Prolouge

67 14 2
                                    

Nakakabinging pakinggan ang bawat hagulhol at pagpalahaw ng iyak mula sa dalawang pamilya sa isang espasyo ng hospital.

Lumipas na ang halos isang oras at hindi pa rin humuhupa ang mga nililikha nilang ingay. At tila  nadagdagan na rin ng pagkarindi at nerbyos ang kanilang mga nararamdaman habang nakatingi't hinihintay ang pagbukas ng pintuan ng emergency room.

Hanggang sa may lumabas na doktor mula dito.

"I'm sorry to say this bad news. But i want to inform you that one of them is under a critical condition and we need to perform another surgery operation, while the other one is still in unstable condition and we will move the patient to ICU", paliwanag ng doktor sa harap ng dalawang pamilya.

"Doc, sabi niyo gagawin niyo po ang lahat ng kaya niyo para mabuhay sila. Nagmamakaawa ako sa inyo, marami pa silang pangarap. Please buhayin niyo sila", naiimpit na wika ng isa sa mga ina ng sinugod na pasyente sa ospital.

"We do as far as we can, but they are both in a serious condition when they are both brought here. Gladly, that they are still responding with the equipments we used, so with your hopes, let us wait until the both patient wakes up", sabi mula ng doctor.

May lumabas namang mga nurse at hinihila ng mga ito ang isang kama kung saan may nakahigang dalaga rito.

Mabilis ang kanilang mga kilos patungo sa intensive care unit habang nakasunod ang pamilya ng pasyenteng nakahiga roon.

Samantalang ang isang pamilya ay naiwang nagdadalamhati  pa rin sa labas ng ER.

Kinabitan ng iba't ibang uri ng aparato ang katawan ng dalagang wala pa ring malay. Nakasilip at awang-awa ang ina nito sa kalagayang sinapit ng anak.

Nang matapos iyon ay pinayagan naman ito ng mga nurse na pumasok sa silid ng anak. Agad na tumabi ang ina sa kanyang anak na nakahimlay, hinawakan ang mga kamay nito at naupo sa bakanteng silyang malapit dito.

"Please baby, lumaban ka. I believe in you", maluha luhang pahayag ng ina.

Nanatili lamang siya sa tabi ng kanyang anak. Hanggang sa nakatulog na rin doon at sa kanyang paggising. Nakita niyang mulat ang mga mata ang anak.

"Reign, you're awake. O' God Reign, stay still", sigaw ng ina na papatakbo na rin sa labas para tumawag ng doktor.

Nakarating na ang mga doktor na tinawag ng ginang at sinusuri't inobserbahan na ang dalaga ng mga ito.

At lahat sila ay natigilan matapos biglang bumuka ang bibig ng dalaga.

"E....", paos na pagkakasabi ng dalaga na hindi natapos.


Fulfilled (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon