"Damn! Nakakainis! Paksyet naman!" Nagsisigaw ako sa loob ng Bahay nang hustong makapasok ako rito.
Alas dos na ng madaling araw at alam kong tulog na si Petunia. Nagtitili pa ako sa inis hanggang sa makarating ako sa kusina upang umabot ng Malamig na tubig sa ref. Kung pwede ko lang lagukin lahat ng inis sa dibdib ko ay ginawa ko na.
Bakit ba ang bastos bastos na ni Andoy?
Nanggigigil na ibinato ko ang baso sa pader. Mabuti nalang at plastic iyon. Ganito ako kapag nagagalit.
I want everything to be thrown away, pero lumilipas din naman agad. Just like what happened earlier. I have thrown him my fist. And it landed so perfectly on his sharp pointed nose. I didn't mean to hurt him--pero kasi naman! Sumosobra na Siya. He even thought I was just horny. God! I may look like a sexy porn star (oh walang kokontra, bente kwatro ang bewang ko. Didibdiban ko ang proprotesta) pero Hindi ako bimbo!
Nagdadabog akong pumanik sa taas at dumiretso sa kwarto ko, agad kong ginalugad ang treasure box sa ilalim ng kama ko (jeez, oo na, clinging tanga na ang itawag ninyo sa akin, Hindi ako aangal. Wag ka Lang magpapakilala, I-smash kita sa himpapawid) saka ko kinuha ang pinakapangit na litrato niya. I-si-nort out ko iyong mga pictures niya noong disi-otso Siya at iyong ngayon. Siyempre iyong picture niya noong inosente pa siya ay hindi counted sa galit ko.
Mabait at matino pa kasi siya ng mga panahong iyon. Natamaan ng sakit na dementia kaya nakalimot at naging bastos.
I pinned all his latest pictures on the wall and readied my darts. I know this would hurt in the morning but I really have to do this.
For my ego's sake.
Inisa Isa kong tinarget ang pictures niya. Sa galit ko ay bull's eye sa ilong Lahat. Malaunan ay para akong baliw na inihit ng tawa.
Leche.
Bakit sandali lang ang galit? Hindi ba pwedeng mag stay muna ito sa dibdib ko?
Humiga ako sa kama at napatitig nalang sa kisame.
Andoy ko, kumisig at pumogi ka nga pumangit naman ang ugali mo. Nahawa ka na ba sa Kendra malditang iyon?
Ayokong isipin na nagpapadala Lang Siya sa agos ng mundong kinabibilangan niya ngayon, pero iyon naman talaga.
Let's admit it. He was no longer the boy I have met twelve years ago. He's no longer Andoy Diokno.
Siya na ngayon si Andoy Diablo. Binago niya ang buong pagkatao niya pati narin ang ugali niya. Hinubog Siya ng ibang kapaligiran taliwas sa kinalakhan naming pareho.
He's totally changed and it hurts that he was no longer admitting his past to himself. Lahat ng nasa nakaraan ay nilimot niya.
Siya Parin kaya ang kababata ko?
Halos nabura na ang dating Andoy na kakilala ko. Tama nga si Petunia. Matapobre na siya, pero kahit papaano naman Siguro ay may kaunting kabutihan pa sa puso niya.
Nakatulog ako sa pag iisip. Hanggang sa panaginip ay Siya ang nilalaman ng utak ko.
-----
Sumisipol sipol ako nang magpunta ako sa Likuran ng stage, ang sama na agad ng bungad ni Panda sa akin. She was just eyeing me like I have done something wrong.
Kumunot ang noo ko.
"Bakit ka umalis kagabi nang hindi nagpapaalam? Hindi pa tapos ang limang kanta umalis ka na! Pasalamat ka at trip ka ni Ser Marcus kundi.. Naku talaga!" Gigil na gigil niyang panunumbat sa akin.
I just made a face. Wala namang epekto sa akin iyon. I flipped my blue hair and walked past through her. Hindi ko siya pinansin. Para saan pa? Feeling manager, wala namang ginagawa.
