CHAPTER 1 GRAY MEETS YUSUKE

3.6K 78 5
                                    

Marie Yusuke Hernandez Pov

Ba't pa kasi kailangan mag aral unang kwestiyon ko lagi sa sarili ko, obvious ba na napakatamad ko?

bumangon na lang ako sa kama para maligo.

Pagkatapos ko maligo, Hinanda ko na sarili ko para pumunta sa school. First day of school ngayon, Obvious ba?

pinaandar ko na agad yung kotse, wala nang paarte arte pa.

Ilang minuto lang ang nakalipas nakapunta na ako sa school. Wala naman akong ibang pupuntahan kundi school lang diba?

ambobo ko kausap ko na naman sarili ko HAHAHHA,

pero mas bobo ka.

Huminto ako saglit para tignan kung anong oras na, at may grupo ng mga tao na napakaiingay sa daanan. lumayo ako ng kaonti dahil napakalilikot ng mga 'to

"miss-miss"

napalingon ako sa sumisigaw at bigla na lang may gumamit sa akin bilang shield. nalaman ko na lang na may cold coffee na tumapon sakin.

lahat sila nagulat at pati ako.

"siraulo ka ba?! sinong matino ang maghahagis ng coffee kung kani-kanino lang?" sigaw ko rito at tinaasan ako ng kilay nito. Aba, sya pa talaga may ganang mag taas ng kilay? 

tinaasan ko rin ito ng kilay.

"kung di ka sana paharang harang dyan, di ikaw yung natapunan" saad nito at biglang tinapik ng isang kasama nito ang balikat ng mayabang na nasa harap ko.

"sorry miss, kasalanan talaga yun nung kasama namin" saad nito sa mahinahon nyang boses, at sa sandali lang para na rin akong kumalma.

"lucas, are you still there?" tanong nito habang nakatingin sa likod ko. sa sobrang bilis ng mga pangyayari, di ko namalayan may lalaki nga palang ginamit ako bilang shield.

at pumiglas ako sa pagkakahawak nito.

"anong nangyari?" tanong nung lucas. parang nabagsakan ako ng malaking bato sa ulo, ilang oras na rin ba sya nag space out at nakalimutan yung ginawa nya

"anyways, lets go" sabi nung mayabang na 'yon, at hinawakan ko ang damit nito para pigilan syang umalis.

"wag kang umalis na para bang walang nangyari. amoy kape na ako dahil sayo" inis na saad ko rito.

magsasalita na sana yung lalaking mahinahon ang boses kaso biglang nagsalita na naman si mayabang.

"then, what do you want me to do? you're just one of my fangirls. let go" saad nito. napuno ng question mark ang ulo ko, ano bang pinagsasasabi nito at saan sya kumukuha ng lakas ng loob para sabihin yon?

"saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha m-" 
"wala ka pala gray e" pang aasar ni lucas

"please stop provoking me" saad nito habang napasinghal.

napangisi na lang ako sa sinabi nito. dahil wala rin naman akong makuhang konsensya sa taong 'to may naisip akong ideya.

"natatakot ka ba?" nakatawang tanong nung lucas at ngumiti lang ako rito.

hinawakan ko uli ang damit nito, sabay punas ng mukha ko sa damit nya.

hindi lang dapat ako ang magkamantiya sa damit at mangamoy kape.

"hey, what are u doing. sto--" inis na saad nito at di ko na pinatapos ang sasabihin nito sabay tumakbo na ako.

whahahaha!!

at di ko namalayan na dumadami na pala ang mga tao sa paligid. well, they saw naman kung sino ang nanguna.

on guidance office

GRAY MEETS YUSUKE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon