Chapter 02
Halos hindi ako makatulog buong gabi. I can't take out of my mind what happend earlier. I chatted with Pie and said sorry a lot of times, and as expected, she didn't put all the blame on me.
I went to school earlier than usual since I really can't sleep. Nang makapasok ako sa room, may iilan na akong mga kaklase ang naroon. Kabilang na roon si Ali na palaging maaga dahil nga beadle siya at palaging hinahatid ng parents niya.
Sana all.
Wala pa si Pie nang maupo ako. Lumabas muna ako kasi wala naman akong kausap doon. Agad namang lumapit si Vlanch, batchmate namin na super friendly at member ng student council ng school.
"Mon, anong nangyari kahapon? Nakita ko kayo nung dumaan kayo sa corridor," she queried.
"Wala lang," tanging sagot ko at ngumiti ng maliit.
"Nagcc kayo?" tanong niya ulit.
"Nacc."
"Ah ok. Pero ano... Baka ano..."
"Anong ano?" Pagtatanong ko na dahil hindi niya matuloy-tuloy yung sasabihin niya.
"Ano... pag nacutting classes kasi, bawas six points iyon sa conduct."
"Weh?!"
Leche. Bakit six points agad?!
"Oo. Kasi major offense 'yon eh. Si Isaac nawala sa honors nung JHS kasi nagcutting classes. Hindi umabot sa 90 yung grade niya," Vlanch explained before exiting when someone called her.
Leche flan! Sobra naman 'tong school na 'to! 6 points agad?!
Dahil sa sinabi niya, hindi ko namalayang marami ng mga tao sa loob ng room. I didn't even notice Pie's arrival because of deep thinking. Pumasok ako at umupo sa katabi niyang upuan.
"Ayos ka lang? Kung iniisip mo nanaman 'yung nangyari kahapon, hayaan na lang natin. It's already done. We should stop thinking about it."
Um-oo na lang ako kasi tama naman siya. Wala na kaming magagawa. Ipinasa na ng lecheng Cuevas na 'yun yung beadle form na hindi man lang inalis yung pangalan namin.
Mas lalo akong nastress nang Calculus ang unang subject namin. Hindi ko pa nga nagegets yung last lesson, may bago nanaman!
Sasabog na ata ang utak ko!
"Anyone who would like to answer this?" pagtatanong ni Miss Lacar sabay turo sa nasa board na ayokong tignan kasi nakakahilo.
Walang sumagot sa kaniya. I looked around. Marami ang tulad ko, ayaw itaas ang mga ulo dahil maaaring kami ang matawag.
"Walang gustong sumagot? Okay. We'll use the magic index card."
We grunted because of that. Curse that magic index card! Pahamak ng buhay 'yan e!
Sana hindi ako mabunot. Sana hindi ako mabunot. Sana hindi ako mabunot.
Paulit-ulit ko iyang binanggit sa utak ko habang nakacross finger at napadasal na rin ako pero kung minamalas ka nga naman, sa rami naming magkakaklase, ako pa? Ako pa talaga ang nabunot?!
"Acoba."
Wala na akong nagawa kundi tumayo nang banggitin niya ang apelyido ko. Nahulog pa ang ballpen kong G-tec.
Leche. Leche talaga.
Hinayaan ko na muna kasi baka mainip si Miss. I walked with my trembling knees until I reached in front. Hawak ko na ang marker pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Dudugo na ata ang ilong ko sa nakikita kong mga numero.
YOU ARE READING
Amid the Chaos (Strand Series #1)
Novela JuvenilStrand Series #1 STEM Started: May 7, 2020