Gusto ko pa ulit i-try. Kaso humaba na yung pila. Kumain nalang muna kami kasi gutom na kami dun sa food court. Nababaliw na ata si Patricia kasi tinatawanan ung stage. Wala namang nakaktawa. Ako lang ata nakakita nun? Medyo tahimik yung atmosphere pano PAGOD eh HAHAHA! Worth it naman :D Kumain na kami tapos pagkatapos naglaro kami sa mga booth at arcade. Habang sila nagsasayaw dun sa chuchu, ako nagmamasid ng stuff toys. Napapakanta na ako sa tugtog. May nabunggo na pala ako,
*Booom*
Ay sorry po! My bad.
"Tanga ka talaga kahit kailan no?" ?
MARCELINE?!
"Ay hindi"
Sabi ko na nga ba andito ka eh, umalis ka na. Baka makita ka nila. Mamaya na kita tatanungin kung bakit ka andito okay?!
"JOSH!" - Ina
Sige marce... Luh asan na yun?
"Hoy bff, sino kausap mo diyan?" - Ina
Ay wala hahaha! *kamot sa ulo*
"tara Realto tayo!" - Ina
Oh tara na dali!
TO BE CONTINUED>>
