Chapter 3

19 0 0
                                    

How we met

When he left, I started crying again. Yumuko ako at humagulgol ng iyak. I don't care who sees me anymore. Kahit nasa gitna pa ako ng daan.

Suddenly there was a tap on my back. Lumingon ako kaagad, hoping that it was Jacob. Hoping that he came back for me.

Pero nabigo na naman ako.

"Rhianna, what happened? Here," inabutan niya ako ng panyo.

Kinuha ko iyon at tumayo na. He pulled me and I leaned on his chest. Nagpatuloy akong umiyak sa dibdib niya. Atleast I know I have someone to lean on.

"Shh... It's okay," pagpapatahan niya sa'kin.

Tinapik-tapik niya pa ang likod ko. Unti-unti ay tumahan na rin ako at lumayo ako sa kanya.

"Thanks for the comfort Jefree," pagpapasalamat ko sa kanya.

"It's okay, you know I'm always here for you... Bestfriend," he said.

Umiwas ako ng tingin. Naiilang pa'rin ako sa trato niya sa'kin.

But you heard it right. Yes, he's my bestfriend since elementary. But then he did something when we were third year highschool. Then things started to become so strange... And awkward.

"I'm gonna go now. Again, thank you," pagpapasalamat ko ulit, at umamba na akong aalis.

"Let me drive you," pigil niya sa'kin.

Umiling-iling ako, "Thanks but no. Good bye," at nagmadali na akong umalis.

Mabilis ang lakad ko kaya naman bago pa'ko makapara ng taxi ay nadapa na ako.

Shit, fuck! Could this day get any worse?!

Nagsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko. Parang nagsisimula na ang karma ko ah.

Dahil ba iniwan ko si Jacob? But I did that for a reason!

Bago pa ako makatayo ay may humigit na sa'kin pataas. Muntikan pa akong madapa ulit dahil sa lakas ng pagkakahila niya.

Sisigawan ko na sana ang humila sa'kin nang makita ko kung sino ito. Bigla siyang lumuhod at unti-unting tinatanggal ang suot kong heels.

"J-Jacob, a-anong ginagawa mo?" I asked, medyo nilalayo ang paa ngunit hinawakan niya ito.

"Stay still," he commanded.

Tumayo na siya matapos matanggal ang pares ng heels ko. He handed it to me so I get it. Nagulat ako nang bigla na niya lang akong buhatin, bridal style.

"Jacob..." I whispered.

Wala akong masabi. I'm fucking speechless, and confused. Kakasabi niya lang na wala na ako sa kanya, and then this?

"Tss... Ang lampa pa'rin." Bulong niya sa sarili.

Maya-maya ay binaba na niya ako sa shotgun ng kanyang Lexus. He closed the door and turned to go to the driver's seat.

Tahimik lang kami buong biyahe. I'm surprised that he knew where I live. Or he still remembers, hindi naman kasi kami lumipat ng bahay.

You must be wondering how we met, and how can I say na nagbago na siya.

I will never forget how we met. And I'll asure you, he turned for the worse...

Flashback...

"Ate, ipapakilala ko na sa'yo si Jacob!" Masayang sabi ni Rio.

Kakadating niya lang galing school pero sobrang hyper pa'rin. Binaba ko muna ang binabasa kong libro bago siya tinignan.

Hating Love (Hate Series#2)Where stories live. Discover now