5

20 8 0
                                    

Note: I did not proofread this. Grammatical Errors ahead.

Cleeah's POV

Eto kami ngayon. Naglalakad patungo sa canteen nila dito. Malamang ay pinagbubulangan na naman kami dahil bago pa lang kami ay sila na ang kasa-kasama namin. But sad to say I don't give a shit about them. Napansin ko din, ibang klase talaga sa school na ito ano? Paano ba naman kasi ay para kang naglalakad sa court habang may naglalaro ng basketball! May banners! Like hell, ngayon lang ako nakakita ng ganyan, madalas kasi ay puro sigawan. Pero dito hindi, banners at may kaunti ding bulungan. Ayan na naman sila sa bulungan na naririnig. Pero mas mabuti pa ang ganito, tahimik lang kaya hindi mo din mapapansin.


Sumunod lang kami kela Persius na ngayon ay kasalukuyan na nauuna. Kasabay ko naman sa lakad si Elise at Grace sa may bandang likuran nila.


Nang nakarating sa canteen ay malamang ay pinagtitinginan na naman kami. Too much attention! Tsk!


Sinundan namin sila at talagang sa gitna ng canteen ang napili nila, pansin ko din na ang table na ito ang hindi inuupuan ng ibang estudyante. Siguro ay naka-reserba ito para sa kanila lamang. Maganda din ang pwestong ito dahil malaki ang mesa at hindi mainit sa banda dito. Kaya siguro ay inangkin na nila ang pwestong ito.


"Wait here we will order for you girls." Keil ata ang pangalan ng isang ito. Mukha siyang mabait, sana si Sky din. Tsk.




Matapos nilang umorder ay agad din naman silang bumalik sa table namin. Isa-isa na silang umupo at nagulat naman ako sa tumabi sa akin. Si Sky! Pinagmasdan ko ang ilang bakanteng upuan sa tabi ni Cesar at ni Keil. At bumaling ng tingin sa kanya na may halong pagtataka. Napansin niya din ata ang pagtingin ko sa kanya kaya ay nginisihan niya ako.


"Quit staring, it's distracting." aniya habang nakangisi pa din sa akin.


Binaling ko na lang ang tingin ko sa lamesa at nagsimula na ding kumain. Nag-uusap lang sila Elise at Keil. Si Ridge naman ay nakikinig kanila Elise at Keil pero nakatingin kay Grace na nakikipag-tawanan naman kay Cesar. Si Persius naman ay nagcecellphone lang habang tahimik na kumakain. Pinagmasdan ko ulit si Ridge na hindi pa din inaalis ang paningin niya kay Grace. Anong meron kay Gracia? Tsk.


"Stop staring at him." nilingon ko naman ang katabi ko na nagsabi non.



"What?" painosenteng tanong ko.



"I said stop staring at him." Kunot noo na sabi niya.



"Tsk." Siniringan ko siya at bumalik sa pagkain.



Nang hindi ko siya pansinin ay may binulong siya. Kaya tumingin naman ako sa kanya.


"What are you saying?" I asked.



"Wala! Pahingi ako!" Sabi niya at kumuha ng fries ko at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na may hawak na burger at inilapit niya sa bibig niya para kumagat. Nginitian niya pa ako ng nakakaloko at sa sobrang singkit niya ay nawala pa ang mata niya tsk. Hawak niya pa din ang kamay ko! Inalis ko din naman agad ito.



"Aba't!" Buraot! Syempre hindi ako papayag na ako lang ang naburautan! Palaban ako! Kaya naman ay hinawakan ko ang kamay niya at kinagatan din ang pizza na kanina niya pa hawak. Nagulat naman siya sa ginawa ko at mukhang hindi niya iyon inaasahan. Pero agad din naman siyang napangiti at natawa sa inakto ko. Nawala na naman ang mata niya.


"Close kayo?" Sabay kami napalingon sa nagsalita na si Elise. Mas lalo pa nanlaki ang mata ko nang mapansin na nakatingin na pala sila saming dalawa na may naglalakihan na ngisi sa mukha.


Nag-init naman ang pisngi ko sa tanong niya! What the heck Cleeah? Really? You're blushing? Tsk.



Napalingon din naman ako kay Sky na nakatingin din pala sa akin. I noticed that his ears are also red na sobrang halata dahil mestiso ito. Damn! Hindi ko itatanggi, ang gwapo niya!



Hindi ko na lang siya ulit pinansin at bumalik na din sa pagkain.


"Grabe ka naman Maui! Kakakilala niyo lang may kagatan na agad na nagaganap sa inyo!" Natatawang bulong sa akin ni Grace. Nilingon ko naman agad si Sky na tahimik na din na kumakain at binalik ang paningin ko kay Grace.


"Wag ka maingay! Baka mailang lang siya lalo." Pananaway ko sa kanya ngunit binalewala niya ito at ngumiti na naman sa akin na may halong pang-aasar. Aba! Malakas sila mang-asar ngayon ah? Wag ka lang talaga papahuli sa akin na may something kayo ni Ridge. Ikaw naman ang papatayin ko sa asar. Tsk.

Sky's POV

Uwian na ngayon at as usual sabay-sabay kami ng apat na pumunta sa parking lot. Sila Elise kasi ay kanina pa nauna dahil gusto daw nila magbonding at babae lang daw. Tsk.


"Uy pre ano yung eksena niyo kanina ni Cleeah?" Pang-uusosiyo ni Cesar.


"Oo nga pre may subuan pa talaga kayo ah?" Pang-aasar naman ni Keil. Nagtawanan pa sila ni Ridge at nag-apir.


"Did you forgot about her already?" Tanong sa akin ni Persius. Her? She's talking about my ex-girlfriend na niloko lang ako. Actually hindi lang naman ako ang niloko niya. Madami. Hindi ko nga alam kung bakit nagpa-biktima pa ako sa kanya gayong alam ko naman talaga na manloloko siya. Dinaan kasi ako sa sweet talks niya! Magaling siya magbilog ng ulo. Pero wala e hulog na hulog ako sa kanya. Siya pa din, minahal ko din talaga siya kahit ganon ang ginawa niya sa akin.


"No, hindi mo naman mababago ang nararamdaman ng tao sa loob ng dalawang araw at isa pa, hindi ko naman siya type. Alam mong ayoko sa babae na nag-mumura." Kunwareng sagot ko na lang sa kanya. Anong dahilan yan Sky? Walang kwenta amp!



"Tss. Pwede naman magbago ang preference mo sa babae. Hindi naman siya mahirap magustuhan. Ang cute niya nga e."cute?! Inis ko naman siyang nilingon at nakita ko na nakangiti pa siya habang nakatingin lang ng diretso sa dinadaanan namin.



Badtrip! Hindi ko na lang siya pinansin at inunahan ko na sila patungo sa parking. Nang mahanap ko ang sasakyan ko ay agad akong pumasok dito at nagsimula na din na mag-maneho. Naisip ko na naman ang sinabi ni Persius kanina bago ako umalis. Cute pala ah! Ba't hindi na lang niya ligawan! Mukhang si Ridge naman ang type niya dahil nahuli ko pa siya na naka-titig kay Ridge kanina!


Eh bakit parang galit ka?


Oo nga. Bakit parang galit pa ako? Ano namang pakealam ko sa kanila? Kahit mag-sama sama pa sila. Nagpatuloy ako sa pag-mamaneho. Nang mag red ang ilaw ay malamang huminto ako. Napangiti naman ako sa imahe na pumasok sa utak ko. Namumula siya kanina habang inaasar kami. Tsk.


Napa-igtad naman ako sa busina na nang-galing mula sa likuran ko. Shit, green na pala ang ilaw. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad na pinaandar ang sasakyan ko dahil baka magalit pa ang mga sasakyan na nasa likuran ko.


Nang makarating ako sa condo ay agad ako na nagshower ng mabilis at humiga na agad sa kama. Wala naman masiyadong nangyari ngayong araw pero parang gusto ko lang humiga sa kama ko at mag isip isip kaya ganon na lamang ang ginawa ko.


Naalala ko na naman ang asaran namin kanina sa room. Noong narinig ko na sinabihan kami ng kaibigan niya na bagay daw kami. Tsk. Naalala ko kanina ang reaksiyon niya tungkol doon, pinakyuhan niya pa ako at inirapan. Napaka-sungit. Sumagi din sa isipan ko ang nangyari sa canteen. Hindi ko din naman alam kung bakit ko iyon ginawa. Kusa na lamang na gumalaw ang kamay ko at kinagatan ang burger niya. Naalala ko pa ang lambot ng kamay niya. Tch. Naalala ko din ang reaksiyon niya ng ginawa ko yun, nanlalaki pa ang mata niya. Kaya hindi din ako makapaniwala na kinagatan niya din ang pizza ko. Doon naman nagulat talaga ako dahil hindi ko naman inasahan na gagawin niya din yon. Siguro ay hindi talaga siya nagpapatalo kahit sa mga simpleng bagay. Naalala ko na naman ang pag-pula ng mukha niya kanina. Tsk. Tama si Persius. Cute nga siya.


Nagisip-isip pa ako ng ilang bagay hindi namalayan na nakatulog na din.

————-

Messing AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon