Chapter 6

286 13 0
                                    

Leigh Karina's POV

"First of all, congratulations K for another job well done. Mrs. Green, thanks for being here"

Nakita kong napatingin sakin si Krystal na kinairap ko. I looked at Darwin and listened to Mr. Andromeda. Matapos ang ilang sagutan nila Krystal at Mr. Andromeda, nakiusap si Mr. Mendoza na maguusap sila ni Krystal

"As for Mrs. Green, all of you are aware that she's a Lieutenant----"

"That was before" sabi ni Lt. Guitterez

"Until now...." sabi ni Mr. Andromeda na kinatahimik ng lahat "She just covered everything up. She decided to join the AAA temporarily"

"That's a black folder" sabi ni Darwin habang nakatingin sa hawak ni Mr. Andromeda na folder

"Yes, it is. Mrs. Green, first and official mission"

"What do you mean by first, Einstein? May kasunod pa?"

Nginisian lang sya ni Mr. Andromeda at inabot sakin ang folder. Binuksan ko yun

SEVERINO MAFIA

Finally...

"What do you think you're doing Leigh? I won't let you take that mission"

Tinignan ko si Darwin at nginisian "And what would you do to stop me?"

Natigilan sya at tinignan ako "Ahh....ah.."

"See? You can't" sabi ko at tumayo na "Thanks, Mr. Andromeda"

Lumabas ako ng conference room at umalis sa ospital na yun

Kailangan kong malaman ang binabalak ni Darwin bago pa sya makagawa ng ikapapahamak nya. Natatakot ako para kay Kaizer, baka madamay sya

****

"Are you out of your mind?! Kapag napahamak ka?!"

"I will be fine, Darwin. I can handle myself"

"Kahit na, Leigh! Our job is dangerous, hindi mo ba iniisip si Kaizer? Kapag nadamay sya?"

Napatayo ako sa kama at hinarap sya "Sa tingin, hindi ko inisip yan? Kaizer is not an ordinary kid, alam nya ang gagawin nya in case of emergency. Kaya nga tinuturuan ko sya diba?"

"Leigh, that's my son. Kaya nga kita pinag-quit sa pagiging police kasi delikado din yun tapos papasukin mo 'tong trabaho ko? Leigh naman"

"I can protect myself, Darwin. Hindi na ako bata"

"Damn it!"

Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at inis na tinignan "I'm freaking worried! Kung may mangyari sayo, pano ako? Paano si Kaizer? Leigh, please! Wag mo nang ituloy!"

Napatitig ako sa kanya na nakayuko at parang nagmamakaawa ang mga mata nya

I'm sorry, Darwin. But I can't

Tumango ako at niyakap sya

"Thank god"

Napatingin ako sa bumukas na pinto ng kwarto namin at kumalas kay Darwin

"Yes, baby?"

"Tapos na po ba kayo mag-away? Hindi po ako makatulog, ang ingay nyo po"

"Hindi naman kami nagaaway, baby. Naguusap lang kami" sabi ko at nilapitan sya "Balik ka na sa room mo, may pasok ka pa bukas"

"Good night, Mommy" sabi nya at hinalikan ako labi "I love you"

"Good night, baby. I love you too"

"Good night, Dad" sabi nya bago lumabas

Tinignan ko si Darwin "Umuwi ka na"

Sinimangutan nya ako at niyakap sa bewang "Bawal na ba ako dito?"

"May bahay ka, umuwi ka na"

"It's late, wifey. Baka masagasaan ako sa daan, gusto mo bang mawalan ng gwapong asawa?"

Tinignan ko sya "Gwapo ka pala? Hindi ko alam"

"Kaya mo nga ako pinakasalan diba?"

Umiling ako "Pinakasalan kita kasi mayaman ka"

"Ouch! Ang sakit naman nun, wifey"

"Ang drama mo, alis na"

"Wifey naman...."

Tumaas ang isang kilay ko "Bakit? Angal ka?"

"Don't you want me here, wifey? Namiss kita eh"

"Darwin, wag kang maharot"

"Marupok ka kasi eh"

Kinurot ko sya sa braso "Alis na"

"Ayoko" sabi nya at mas hinigpitan ang yakap sa bewang ko "Dito lang ako, hindi ako aalis"

"Bahala ka sa buhay mo"

Binaon nya ang mukha sa leeg ko "I missed you, Leigh. Very much"

Sana nga, hindi na sya umalis...

Found his Match (AGENT SERIES #8)Where stories live. Discover now