Prologue
"Pa, please eat this." Sinusubukan kong ilapit kay Papa ang kutsara na may lamang soup.
Nilayo niya ang ulo niya don bago hinawakan ang kamay ko. He slowly put my hand down.
Poot at awa ang nararamdaman ko ngayon. Poot para sa Ina kong iniwan kami para sa ibang lalaki. Awa para sa Ama kong labis na naghihinagpis.
"Jacob, pumasok ka na at baka ma-late ka sa school. Ayoko ng ganyan ha," Malungkot na bigkas ni Papa. "Magpahatid ka na kay Manong Lito." Pagtulak niya pa sa'kin.
Mahinang tango lamang ang nagawa ko at tuluyan na'kong lumabas para pumasok na sa school.
Tulala ako habang naaalala pa'rin ang nangyari nung isang linggo. Hindi maproseso ng utak ko. Ng napakabata kong utak.
"Pre! Ano? Saan ka magbi-birthday?" Masayang tanong sa'kin ni Rio, ang aking kababata.
Tinignan ko lang siya kaya natahimik siya nang kaunti. Pero nakabawi rin kaagad. Ngumiti ulit siya at pilit akong pinapasaya.
"Thirteen years old kana! Mas matanda ka pala sa'kin?" Tawa-tawa niyang banggit. "Mano po lolo," inabot pa niya ang kamay ko at nilapat sa noo niya.
But I couldn't laugh. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari, parang kahapon lang.
"Ron! Please... Let me go. B-Buntis ako, hindi ikaw ang ama." Nagising ako sa sigawan sa baba.
Gabi na noon, nakaidlip lang ako habang gumagawa ng aking assignments. Pero bigla nalang may nabasag sa first floor ng bahay.
Kumaripas ako ng takbo palabas. Pero nagtago rin sa isang pader, habang pinapanuod ko sila Mama at Papa na nag-iiyakan.
What's happening?
"Tyron, I'm leaving you. Gusto ko ng buong pamilya para sa magiging anak ko. Yung masayang pamilya, na hindi puro trabaho ang inaatupag..." Mahinang sabi ni Mama.
"Buong pamilya? Pa'no si Jacob? Paano ako? Thea please..." Pagmamakaawa ni Papa.
Yakap na niya si Mama ngayon ngunit kumakawala si Mama.
"I'm sorry," huling sabi niya bago lumabas ng bahay.
What is happening?
Nanlaki ang mga mata ni papa nang makita ako sa gilid. Malakas narin ang ungol ko dahil sa pag-iyak.
"Iiwan na tayo ni mama? Hindi na siya babalik?" Umiiyak pa'rin ako.
Ayaw tumigil ng luha ko sa pagtulo!
"Shh... Jacob, from now on...tayo nalang dalawa." Pag-aalu niya sa'kin. "We can do this, right?" Tumango-tango pa ako.
Turns out he can't. It's been a week at hindi pa'rin siya kumakain.
I hate what Papa turned out to be. I'm never going to be like him. Hindi pwedeng ako yung maiiwan, kailangan ako ang mang-iiwan. Itaga man sa bato.
Until she came...
"Jacob! Ano bang plano mo nga?!" Kulit sa akin ni Rio.
Umiling ako, ngayon lang naisip na sumagot. "Wala."
Sinimangutan niya lang ako pero ngumiti rin kaagad.
"Aha! Alam ko na! Dahil wala kang plano, may kilala akong magpa-plano para sa'yo!" Tuwang-tuwa pa siya.
YOU ARE READING
Hating Love (Hate Series#2)
Teen FictionHating Love (On-going) Hate Series #2 He hated love since he was a child. He never believed in it. What he believe was "Love will always leave you no matter how strong it is." How will it change? He'll never know, and he doesn't want to know. What...