Chapter 6

12.3K 250 5
                                    

"Andoy ko.."  bulong ko sa hangin habang  unti unting nawala sa aking paningin ang pigura niya.

Posible palang mangyari ang katulad ng sa amin ni Andoy. Matagal ko siyang hinanap at pinangarap. At ngayon na nagkadaumpalad na kami--at higit pa sa pag uusap ang ginagawa namin-- ay hindi  ko parin siya kayang abutin. Ang layo ng Andoy na kababata ko sa Andoy ngayon. Ni hindi niya matandaan iyong unang pagkikita namin makalipas ang labindalawang taon.

Naglalakad na ako pauwi ng apartnment na tinutuluyan namin nang mamataan ko ang isang nakahandusay na lalaki sa isang  madilim na eskinita . Noong una ay nagdalawang isip pa akong lapitan ito sa takot na baka pain lang ito ng budol budol gang  at naghahanap  ng mabibiktima. Ngunit sa bandang huli ay niyakag ako ng sarili kong mga paa sa kinaoroonan ng lalaki.

Lakas loob ko  siyang linapitan at ng mapagmasdan ko  siyang mabuti  ay para akong mawawalan ng ulirat.

Duguan at halos walang buhay. Noong una pa nga di ko akalain na si Andoy na pala iyon. Halos habulin niya ang kanyang hininga.

Hinaplos ko ang duguan niyang mukha at halos puro galos na. Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon kami muling magkakatagpo.

"Andoy.. andoy.. ikaw nga!" Niyakap ko siya sa labis na galak ngunit sa kabila ng panghihina ay nagawa niya akong itulak palayo.  Nawalan ako ng balanse saka napaupo sa tabi.

"Layuan mo ako"  tanging nasabi niya saka iika ikang tumayo.

Napaawang ang labi ko. Wala namang nagbago sa itsura ko sa nakalipas na labindalawang taon. Maliban sa  gumanda ang hubog ng aking katawan  at bahagyang lumaki ang aking hinaharap.

Pero bakit ni isang rekognisyon sa mukha niya ay wala?

"Andoy.." bulong ko sa hangin.

Napatingin siya sa  ibang dieksiyon "dont bother miss. I can handle it." Dumura siya sa tabi saka inayos ang lukot lukot na damit.

"Putangina!" He cussed. Tumalikod siya Kasabay niyon ang dahan dahan niyang pag alis.

Hindi na ako nakahuma ng huminto siya saglit . Akala ko ay nagbago ang kanyang isip  at babalikan ako sa pag asang nakilala niya ang aking mukha pero sa halip ay lumuhod siya at pinulot ang isang  tarheta na nahulog mula sa kanyang bulsa.

"Damn. Kendra,  I will find you. Fuck that loser. He is going to pay for this. Shit!"   bulong niya.

Napakunot ang noo ko. Ano ba ang nangyari? At sino si kendra?

Magmula noon ay hindi na ako tumigil sa kakasunod sa kanya.  Napag alaman ko din na hindi na  Andoy ang ginagamit niyang pangalan kundi  Apollo Villegas.

" Marcus matagal na ba kayong magkakilala ni Andoy ko?" Tanong ko bigla.

Napangiti naman sa akin si Marcus habang nagpupunas ng baso. Alas dos na ng madaling araw at sarado na rin ang club pero mas pinili kong magpaiwan muna at uminom mag isa. Si Marcus naman ay nakaugalian na yatang tumira sa sarili niyang bar.

"Si Apollo?"

"Ah hindi baka yung janitor"  umasim ang mukha ko.

napahalakhak siya "drama joke ni Gabby. Iyak pa!" 

Sabog ba itong kasama ko?

"Dali na kasi!" I urged him. sumeryoso naman ang mukha niya.

"Bakit ba kasi pursigidong pursigido ka diyan kay Apollo eh may Kendra na nga. Supermodel pa!"

"Basta! Sagot na dali!"

The Rebound #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon