Teaser

1.5K 9 0
                                    

      𝑃𝑙𝑎𝑦 𝑉𝑒𝑟𝑠𝑎𝑐𝑒 𝑜𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑓𝑙𝑜𝑜𝑟 𝑤ℎ𝑖𝑙𝑒 𝑟𝑒𝑎𝑑𝑖𝑛𝑔😉

Alam naman ni Ivana Gizelle Montenegro o Ivan na lang na masama o bawal ang umibig sa kaparehas na kasarian ngunit paano niya mapipigilan ang kaniyang sarili na mahalin ang babaeng isinisigaw ng kaniyang puso kung alam niya sa kaniyang sarili na pawang tatakasan na siya ng katinuan kung pipigilan niya pa ang matagal na niyang nadarama para sa kaniyang kababatang si Diana Lyn Hernandez. Alam niya sa kaniyang sarili na gustong-gusto niya na ito simula pa lang ng sila'y mga bata pa kaya't sinabi niya na sa kaniyang sarili na kahit alam niyang mahihirapan siya kay Diana ay gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mapasakanya ang dalaga kaya't ng magkaroon ng pagkakataon ay sinamantala niya na ito.

Nang ma-heartbroken ang dalaga at magpakalasing sa iisang bar na kinaroroonan nilang magbabarkada ay binantayan niya na ito at ng mapansing wala itong kasama at nilapitan ng isang lalaki ay doon na siya lumapit sa dalaga upang sabihin sa lalaki na kasama niya ang dalaga at iuuwi niya na ito. Iniuwi niya nga ang dalaga subalit hindi sa condo nito kundi sa condo niya at dahil nga sa sobrang kalasingan ng dalaga ay hindi na nito kilala kung sino ang kasama nito dahil ng makapasok na sila sa loob ng kaniyang condo ay agad na nitong sinakop ang kaniyang labi at dahil sa pagkabigla ay hindi agad siya nakapag-react sa ginawa nito sa halip ay bahagya lamang nanlaki ang kaniyang mga mata at ng mapagtanto na ang nangyari ay agad niyang inilayo ang dalaga sa kaniya dahil baka hindi siya makapagpigil at kung ano pa ang mangyari, ayaw niya namang may mangyaring pagsisihan ng dalaga pagsapit ng umaga.

Subalit ng ilayo niya ang dalaga sa kaniya ay lumapit pa rin ito sa kaniya saka siya muling siniil ng mapusok na halik at sinasabing mahal daw siya nito. Ngunit alam niya naman na hindi para sa kaniya ang sinabi ng dalaga, kundi para sa ex nito na si Charlie. Kaya't inilayo niyang muli ang dalaga dahil kahit walang binanggit na pangalan ang dalaga ay alam niya naman na malabo itong magsabi sa kaniya ng ganoong mga salita, kahit na lasing pa ito.

"Diana makinig ka!, Baka pagsisihan mo ang maaaring mangyari between the two of us kapag pinagpatuloy mo iyan so please... Just go to my bed and sleep already, ayokong masira ang kung anumang meron sa ating dalawa." Mahinahon niyang paliwanag kay Diana para naman hindi ito ma offend sa pagsasabi niya.

"Ano ka ba naman it's just like that, I just wanted to experience kung ano ang ginawa ng hayop kong ex kaya sana naman pagbigayan mo na ako. Dahil ang sakit!, wala naman akong alam na nagawa kong mali sa kan'ya para ganituhin n'ya ako at ipagpalit sa iba." Umiiyak na pakiusap ni Diana at iyon ang kahinaan ko kapag nakikita ko siyang umiiyak kaya naman mabilis ko siyang inalo upang patigilin sa pag-iyak.

"Shhhhhh tahan na Diana alam mo naman na iyan ang kahinaan ko eh, kapag nakikita kitang umiiyak so please don't cry baby." Pang-aalo ko pa sa kaniya dahil pati ako nasasaktan kapag nakikita ko siyang ganiyan ka miserable dahil lang sa walang hiya niyang ex-boyfriend.

"Ayaw mo akong umiyak?! Ha?! Kung ayaw mo akong umiyak gawin natin ang gusto kong gawin." Parang wala sa sariling sagot niya sa akin sabay higit sa kuwelyo ng aking damit kaya naman magkalapit na magkalapit na kami ngayon at ramdam ko na ang kaniyang hinaharap na nakalapat na sa aking dibdib.

"Hindi pwede ang gusto mo Diana kasi ako ito si Ivan, ang best friend mo. Diana ayokong masira ang pagkakaibigan natin ng dahil lang sa sakit na nararamdaman mo ngayon at dahil sa gusto mong mangyari between the two of us, so please for the third time na makikiusap ako just go to bed and rest dahil baka hindi na ako makapagpigil." Pagsusumamo ko sa kaniya dahil feeling ko isa pang pagsasalita niya na gusto niya talagang may mangyari sa amin ay baka bumigay na ako 'cause god knows how much I wanted to kiss her right now, how much I wanted to touch her, and how much I wanted to say that I love her.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Owning Her Harder" (R-18)Where stories live. Discover now