Chapter 4

8 0 0
                                    

You are not my friend

Pagkatapos non ay bigla siyang umalis. Napakunot ang noo ko sa inasta niya. He's so rude!

"Ilan taon na ba iyang kaibigan mo Rio? Kala mo senior citizen kung umasta eh," tanong ko kay Rio.

Nakatitig pa'rin ako sa kinatatayuan ni Jacob kanina. I also noticed that he's tall. So tall for his own age, I guess?

"He's turning thirteen ate," sagot sa akin ni Rio.

Wait a minute, he's older than me?

Kaya naman pala ganon makaasta, pero thirteen years old palang naman. Pero yung ugali pwede nang maging tatay namin.

After ten minutes, bumalik siya na may dalang papel. He handed it to me so I took it.

Nakapaloob dito ang hiningi ko sa kanya. Though, it's freaking useless. Ano ba 'toh?!

What I want: A party

What I need: A birthday party

What I can afford: Anything

Anong klaseng sagot ito? Sure ba siyang gusto niya ng party? Baka gusto niya despedida ang ipahanda ko.

"Anong gagawin ko dito?" Irita kong tanong sa kanya.

"Plan something, you're the planner right?" He said and I can hear the sarcasm.

Tinalasan ko siya ng tingin. My eyes narrowed until I couldn't see him anymore. I'm thinking of something... And aha!!

Planner pala ah. Planner your face. I already planned on something.

"Okay," nagkibit-balikat ako. "What day is your birthday?" I asked.

"This Friday,"

"So paano iyon, aabsent ka or sa Saturday na lang ang party? I suggest you do it on Saturday so hin-" marami pa akong sasabihin ngunit pinutol na niya ako.

"We'll have the party in school, on Friday." Masungit niyang bigkas.

Fine! Tumango ako at ngumiti sa kanya. A great plan is building inside my head. Hindi ko na napigilan kaya humalakhak ako.

"Okay!" Tinaas ko pa ang dalawa kong kamay. "What you want is what you get," patuloy pa'rin ako sa pagtawa.

Hinahanap ko ang kapatid ko at napansing naglalaro na sila ng Xbox sa loob ng isang isang room.

Pumasok ako doon at napansing natatalo na ni Jasmine si Rio sa nilalaro nilang race.

"Hah! I win! Kailangan mo akong ilibre ng turon sa school." Tumawa ng malakas si Jasmine.

Napakamot ng ulo si Rio at nakangiti rin. He let her win. Good one, little bro.

"Fine," lumingon sa akin si Rio kaya kumaway siya. "Uy ate!" Bati niya.

Kumaway din ako bago dumiretso na sa gilid at naupo sa isang bean bag. Malaki ang room, pero puro laruan ang nasa paligid. Sa side ng inuupuan ko ay isang cabinet na puro cd ng laro. Sa harap ko naman ay may glass cabinet na punong puno ng action figures.

"Is this somekind of game room, Rio?" Tanong ko sa aking kapatid na busy sa paglalaro ng Mario sa Xbox.

"Yes it is," biglang may sumingit sa tabi ko.

I glanced at Jacob, umupo siya sa tabi ko gamit ang isa pang bean bag. Nakatuon ang atensyon niya kina Rio. So I see the view of the perfect angle of his face.

Isang oras ang lumipas nang mapagod na kakalaro sina Rio. Inaya na rin kaming mananghalian doon ni Jacob. Of course we agreed.

Ang dami ng foods! Parang may piyesta ah. There's lumpia and carbonara! My fave!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hating Love (Hate Series#2)Where stories live. Discover now