Chapter 1: Fire

29.7K 570 224
                                    

"Where have you been? You almost missed the important part!" Aleera, my red head sister welcomed me the moment I slipped out from my car.

Pinitik ko ang upos ng aking sigarilyo at nilapitan ang kapatid. She whistled playfully as she looked at me from head to toe. I smirked at her to brag.

"May pinuntahan lang. Kompleto na ba?" sabay tanaw sa mga taong nakaluhod sa malayong likod ni Aleera.

"Yep! We caught all of them. It was so easy actually. Ako lang ang kumilos lahat. Verona didn't help me. You are nowhere to be found. I did all the work so I should have the bigger slice of the pizza."

I looked at my sister. The M16 rifle she's holding on both arms look so contrast with her seductive face. Kung titingnan mo si Aleera, she looks very harmless. Sensual, yet harmless. Like a redhead bimbo who knows nothing but worldly desires. Yes, she have that natural air in her. She's full of sex appeal you wouldn't know she's as deadly as a poisonous snake. Between us three, her bloodlust raging like a hormones of a teenage boy. She's aggressive, fearless, impulsive and bold. And that's what people feared about her. I don't know if it has something to do with her young age. Kung dahil ba siya ang pinakabata kung kaya't siya ang pinaka-agresibo. O kung dahil siya ang huling pumasok sa ganitong klaseng mundo. Kung kaya't uhaw na uhaw na patunayan ang sarili na mas magaling siya sa amin ni Verona. She's always the reckless one. She always do what her mind says.

"Try to negotiate with our sister. Siya ang humahawak sa mga kinikita natin kaya siya ang kausapin mo, huwag ako." I told her.

Ngumuso siya at inabot sa akin ang rifle. Tinulungan niya akong isuot ang sash sa aking balikat habang may nakasukbit na sa kanyang magkabilaan.

"Both of you are so unfair! Hindi porket bunso ako ay pwede niyo na akong alipustahin! We work as three pero pag sa mahihirap ng gawain ay ako ang sinasabak ninyo! And what? Hati-hati pa rin tayo sa kikitain!" reklamo nito.

Natawa ako. I checked the magazine of my rifle as we walked towards the crowds. Nang makitang puno ay muli ko iyong ikinabit sa armas at nakangising binalingan ang bunso namin nag-aalburuto.

Nasa isang abandonadong bodega kami at ang aming mga tauhan ay nagkalat sa paligid. Sukbit ang kanilang mga dekalibreng armas at naghihintay lang ng kung ano man utos.

"Akala ko ba madali lang? Na hindi mo na kailangan ang tulong namin ni Verona kasi kaya mo na?"

"I never said I don't need the help. Ang sabi ko lang ay kaya ko pa rin kahit wala kayo," irap nito habang magkapanabay kaming naglalakad. "Ang unfair lang kasi. Pantay-pantay ang hatian pero ang trabaho ay hindi. Pabuhat kayo masyado ni Verona."

Mas lalo akong humagalpak. Is she really serious with her laments? Naku. Masama pala ang loob ni Aleera tuwing sitting pretty lang kami ni Verona sa mga misyon namin. Well, hindi naman kasi siya nagrereklamo. Ngayon lang.

"Naghihirap ka na ba at parang itatakwil mo na kami kung makareklamo ka ngayon? Magkano ba ang kailangan mo? My solo mission last month was a success. Hindi ko pa nado-donate sa charity ko. Sa'yo ko na lang ido-donate at baka hindi mo na kami akuin ni Verona dahil pakiramdam mo inaalipusta ka namin." I teased her.

"Mas mabuti pa nga. I don't understand the need to donate your money for humanitarian cause. Ano iyon? A way of redemption? Pambawi sa mga pinapatay niyo? Sakaling mabawasan ang kasalanan kung ipamigay ang perang kinita?" she chuckled dryly.

I glared at her. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin naiintindihan ang importansya ng cover up. She think it's ironic. Well, that's Aleera Valerious for you. She always wanted to display her flaws at kung hindi lang siguro dahil sa amin ni Verona, matagal na siyang nabisto na isang mamamatay tao. Hindi niya naman pinanglalandakan pero hindi rin siya gumagawa ng paraan para hindi agad malaman.

Caught By The Fire (Avoc Scorned) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon