A/n: Everyone, hingang malalim muna!Kabanata 1
"Anak, salamat sa pagtulong mo sa akin sa paglalaba ngayon huh?" Pasasalamat ni Nanay sa akin habang nagkukusot ito ng mga puting damit ng pamilya Diaz.
"Okay lang ho 'yon Nay. Wala naman akong ginagawa sa bahay. Isa pa bakasyon e. Walang pasok sa school." Sagot ko rito habang binabanlawan ang mga dekolor na damit.
"Sabagay." Sabi nito. "Alam mo anak, napaka suwerte talaga namin ng Tatay mo at sa dalawang kapatid mo, sa'yo. Bukod sa mabait na anak at maunawaing kapatid, magalang pa. Maganda na, matalino pa." Proud na sabi nito sa akin.
Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Nanay sa akin. "Nay, alam mo. Bolera ka rin e. Lagi nalang." Napapailing ako.
"Nagsasabi kaya ako ng totoo, Hikkary. Nak, mag-aral kang mabuti huh? 'Yang edukasyon talaga ang pinaka importante sa ngayon ng buhay ng tao. Huwag ka tumulad sa amin ni Tatay mo, walang natapos. Kaya heto. Nauwi sa paglalabandera at ang Tatay mo naman ay isang Driver lang."
"Nay, huwag n'yong nila-lang ang trabaho ninyo ni tatay. Proud na proud parin ako sa inyo Nay, promise. Huwag rin kayong mag-alala, Nay. After 2years, gagraduate na ang anak n'yong ito. Tapos Nay, kapag grumaduate na ako. Hindi na kita hahayaang maglabandera pati rin si Tatay, pahihintuin ko na sa pamamasada ng traysikel. Promise Nay, bibigyan ko kayo ng maganda at maalwan na buhay ni Tatay at nila bunso."
"Nak, kahit hindi nalang para sa amin. Kahit para sa sarili mo nalang. Masaya na kami para sa'yo ni Tatay mo." Sabi ni Nanay habang nagkukusot parin.
Lumapit ako sa tabi ni Nanay at naupo. "Syempre Nay, tagumpay ko. Tagumpay nating lahat." Sabi ko saka niyakap si Nanay at hinalikan sa pisngi nito.
"Nak, huwag kang lumapit, mabaho si Nanay." Ito pa ang nagreklamo kesa sa akin.
"Nako naman Nay. Walang problema yun, pareho lang tayong amoy pawi." Sagot ko rito habang nakatawa.
Tumawa naman ito. "Nak, napapansin ko lang. Parang isang buwan na ata ng huli kong makita si Zayden na nagawi sa bahay natin. Minsan nakikita rin kitang tulala at masyadong malungkot. May problema ba anak? May problema ba kayong dalawa?"
Bigla akong natigilan ng sambitin ni Nanay ang pangalang iyon sa akin. Bigla ring kumirot ang puso ko and again. Para na naman akong naiiyak sa lungkot at pighati sa aking ginawa.
Bumuntong hininga ako ng malalim. "N-Nay, w-wala na ho k-kaming dalawa. Nakipaghiwalay na ho ako sa kanya." Sagot ko sa nanay ko na hindi nakatingin sa mga mata nito.
"Huh? Bakit naman anak? Bakit hindi mo manlang nabanggit sa akin, nagkaroon ba kayo ng hindi paguunawaang dalawa?"
"N-Nay, nakakagulo kasi siya sa pagaaral ko e. Study first muna ho ako, Nay. Yun ho muna ang goal ko ngayon. H-Hindi ko naman siya priority."
"Sabagay. Pero mabait namang bata 'yon anak. Maganda ang hangarin sa'yo ng nobyo mo. Nakakapangliit lang nga kasi mayaman siya at mahirap lang tayo. Pero alam mo anak sabi ng batang 'yon, kapag nakapagtapos ka na ng pagaaral mo. Ora mismo, hihingiin na niya ang kamay mo sa amin ni Tatay mo. Alam mo, nangako siya na hinding-hindi ka niya sasaktan."
Napakagat-labi ako ng mariin ng marinig iyon kay nanay, saka ako bumuntong hininga ako ng malalim.
P-Pero ako ang nanakit sa kanya... Nasasaktan rin ako sa naging desisyon ko...
"N-Nay, sige ho. Magda-dryer at magsasampay na ho ako." Sabi ko nalang para iwasan ang topic namin ni Nanay. At iwasang makita nito ang lungkot sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Love Between Lies [On-Going]
RomanceFormerly: Perfect Lies Hikkary & Zayden DRAMA Between Love and friendship.