6

21 3 0
                                    

Sky's POV

7AM pa lang pero nandito na ako ngayon sa school. Hindi ko alam kung bakit ang aga ko pumasok ngayon. Usually kasi ay mga 7:30 o kaya naman ay 7:40 ako nakakarating dito kasi ang class namin ay 8AM pa. Great! Anong gagawin ko dito ngayon? Ayoko naman tumambay sa HQ kasi baka makatulog ako. Baka hindi din ako gisingin nila Cesar kasi alam nila na ayaw ko ng ginigising ako. At bakit ba nandito pa din ako ako sa parking? Wala naman akong hinihintay ah!


Sus, kunware ka pa.


Wala naman talaga! Lumabas na ako ng sasakyan ko. Matapos ko ilock ang pinto ay nagdire-diretso na ako papasok school at pumunta na lang sa garden.


I gasped when I saw a familiar built. What the? Nandito na si Cleeah! Ang aga niya ah! I mean anong oras pa lang. Wala din siyang kasama, hindi ba sabay sila nung Annalise? Lumapit ako sa bench kung saan siya nakahiga, sinilip ko ang mukha niya na natatakpan ng likod ng kamay niya.


Tulog? Hmm. Napansin ko din na hirap na siya sa pwesto niya dahil wala naman siyang unan kaya ang ginawa ko na lang ay marahan kong iniangat ang ulo at dahan-dahan din akong umupo at unti-unting ipinatong ang ulo niya sa hita ko.


"Baka ma-inlove ako sa sobrang gentle mo niyan?"


Nanlaki ang mata ko at dahan dahan tumingin sa kanya. Nakita ko naman na nakatingin siya sa akin at nakangisi. And I noticed something different! Her eyes, it's green!


"Y-your eyes!" I said habang gulat pa din na nakatingin sa kanya. Inangat ko ang kamay ko at dinala sa gilid ng mata niya at marahan na hinaplos. Medyo nanlaki ang mata niya sa naging aksyon ko ngunit kahit ako ay nagulat.


"Yeah, it's green, ayoko na itago sa pamamagitan ng contact lens, nananakit na ang mata ko."Napapikit naman siya habang ako ay patuloy na hinahaplos ang gilid ng mata niya.


So it's her natural eye color. Ang ganda niya. Mas lalo siyang gumanda para sa akin. Pero nakakatakot, baka mas madami ang magkagusto sa kanya!


"Hindi ba pwedeng magcontact lens ka na lang?" I sounded possessive. Fuck!


Napadilat naman siya sa tanong ko at matiim akong tinignan.



"W-what?" Nauutal na tanong ko pa! Shit! Stop stuttering!



"Ang pula mo! Tsk." Sabi niya na dahilan kung bakit nag-iwas ako ng tingin. "Ayoko nga magcontact lens. Masakit na ang mata ko." dagdag niya.



Nakakainis naman. Malamang ay dadami na ang titingin sa kanya! Bwisit!


"Baka pagtinginan ka nila." bulong ko habang nakatingin sa kawalan at salubong pa ang kilay.



"Hanggang tingin lang naman sila. Hindi naman nila ako malalapitan ng ganito." aniya nang nakapikit pa din.



"Talaga?" Nagpipigil ngiti kong sabi.



"Hmm. Kaya wag ka maingay at hayaan mo ako makatulog."utos niya naman sa akin.



"Bakit ka ba antok na antok?"nagtatakang tanong ko sa kanya pero hindi niya na ako pinansin. Siguro ay nakatulog na talaga siya.



Kaya naman hindi na ako gumawa ng kahit ano pang ingay para mahimbing siyang makatulog. Sumamdal naman ako sa inuupuan naming bench at pumikit. Medyo mahaba pa naman ang oras kaya dito na lang muna kami.



Hindi ko namalayan nakatulog na din pala ako.

Cleeah's POV

I slightly open my eyes when I heard camera clicks.


Messing AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon