Part 1

6 0 0
                                        

Ctto----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ctto
----

Nasa loob na kami ng office ng 9 ko pang kasama na napili base sa hindi ko alam kung paano nila pinili. Kinuha lang nila ang mga Resume and requirements namin tulad nang birth certificates etc. Na wala ako. Tanging dala ko lang ay ang sarili ko at ang resume ko.

Out of 50 applicants na nagaapply ngayong araw. 5 lang ang pipiliin nila ngayong Month para dalhin sa Japan. Hindi ko akalain aabot ako sa 10 mapipili.

I lack in every aspect of qualities. Tulad nalang ng hindi manlang ako nakatungtong ng Highschool dahil nag stop ako.
Marami akong insecurities sa sarili ko compare to them na nakatungtong ng highschool, maganda, matangkad, kompleto sa papel. Ako? Nagbabakasakali lang ako. Suntok sa buwan ba.

Pinili ko kayong sampu ngayong araw na ito para sabihin na may huli pa tayong round para sa limang mapipili na dadalhin sa Japan. Bukas ay magkakaroon tayo ng Talent portion kung saan ipapakita nyo kung anong kaya nyo.

"Okay? Dismiss na tayo. Walang malelate bukas" sabi ng recruiter.

Habang bumababa sa building ng agency ay eto nanaman ang dalawang nakasabay kong hindi napili na naririnig ko na akala ata nila di ko naririnig nagbulungan pa.

"Diba yan yung nagtratrabaho sa Club? Mas maganda naman tayo dyan. Ang liit liit pa kumpara naman sa atin dapat tayo ang pinili eh."

"Oo doon nga girl sa may Ermita. Wala pa namang alam yan! "

Tawanan ng tawanan ang dalawang chismosa sa likod ko na mali mali naman ang impormasyon. Hindi ko sila matiis kaya binilisan ko na ang lakad ko.

Paglabas ko ng building ay damang dama ko ang init at ingay ng paligid. Ang simoy ng itim na usok na binubuga ng tambutso ng mga sasakyan na dumaraan. Agad akong pumara at Sumakay na ng Jeep.

Habang tinitignan ang natitirang barya sa aking kamay na sakto lamang para makauwi ako ay nakaramdam ako ng kalam ng sikmura. Naalala kong wala pa pala ako kinakain mula kaninang umaga.
Di bale baka paguwi ko may luto na si nanay sa brothel.

Ilang oras lang ay nakauwi na ako. Malayo pa lang ay naririnig ko na ang maiingay na lasing sa labas ng brothel.

Eto ang araw araw kong buhay. Naging trabaho ko na din ang  maging tagaluto at samahan si nanay sa canteen.

"Ayan na si Ma.. madeline! ang sheksi seksi mo nyaman.." sabi nang lasing na suking customer ng brothel na nakasunggab ang kamay patungo sa dibdib ko.

Hinawi ko ang kamay nito.
"Hoy Mang Jose tigiltigilan mo ko dyan sa kalibugan mo ah ang tanda tanda mo na eh! Baka nga di mo na kaya yan eh" Sabay halakhakan naming mga babae na nandoon dahil sa sobrang kalasingan ni Mang Jose.

"Ang shuplada mo naman pala sheksi nshilalambing ka sshlang eh" sabi ni Mang Jose na halos matumba na sa kalasingan.

Pumasok na ko sa loob at pumunta sa canteen na napakaraming tao. At agad na pinuntahan si nanay na nagluluto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MADELINE: A Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon