8

21 4 0
                                    

Cleeah's POV

"Hoy! Paabot nga nung glue!" sigaw ko kung kanino habang inaayos ang mga ididikit sa card board. Nandito kasi kami ngayon sa school at gumagawa ng project.


Naramdaman ko naman na may bumato sa akin dahil tumama iyon sa braso ko, nang tignan ko ang tumama sa braso ko, nakita ko na glue iyon. Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin kung sino ang bumato sa akin pero wala akong napansin dahil busy sila sa mga kanya-kanyang gawain. Kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa ginagawa at nagsimula nang magdikit.


Sa sahig kasi kami gumagawa kaya mabilis na nangalay ang likod ko kakayuko, kaya iniangat ko ang ulo ko, bahagya kong tiningala at itinukod ang kamay ko sa sahig para may suporta ang bigat ko.


Nag-stay lang ako sa ganong posisyon nang biglang—


"Aray ko! Putangina!" sigaw ko nang maramdamang nadaganan ang kamay kong nakatukod.


"Hala sorry!" sabi ng lalaking kaklase kong nakaapak sa kamay ko. Tinignan ko naman ang kamay ko at sinapo ang naapakan na parte gamit ang isa ko pang kamay. Talaga namang yung hinliliit pa ang naapakan! Namumula amp!


"Sorry talaga!" Kita ko pa sa mukha niya ang kaba.


"Okay lang." sabi ko at nginitian pa siya ng bahagya, nakita ko namang namula pa ang tainga niya matapos ko siyang ngitian. Binalik kong muli ang atensiyon ko sa daliri ko. Medyo namumula lang naman ito, mawawala din yan mamaya.



Babalik na dapat ako sa ginagawa nang may humablot ng kamay ko.



"H-hoy!" nakita kong si Sky iyon. Tinignan niya ang naapakan na part, inilapit niya iyon sa labi niya at tsaka ito hinipan.



What the? Bobo! Walang mang-yayari dyan kahit hipan mo! Seryosong-seryoso pa talaga siya habang hinihipan ang daliri ko.



"Hindi yan kandila." biro ko sa kanya.



"Hinihipan ko nga para hindi na masakit e!" sabi niya at hinipan na naman ulit.



Natawa naman ako sa inasal niya pero nawala agad iyon dahil sa pag-sigaw niya!



"Hoy! Bakit ka tumatawa? Tsaka pwede ba wag kang ngumiti-ngiti kung kani-kanino, mukha kang tanga!" sigaw niya sa mukha ko pero hawak-hawak pa din ang kamay ko.



At dahil sa bwisit ko sa kanya inagaw ko ang kamay ko at bumalik sa pag-tatrabaho. Mukha palang tanga ah! Sige ikaw na lang mag-mukhang tanga ngayon!



"Hoy akin na! Masakit pa ba?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Akala mo ah? Sige salita ka lang diyan.



"Hoy!" sigaw niya na naman pero nakatingin pa din ako sa ginagawa ko at nagpatuloy sa pagdikit.



"Hoy ano ba yan! Bakit ba hindi mo ko pinapansin!" Sabi niya na naman pero this time ni-yuyugyog niya ang balikat ko. Tumigil ako sa ginagawa ko at tinignan siya.



Nakakunot lang ang noo niya sa akin at tingin niya at may halong pagtataka. Tinitigan ko lang siya ng tinitigan.



"Hoy! Ano ba kasi yan?"



I stared at him without any emotion showing on my face. I stared at him like memorizing every detail drawn on his face. Memorizing every emotion his showing. Memorizing him.



Dahil sa tagal ng pag-titig ko sa kanya, hindi nakalagpas sa paningin ko ang sunod-sunod niya na paglunok. Medyo pinagpapawisan sa may bandang noo at namumula ang tainga.



Messing AroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon