Prologue

13 0 0
                                        

Ako si Madeline Ramirez, 25 years old, hanggang elementarya lang ang natapos ko kaya feeling ko wala akong future kung magstay ako dito sa Philippines at isa pa marami pa kaming magkakapatid ako ang panganay, kailangan kong makatulong sa kanila para makapagaral sila

Nandito ako ngayon sa Agency at naghihintay sa resulta kung makakapasa ako papuntang Japan at mag trabaho bilang entertainer sa club.

Maliit lang ako, 5 flat lang ang height ko, may kaputian at katamtamang hitsura. Tahimik lang ako sa isang gilid ng studio dahil tinitignan at pinaguusapan ako ng mga kasabay kong nagaapply na higit na mas may tinapos at maganda kaysa sa akin.

Habang naghihintay ako ng resulta ay bumabalik sa aking ala-ala ang lahat paano ko nakarating sa desisyon na ito at lahat ng ala-ala ko mula pagkabata.

---
FLASH BACK

---FLASH BACK

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ctto.
----
Bata pa lang ako ay nagtratrabaho na ako at nagtitinda ng mga candy at chichiria sa brothel ng pamilyang pinagtratrabahuhan ng aking ina sa may Ermita.

"Madel bilhan mo naman ako ng Condom doon sa may botika heto pera oh" tumayo ako sa pagkakaupo at tumakbo papunta sa botika sa harap ng aming brothel.

"Ate ate tatlong Condom nga po" inabot ko ang pera sa napakataas na standee ng botika at iniabot sakin ang condom.

"Ano kaya laman nito" habang inaamoy ang lalagyanan.

Pabalik na ako ng may makita akong nagaaway na lalaki at babae sa may gilid ng brothel. Sinasabunutan ng lalaki ang babae at sigaw naman ng sigaw yung babae. Akala ko nung mga panahon na ito ay naglalaro lang sila kaya naman nanunuod lang ako habang nagkakamot ng ulo dahil sobrang kati.

Pumasok na ko sa loob at hinahanap si Ate Maria para ibigay ang pinapapabili nya. Maraming kalaro itong si ate Marie at lagi nya rin akong inuutusan bumili ng Condom kaya kilala na rin ako ng nagbabantay doon.

"Ate Suzy nakita nyo ba si ate Marie?" Nakaupo lang si ate Suzy sa may waiting area at naghihintay ng kalaro nya sa kwarto.

"Hindi eh bakit madel? Inutusan ka nanaman bumili ng Condom" habang hinihithit ang sigurilyo at binubuga ang mabahong usok mula sa bunganga.

"Oo ate eh. Hahaha" Natatawa kong sagot sa kanya habang nagkakamot ng ulo.

"Abay gag* talaga yan si MARIETESSA!!! Hahahaha halika nga samahan kita hanapin natin" Halakhak ni ate Suzy bago itapon ang huling upos ng sigarilyo nya.

Nilibot namin ni ate ang bawat kwarto kung saan kada bubuksan ni ate suzy ang mga pinto ay may mga babae o lalaki na nakapatong sa isat isa.

"Ate suzy anong ginagawa nila bakit magkapatong sila?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Naglalaro lang sila Madel wag mo sila pansinin." Sambit nito sa akin habang nakangisi.

Ng makarating na kami sa 2nd floor doon ay may maririnig kang mga ungol mula sa mga kwarto.

"Ate suzy bakit ang ingay nila ?" Kalabit ko sa kanya habang busy sya sa pagbubukas ng mga kurtina.

"Kasama yan sa game nila. Ang dami mong tanong madeline ah nakakaloka ka!"


Di rin nagtagal ay nahanap na rin namin si ate Marie na nasa kwarto pagsilip ko sa kurtina ay nakita kong nakahubad sila at mag kalampungan nya ang suki nyang matanda na ngunit mapera.

"Hoy Marie sa wakas nahanap ka din namin! Ikaw talaga si Madel nanaman nauto mong bumili ng Condom, Sira ba ulo mo! Lagot tayo pag nahuli ka ni Manang Lolit." Pasigaw nitong sabi ngunit nakatawa.

"Gaga ka pala eh mas lalo kang lagot sinama mo pa yan dito may stock pa naman ako nagpasobra lang ako." Sagot ni ate Marie. Sabay halik sa matandang kasama nito.

"Tara na nga madel kain nalang tayo sa canteen at dadalhin na kita sa nanay mo"

Lumabas na kami sa kwarto at kinuha ni ate Suzy sa kamay ko ang Condom na hawak ko at isinukbit sa kanyang bulsa.

Nang makarating na kami sa canteen ay agad akong pinaghandaan ni nanay ng meryenda.

"Nako suzy san mo nanaman dinala itong si Madel !? Sinasabi ko sayo bata pa yan"

"Nako manang Lolit si Marie sisihin nyo. Diba good girl ako Madel?" Ngisi sakin ni ate habang nilalakihan ang mata nya.

"Opo nay sinamahan lang ako ni ate suzy wala pa kasi syang kalaro eh" Seryosong kwento ko sa aking ina

"ANONG KALARO KA DYAN!! SUZY! Anong tinuturo mo dito! Nandidilat na matang titig ni nanay kay Ate Suzy sabay singit kong...

"yung magkapatong nay! naglalaro sila sa kwarto di mo ba alam yun?"

Dali daling tumayo at kumaripas ng takbo si ate Suzy palabas ng Canteen dahil inambahan sya ni nanay habang may dalang kutsilyo na gamit nya sa paghiwa ng mga sibuyas at bawang.

Tawa ako ng tawa ng makita kong sobrang karipas ng takbo ni Ate Suzy kay Nanay.

Huminto si Nanay sa paghabol at bumalik patungo sa akin kaya naman kinabahan ako.

Inilapag ni nanay sa lamesa ang kutsilyo nyang hawak at niyakap ako.

Nagtataka ko bat nya ako niyayakap kaya niyakap ko nalang din sya. "AMOY BAWANG KA NAY!" Natawa bigla si Nanay sa sinabi ko. At hinawakan ang mga kamay ko.

"Nak pasensya kana ah eto lang ang trabaho ni nanay..."

Mga panahong ito di ko naappreciate yung mga sinasabi ni Nanay pero ngayon naiintindihan ko na.

"MADELINE RAMIREZ?"

Bigla akong nagbalik sa wisyo at Nagtaas ng kamay "Ako po yon"

"Okay halika pasok ka sa office kakausapin kayo."

May mahigit siyam pang tinawag sa loob na kasama kong kakausapin ng recruiter.

*****
Thanks for reading.

Leave comment/vote if you like. ☺

MADELINE: A Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon