Kabanata 3

49 3 1
                                    


Sugal

"Bakit kailangan nilang halos lamunin yung bakuran natin? Why am I not informed about this?" Nagngi-ngitngit kong tanong sabay tusok sa karne at diretsong isinubo.

"Anak, yun ay napag-pulungan na ng iyong mga magulang, matagal nang panahon. Anim na taon nang nakatayo dyan ang hacienda Ferrante." Paliwanag ni Manang Zobel na nakaupo katapat ng upuan ko. Inaalok ko syang kumain kanina pa pero ayaw talaga eh. Busog pa daw.

"What? Manang, you should have at least told me about it.." Naputol ang pagra-rant ko dahil nagsalita si Manang.

"Wala ka naman dating pakialam dito sa bahay nyo sa probinsya ah? Anak, sabihin mo nga sakin. Ano ang dahilan ng pag-uwi mo dito? Sabi pa ng magulang mo dito ka na daw mag-aaral? Bakit? May nagyari ba sa maynila?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong ni Manang. Nasamid ako at napaubo. Dali dali naman akong inabutan nito ng tubig.

Damn! Bakit ang lakas ng pangkutob ni Manang? Dinahan dahan ko ang pag-inom ng tubig at nag-isip ng isasagot sa kanya.

"Kung ayaw mong sabihin, ayos lang. Pero kung kailangan mo ng kausap, nandito lang si Manang."

Dahan dahan kong ibinaba yung baso at malungkot na ngumiti kay Manang. Sa totoo lang, ayaw ko nang pag-usapan. Ayaw ko na. Kasi nakakasawa na.

"I'm fine, Manang. Uhmm... Pahinga na po ako. Medyo pagod po ako sa byahe eh." Nahihiya kong sambit bago isinubo ang huling piraso ng karne sa plato ko at muling uminom ng tubig.

Tumango lang si Manang at ngumiti. "Pag-akyat mo sa ikalawang palapag, sa kanan. Dun ang kwarto mo. Malinis na iyon. Oh sya, magpahinga ka na. Alam kong napagod ka sa byahe at malayo din ang Maynila."

Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humiga sa queen size bed na nanduon. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Paggising ko ay alas dos na ng hapon.

Nilibot ko ng tingin ang kwarto at napansin na nakaayos na lahat ng gamit ko. Maging ang maleta ko ay nakatago na din sa closet.

Agad akong naligo at nagsuot ng shorts, tshirt and sneakers. Plano kong maglibot muna.

Pagbaba ko ay nakasalubong ko si Manang na may dalang tablet. Napangisi ako.

"Wow! Techy ka Manang?" Bungisngis ko.

"Ikaw talagang bata ka. Hindi ito akin. Pinapatago lang ni Kaloy, nagpapalinis kasi ako ng bakuran."

Ahh, nagpapadala nga pala sina Mommy ng pang maintenance dito sa bahay.

Tiningnan ko yung tablet na dala ni Manang. Hindi ako pamilyar na tatak niyon pero keri lang. Tablet pa rin naman yun.

"Manang, labas lang ako saglit hah, lilibot lang ng konti."

"Kung mamamasyal ka anak mabuti pang sa bayan ka pumunta. Mag abang ka lang ng jeep dyan sa labas. Tanda mo pa naman siguro ano? Maganda kung sa lagos ka pupunta. Marami na ngayon ang nagtitinda dun. Lalo na sa Uno lagos."

Napangiti ako. Madaldal pala si Manang. Hihi!

"Mas maganda sana kung malilibot kita sa Siete Lagos. Maganda na din kasi at maraming turista maging sa Sinco Lagos." Pagpapatuloy nito. Hinawakan ko si Manang sa braso at bumungisngis.

"Manang talaga, tanda ko pa naman po ang lugar na ito eh. And I can always hire a trike naman po if ever maligaw ako." Sambit ko. Tumango na lang si Manang.

"Ay sya, ikaw ang bahala. Mag iingat ka ha." It's my turn to nod. Nung talikuran ako ni Manang ay nagpasya na din akong umalis.

Medyo matagal pala bago makasakay ng jeep dahil kung hindi jeep mula sa kabilang probinsya (dulong baranggay na ng siete lagos ang baranggay namin) ay mga private jeepney ang dumadaan.

For those who are hopingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon