chapter nine

2K 98 4
                                    


Hazey POV's

Nandito kami ngayon hopeless kung ganto lang pala mangyayari samin sana di nako pumayag. Grabe welcome na welcome kami sa kanila kulang nalang may party popper sila.

"Buti may dala tayong extra na uniform, kundi ayy jusko ra-rampa tayo don na parang jellybean na kulay green" Pag mamaktol ni Cassy, tama sya jellybean na kulay green ang hirap pa namang tanggalin lalo't tumigas na.

"Mukhang di tayo makakapasok sa 1st subject naten, diretso muna tayong cafeteria para makakain, nagugutom nako"

"Yeah tara na may isa pa naman tayong subject then pag katapos non uwian na" sagot ni Yssa, isa nalang na subject at makakapag pahinga na kami lalo na yung paa ko ang saket saket na.
Naglalakad na kami dito sa may corridor pa puntang cafeteria, tapos samahan ba naman ng pag tingin nila samin,ano kami artista dukutin ko mga mata nyo dyan ay

"Oy alam nyo ba lilipat na daw dito BDG! "

"Mygod! Makikita kona sa wakas Si Travis may bebelabsss! "

"Ang kyout ni Stephenn! "

"Ang sexy ni Zio! "

"Makalaglag panty si Nash! "

"Wala dyan si Noah may prince charming!"

"Tuwang tuwa siguro ngayon si
Queen? "

"Malamang sino bang hindi matutuwa sa pag dating nila? "

"San nakaya sila nakatira noh? "

"Bala kayo basta mamaya hahanapin ko kung san sila nakatira! "


tsk. Parang mga bubuyog staka sino topic nila? Lalake? Dinaman siguro mga gwapo yun. Tapos grabe pag aaksayahin nila yung oras nila para lang mahanap yung bahay nila? ang che-cheap nila naman


Yunna POV's

Humanda talaga sila bukas sakin kala nila dikami gaganti? Oo sila Yssa for sure hindi nila gagantihan yun kasi cheap lang naman. Pero ako? Aba syempre gagantihan ko, at sisiguraduhin kong magiging memorable sa kanila yun.

Hayss ano kaya gagawin ko mamaya?

"Oy Yunna ang tahimik mo ngayon ah" Pang aasar sakin ni Cassy, ay oo nga pala dapat bumalik nako sa dati

"Ngayon lang yon Cassy di kona kayang tumahimik, staka wala nakong paki kong sugurin tayo bukas ng kapitbahay natin dahil sa naiinggayan sila. Nakakawala ng mood pag hindi ako mainggay pag maga" paliwanag ko kay Cassy, parang may kulang sakin pag hindi ako nakakadaldal

"Yeah whatever sasusunod nga wag tayo kakain dito sa cafeteria hanap nalang tayo na pweding tambayan dito, nakakawalang gana yung tingin nila eh" Oo tama si Hazey kanina pa nila kami tinitingnan kulang nalang malusaw na kami dito. Ang lalaki ng problema nila manong wag nalang kaming pansinin ayto

"Dun nalang tayo sa Garden walang tao don kasi sabi nila cheap daw, tapos magdala tayo ng foods Parang picnic" sabi ko ng may ngiti sa labi

"hinaan mo nga yang boses mo Mae kala ko panaman makakatagal ka" sabi sakin ni Yssa, kala ko nga din yun Yssa eh, pero wla talaga pag akala, akala lang yun di matutupad

"oy girls arat na mag uumpisa na yung 2nd subject"  yaya samin ni Cassy "diba mag kakahiwalay tayo?" tanong ko sakanila

"Yeah pagtapos na deretso uwi na, wag na tayong mag intayan baka yung isa satin gabi na umuwi okay ba? " paliwanag ni Yssa tumango nalang kami. Mabuti na din yung wag kaming magintayan may pupuntahan pako at bibili na din ako ng gamit mamaya


Madam A POV's

"Madam may tutulong na saten" sabi ng secretary ko, mabuti kung ganon buti nalang at meron dahil alam kong yung mga bata na yun ay hindi makakatagal sa pagiging nerd.

"Sino ang tutulong satin? mabuti pang pagusapan na namin ang mangyayari"

"Madam ang tutulong saten ay si Mr. Ford, yung may ari po ng pinapasukan nila Kylie" Mr. Ford matunog na pangalan, ano kaya ang binabalak nya at gusto nya kaming tulungan?

"Kaylan ko syang pwede makausap? "

"Madam sa ngayon aabutin ng ilang linggo o buwan, nasa ibang bansa si Mr. Ford dahil may mahalaga daw po syang aayusin, pero nag padala daw po sya ng makakatulong saten" Sabay abot sakin ng sulat, agad ko naman itong kinuha ang binuksan

A

Pag pasensyahan mo na't Hindi kita makakausap agad tungkol sa pagtulong ko sainyo. Pero sana tanggapin mo ang aking munting regalo bilang pagtulong. Ang aking anak ay isang gangster, Rank 4 at sila ang Black Demon Gang, napag usapan na namin ng aking anak ang mangyayari. Pinalipat ko ang aking anak at kanyang mga kaibigan kung saan katabing bahay lang nila ang DRG. Binigyan ko sila ng Mission na protektahan ang DRG kung sumugod ang Card Of Death. Sana ay inyong tanggapin, at uulitin ko pasensya na ulet at hindi tayo makakapag usap.

Mr. Ford

Matapos kolang basahin, ay parang nabunutan na din ako ng tinik sa dibdib,mukhang mapapanatag na ang aking loob. "Padalhan nyo agad ng sulat si Mr. Ford sabihin mo salamat" Ang problema nalang ay ang Card Of Death sino ang tumutulong sainyo?


Yunna POV's

  Nandito na ako ngayon sa mansion, syempre ako nauna kasi kailangan baka mamaya mahuli ako ni Yssa. Nilibot ko ang tingin at mukhang ako palang yung nandito siguro mamaya pa yung mga yun.

Umakyat na din ako kaagad sa kwarto upang makapag palit ng damit, nakaka asar na tong damit ko ang laki laki tapos tanggalin muna natin tong eye glasses na kakairita din, mag papatanggal din ako ng braces ipapa retainer ko nalang para natatanggal ko.  Sabay tingin sa salamin

yeah na miss ko mag suot ng ganto, maiksing short tapos with hodie nag mumukha akong sexy, makalabas nga muna, lakad lakad sa tabi tabi. Siguro naman walang makakakilala sakin dito noh?, wala naman kasing tao dito. Pwera nalang tong Kapitbahay namin sa lahat lahat ng pwedeng tirahan dito pa? Nasa dulo panaman ng village tong mansion kaya freeng free ka mag model dyan sa labas kahit naka- panty at bra, agad din akong bumaba at ni lock muna ang pintuan ng Mansion

  Habang nag lalakad ako dito sa labas, bigla ko nalang napansin yung masion malapit samin. Maganda naman mag kasing laki din yung samin pati sa kanila. Habang inuusisa ko yung Mansion nila

"Hey miss bat tinitingnan mo bahay namin? stalker ka namin noh?" napahawak agad ako sa dibdib ko sa gulat, putik kala ko multo mdyo madilim pa naman na. At ano daw stalker nila ako? Tanga ba sya? Ang yabang nito dinaman ka gwapuhan eh, agad ko syang tiningnan at tinaasan ng kilay "Kapal mo naman, diba pwedeng mag kapitbahay lang tayo ganon? At stalker hibang kaba, hinding hindi kita i-istalk kahit kailan " sigaw ko sa kanya at padabog na bumalik sa mansion.

Hindi pa man ako nakakalayo ay agad itong nag salita "Nice meeting you miss beautiful! Gandang Kapitbahay mo" Sigaw nya sakin, tf lagot ako kina yssa nito at mabilis akong naglakad pabalik sa mansion









We Are The Gangster Queen Where stories live. Discover now