WAVE 5: Rose

350 5 1
                                    

WAVE 5

Rose

Pagkatapos nang huling pag uusap namin ni Rogue ay hindi ko na ito ulit nakita nang ilang araw. Nag kulong lamang ako sa kwarto ko nitong nagdaang isang linggo. Pinupuntahan ako ni Cyan dito sa kwarto ko at sabay kaming kakain at mukhang walang alam si Cyan tungkol sa kaguluhang nangyayare sa Nythera Galanoth. Ni wala siyang ideya na hindi naman talaga dito sa mundo ng mortal at ilalim ng karagatan ang kaharian nila.

Now I understand why he said that they are cursed to live in here forever... pero kung lalaban sila ay may pagkakataon silang baguhin ang sumpang iyon. Pero kaylangan nila ng tulong ko para mag tagal sa lupa. Napahilamos ako sa mukha ko at mariing pumikit. Nanghina ako nang makita ang litrato ng Atlantis at mga Mereos na sinusugod at inaalipin ng mga itim na sireno.

Kumuyom ang kamao ko saka huminga nang malalim. Alam ko kung ano man ang rason na naririto ako ay mayroong dahilan iyon. Dinala ako ng tadhana dito para sa isang rason at sa tingin ko ay ito iyon. Kung hindi dahil kay Rogue ay hindi na ulit ako makaka langoy at makaka lakad pero sobra sobra ang hinihingi niyang kapalit sa akin.

Bumangon ako mula sa pagkakaupo at lumangoy patungo sa banyo. Nanigas ang buong katawan ko at napaawang ang mga labi ko nang makita ang sarili kong repleksyon. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko saka huminga nang malalim bago muling tignan ang mga mata ko. Napaatras ako at napakapit sa dingding dahil halos mawalan ako nang balanse. My eyes turned blue grey.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko nang makarinig ako nang kaguluhan mula sa ibaba ng kastilyo. Bigla akong kinabahan nang maalala ang mga sireno na mayroong itim na buntot. Lumangoy ako papunta sa tabi ng pintuan saka sumadal roon sa dingding.

"Marina. . . Can you hear me?"

Mabilis na tumibok ang puso ko nang marinig muli ang boses ni Rogue. Ilang linggo na ang lumipas at ngayon ko na lamang muli narinig ang boses niya. Naramdaman ko ang pag sikip ng dibdib ko na para bang may pumipiga sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na pinakalma iyon.

Isinara ko ang mga mata ko at nag concentrate. "Yes. . . Anong nangyayare, Rogue? Nandito ba sila?"

"Listen to me. . . Stay there in your room and I will get you, okay? Lock your door. I will knock three times so you know that it's me."

Tumango ako kahit alam kong hindi naman niya ako makikita. Kinagat ko ang labi ko saka ni lock ang pintuan. I felt my heart clenched. "Please be safe..." nanghihina kong bulong.

Dumiretso ako sa kabinet at binuksan iyon. Inabot ko ang isang dagger na nakita ko rito dati. It's a golden dagger at sa baba nito ay nakaukit ang pangalang Mirienella. Ipinagkibit balikat ko iyon saka bumalik sa tabi ng pintuan.

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may sumipa sa pintuan ko at mabilis iyong lumipad pabagsak. Kinilabutan ako nang makita ang itim na usok na nang gagaling sa labas.

Humigpit ang hawak ko sa patalim saka inihanda ang sarili ko. May kung ano akong naramdaman na likido na dumaloy sa mga ugat ko. Napailag kaagad ako nang pumasok sa loob ng kwarto ko ang isang itim na sireno. Naka ngisi ito at pulang pula ang mga mata. May hawak itong spear na nababalot ng itim na usok.

Napaatras ako at itinaas ko ang mga kamay ko pang depensa nang itapat niya sa akin ang hawak niyang armas. Nanlaki ang mga mata ko nang ang hawak kong dagger ay humaba at naging espada at pinalibutan ito ng puting liwanag.

Sa sobrang liwanag nito ay nakaka silaw na pero hindi ako pumikit at tinignan ang kalaban ko sa harapan na unti unting nasusunog nang dahil sa liwanag na nagmumula sa hawak kong espada.

Nang tuluyang mag laho ang sireno ay nawala ang liwanag na pumapalibot sa hawak kong espada. Nanatili itong mahaba at kumikinang ang matalim nitong katawan. Napalingon ako sa pintuan at itinaas ang armas ko nang may pumasok doon ngunit bumalik sa pagiging dagger ang hawak kong espada.

Nythera Galanoth: City of AtlantisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon