WAVE 4: Nythera Galanoth

324 8 0
                                    

WAVE 4

Nythera Galanoth

Hinawakan ni Rogue ang mga kamay ko habang lumalangoy kame sa mas madilim na parte ng karagatan. Napatingin ako dito nang bigla itong tumigil saka tumingin sa paligid. Nilagay nito ang hintuturo niya sa kanyang labi na sinasabing huwag akong gumawa ng kahit ano mang ingay. Tumango ako saka biglang nakaramdam ng takot.

My heart hammered crazily against my chest and I was feeling more and more scared. May mga kaaway ba siya rito? Katapusan ko na ba ito? Mamamatay na ba ako?

Rogue became more serious and his muscles didn't relaxed at all. Naka kunot ang noo nito saka salubong ang mga kilay. Umigting ang panga niya saka lalong humigpit ang hawak sa kamay ko.

My eyes widen when multiple shurikens covered with black smoke fastly heading our way. Rogue put me behind his back and easily dodged the shurikens using his sword.

Napaawang ang mga labi ko at namangha ako kay Rogue pero nagulat ako nang biglang may lumabas na mga sireno na mayroong itim na buntot na hindi ko alam kung saan nanggaling at bigla na lamang ito nag hagis ng mga shuriken na may itim na usok.

Lalo lamang nanlaki ang mata ko nang makitang itinaas nila ang mga kamay nila at nag labas sila dito ng itim na yelo na parang mga patalim at inihagis ito sa direksyon namin.

Rogue held his hand up and snapped and suddenly all the shurikens with black fire and black ice daggers disappeared like a bubble. Anger is evident on his face as he held his hand up and I gasped when he released white ice and attacked the black tailed mermans with it.

Mabilis na tumama ang mga puting yelo sa mga kalaban at tumagos ito diretso sa mga puso nila. Napasinghap ako nang makitang unti unti silang naglalaho at naging abo. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko.

Nanginig ang mga labi ko. "A-ano yun?" kinabahan ako. "At b-bakit mayroon kayong mga mahika? Ano ba talaga k-kayo?" natatakot kong tanong.

Napahawak ako sa ulo ko at napa pikit nang mariin nang maka rinig ako nang napakalakas na sigaw at iba't ibang klase ng boses na nagsasalita rito. Napailing ako. "Rogue, make it stop!"

"Rogue!" sigaw ko dito nang mas lalong lumakas ang boses sa utak ko.

Isang malakas na tili ang pinakawalan ko bago ako makaramdam ng matinding panghihina kasabay ng pag balot sa akin ng kadiliman.

Nagising ako na masakit pa rin ang ulo ko. Napa tingin ako sa paligid at puro asul na dingding lamang ang nakita ko. Bumangon ako at kaagad na nakita si Rogue at dalawang magka-mukhang magka-mukha na lalakeng merman na naguusap sa may labas ng kwarto. Lumangoy ako papunta sa may gilid ng pintuan saka lihim na pinakinggan ang pinag uusapan nila.

"The light is no mystery. The mystery is that there is something to keep the light from passing through..." anang ng isang lalake.

Kumunot ang noo ko at hindi maintindihan ang sinasabi nito. "Hindi mo na dapat siya dinala pa rito, Rogue. Alam mong-"

Natigil ang pagsasalita ng isa pang lalake at kaagad akong bumalik sa higaan. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Rogue. "I'll talk to you both again, Morris, Morton."

Mabilis kong pinikit ang mga mata ko at nag kunwaring tulog. Narinig ko ang pag hinga ni Rogue nang malalim. "I know you're awake. Come on, get up."

Mabilis na tumambol ang puso ko at naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi. Dumilat ako saka naupo sa kama. Tinignan ko si Rogue at mukhang malalim ang iniisip nito. Nang bumaling ang tingin nito sa akin ay tila may kung anong kuryente ang gumapang sa buong katawan ko. Bakit ba mayroon siyang ganitong epekto sa akin?

Nythera Galanoth: City of AtlantisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon