4

20 11 0
                                    

Halos dalawang buwan na rin silang magkasama palagi ni Evan. Lagi silang lumalabas at minsan pa nga ay tumatambay ito sa kanilang bahay.

Kaya naman nasasanay na nga rin siya sa presensiya nito. At feeling niya unti unti na talagang nahuhulog ang loob niya sa binata.

Nakaupo sila ngayon sa sofa nila sa bahay at nanonood ng pelikula. Is aiyong korean movie 'The Wedding Day', ang title.

"Haha, para pa lang tayo iyang lalaki at babae dyan e? Naalala ko yung mga pangungulit at pagsunod ko sa iyo tuloy para mapansin mo lang ako", sabi ni Evan.

"Jusme, kaaduwa ka nga. Kulang na lang talaga masapak na kita, pero dahil mabait ako, pinalampas ko na lang kahit para kang stalker talaga", wika niya.

"Handsome stalker, and alam ko namang crush mo na ako pagkakita mo pa lang sa akin", mayabang na saad nito habang kumindat pa sa kanya.

Hinampas hampas naman niya ito ng throw pillow, hanggang sa sumuko na ito.

"Stop na Reign Shine, ansakit na. Manood na lang ulit tayo", pakikiusap ni Evan habang nailag pa sa hampas niya.

Tumigil naman siya at tumutok na muli sa panonood.

Nasa part na sila na ngakatuluyan yung babae at lalaking bida kaya lamang ay mas naging tutok ang mga ito sa career nila kaysa sa relationship sa isa't isa. Kaya napag-isipan ng mga ito na maghiwalay na lamang.

"Ghad, napakamapanakit naman ng lalaking iyan porke't hindi lang sila nagkikita madalas at hindi siya nasusuportahan nung babae sa trabaho niya. Makikipagbreak na agad", nagagalit niyang pahayag.

"Hey, chill. Huwag mong kadibdibin, sinunod lang naman nila yung sabi ng director", ani naman ni Evan.

"Kahit na, ganyan naman talaga sa reality ang mga lalaki. Naduduwag at magsasawa tapos mananakit, huhuhu", seryosong sabi niya.

"Reign, bakit ka umiiyak? Hindi mangyayari sa iyo ang nasa palabas", pag-alo ni Evan habang hinahagod ang likod nito.

Tumingin siya ng maluha-luha sa binata, tapos ay yinakap iyon.

"Shh, shh, napakaiyakin naman ni Reign, tahan na. Papanget nga niyan", rinig niyang saad muli ni Evan.

Maya-maya ay tumigil na siya sa pag-iyak at kumawala na sa yakap nito. Tapis ay nasandal sa balikat ng binata.

Natapos naman nila ang movie na kung saan hindi talaga nagkatuluyan ang mga bida at nagpakasal ang babae sa iba.

Napagdesisyunan nilang magluto pagkatapos manood.

"So okay, for this day tuturuan kitang magluto ng tinola. Kaya just watch me", panimula niya kay Evan.

"Yeah, i'm ready Chef Reign", pakikisakay namang sabi ni Evan sa trip ni Reign.

Nagsimula ng kunin niya ang mga sangkap sa lulutuin. Sinimulan na rin niya ang paggayat ng sibuyas, bawang, sayote, luya at pati ang manok. At ipinapaliwanag naman niya ang ginagawa niya kay Evan.

"Uyy, tumingin ka naman sa ginagayat mo bago magsalita ka ng magsalita baka mahiwa ka niyan", nag-aalala sabi ni Evan.

"Anukaba, sanay ako sa ganito", sagot naman niya.

Naghihiwa pa rin siya ng mga sangkap nang biglang dumaplis na nga ang kutsilyo sa daliri niya. Kaya napatakbi siya sa lababo at agad na dinaluhan siya ni Evan.

"Ayan, sabi ko na sa iyo ihh, dahan dahan lang kasi", pangangaral sa kanya ni Evan habang hawak nito ang daliri niya at hinipan pa.

"Malayo pa naman ito sa bituka, hindi naman ako mamamatay nito", ani niya.

"Kahit na, ako na magpapatuloy ng pagluluto. Maupo't maghintay ka namang doon. Baka magulat ako na mahiwa mo na rin kamay mo", medyo mataas ang boses na pagkakasabi ni Evan.

"Ang OA mo naman! Pero maluto ka bang magluto?", tanong niya.

"Ako pa ba? Matitikman mo ang pinakamasarap na tinola sa balat ng lupa then malilimutan mo ang apelyido mo kaya ikakabit ko ang sa akin", may magyayabang nitong pahayag at nakangisi pa sa kanya.

"Ang mais, sige na. Nagugutom na ako", sabi niya at naglakad paupo sa silya sa may mesa.

Nakita niyang sinimulan na nga ni Evan ang paghihiwa tapos mabilis nitong natapos. Then, inihanda nito ang mga paglulutuan.

Nakikita niya pang sumasayaw ito habang nagluluto. Kaya napapatawa siya, at nakikita naman niyang lumilingon lingon pa ito sa kanya na nginingitian naman niya.

Lumipas ang halos kalahating oras ay tapos na itong magluto. Kaya siya ay kumuha na ng pinggan para sa kanilang dalawa at mga utensils.

"Presenting to you the world class tinola that would change your surname", pagsasalita ni Evan.

Agad naman niyang tinikman iyon, at napatigil siya kasi masarap nga.

"Taste good?", tanong sa kanya ng binata.

Pero syempre nagsinungaling siya ng slight.

"Pwede na", ani niya.

"E, patikim nga", saad ni Evan at tinikman ang sariling luto.

"Okay naman a,masarap kaya. May problema yata ang dila mo", wika sa kanya ni Evan.

Natawa lamang siya pero kumain na rin. Magkasabay sila at nag-aasaran pa habang nakain. Tuwang tuwa rin siya sa mga kinukwento ni Evan na kalokohan mismo nito noong maliit pa ito.

"Tawang tawa ka na naman. Hindi ka pa nagbabayad ng talent fee sa akin", panloloko sa kanya ni Evan.

"Magkano ba? Baka lumaki pa utang ko sa iyo", sagot niya rito.

"Ahmm, tama na sa akin ang pananatili mo sa akin habang buhay hahaha", wika ni Evan.

Napasimangot naman siya at tinaasan ito ng kilay.

"Ito naman, ayaw mo ba sa akin? Wala ka ng hahanapin sa isang Evan Vargaz, complete package na ako", pag-iindorso nito sa sarili.

"No comment", tipid niyang sabi.

Nagkulitan lamang sila at napuno ng halakhakan ang bahay, hanggang sa napagod na rin.

Pinagkatitigan niya ang binata at biglang sumagi sa kanyang isip na iba talaga ang dala nitong vibes sa kanya na hindi mapagsidlang galak ang naidudulot sa kanya. Kaya dagdag na naman ito sa isa sa mga napakasayang araw ng kanyang buhay.

Thought may counts, but happiness isn't measurable.



Authors Note: Yiee, tignan niyo masya sila kahit wala pa silang label. Hindi naman kasi iyon kailangan, basta nagagawa't napaparamdam niyo ang kasiyahan gamit ang sarili niyong pamamaraan sa mga taong mahahalaga sa inyo.

Kaya vote and comment for this chapter na hehe.

Fulfilled (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon