Sana maging masaya ka

33 2 0
                                    

Noon pa lang alam ko na, na iiwan mo rin ako. Inihanda ko na ang sarili ko ngunit kahit gaano ko pinaghandaan, nasaktan parin ako.

Pinilit kong iwasan ka pero mas nanaig parin sa akin ang pagaalala dahil alam ko at ramdam ko na sobrang bigat ang iyong dinadala.

Kahit alam kong masasaktan ako, mas pinili ko parin na damayan ka dahil ayokong maramdaman mo na magisa ka.

Kahit gaano ko kagustong lumayo sayo, mas pinili ko parin na unawain at samahan ka sa mga pagsubok na kinakaharap mo.

Isinantabi ko lahat ng takot ko dahil ayokong makita kang nasasaktan at nagiisa.

Ngayon na maayos na ang lahat sayo, alam ko na hindi mo na ako kailangan.

Ganun pa man, masaya ako na natulungan kita kahit sa maliit na paraan lang.
-S.A.G.

engr_srh

Handa na akong kalimutan kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon