1

40 12 0
                                    

Sunod na sunod na pagkatok sa pinto ng kanyang kwarto ang nagpagising sa diwa ni Reign.

"Reign, anak malalate ka na sa school. Bumangon ka na dyan", hiyaw ng ina niya.

Kinusot kusot niya ang kanyang mga mata gamit ang mga kamay. Tapos ay naghihikab pang tumayo. Sinampal sampal ang sarili, at tumingin sa salamin.

Pinagkatitigan niyang mabuti ang mukha niya at parang baliw na nagpapraktis ng ngiti. First day of school kasi niya bilang college student.

Gayundin, lumipat pa nga sila ng bahay na malapit sa kanyang ekswelahan- Southern Luzon State University, para hindi siya mahirapan sa pag-aaral, aniya ng kanyang mga magulang.

"You can do it, Reign Shine Marquez. Smile and make friends. Seize this day, Fighting!", nakangiting pagmomotivate niya sa kanyang sarili.

Tuluyan na siyang pumunta sa banyo para maligo't makapaghanda na rin.Nang matapos ay agad na tinignan ang kanyang bagong uniform, pinagpares na pencil skirt iyon na above the knee at white collared blouse na may linings na dilaw at tinernuhan ng manipis na black necktie. At syempre need din nilang magsuot ng black shoes with heels.

She can already feel of how does it look like to be a BA Communication student.

Excited siyang bumaba at agad naman siyang sinalubong nga kanyang ina.

"Wow, ang pretty naman ng baby Reign namin. Mukhang ready na ready ka na a?", bungad ng kanyang ina.

"Syempre naman Mama, lumaki akong handa at maganda, hahaha", masayang wika niya.

"E siya kumain ka na, hinihintay ka na ng tatay mo sa labas kasi ihahatid ka raw niya", utos ng kanyang ina habang tinataboy siya sa mesa nila.

Ilang subo lang ang kanyang kinain, tapos mas pinili na lamang niyang magbaon ng sandwich. Syempre, baka magutom siya mamaya. At sumibak na paalis.

"Goodluck, anak!", pahabol ng kanyang ina ng umangkas na siya sa motor ng kanyang tatay.

"Thank you, Mama. Gagalingan ko sa school", tugon niya at nagflying kiss pa.

Mabilis na nakarating sila sa ekswelahan, huminga siya ng malalim bago pumasok sa loob. Namamangha siya sa nakikita, sapagkat sobrang laki talaga ng papasukan niyang unibersidad. Sana lang ay hindi talaga siya maligaw.

Hinanap na niya ang admin office para kuhain ang kanyang schedule. Kaya naman hinanap niya na agad ang room sa unang klase.

Buti na lamang at pagkarating niya roon ay hindi pa nagsisimula ang professor nila. Umupo na lamang siya sa bakanteng upuan sa gitna ng silid.

Ilang minuto lamang ay nagsalita na ang kanilang guro.

"Good Morning BACOM students, I'm Mrs. Adelaida Mondez and I will be your teacher in Oral Communication for this semester. And now, i would like to know each of you, so now tell me your name then your thoughts about 'What is Communication'?, panimulang sabi ni Mrs. Mondez.

May nakita siyang mga kinakabahan at animo'y tulala, na siguro ay nag-iisip.Nagsimula na nga ang introduce yourself keme kaya nakinig siya.

"Hi, I'm Kate Arevalo and for me Communication works for those who work it", ani nito.

Tumatango tango lamang ang kanilang guro sa bawat sinasabi ng mga kaklase niya at minsa'y napapakunot ang noo nito. Medyo kinakabahan tuloy siya. At sunod na siya, pagkatapos ng katabi niyang nagsasalita pa.

"Hey, Everybody. I'm Shanaiah Abdon and i believe that communication needs attention", confident nitong sabi.

Napapalakpak naman ang professor nila sa sinabi ng katabi niya. And siya na nga ang sunod.

"Hello, fellow classmates. I'm Reign Shine Marquez and for me communication is a human connection, because it allows us to connect in such a way of verbal and non-verbal forms", maenergetic niyang pahayag.

"Impressive thought, Ms. Marquez", komento ng kayang guro.

Napangiti siya roon at hanggang sa umupo na. Inabot pa ng halos 15 minuto bago natapos ang lahat. Kaya lamang nabigla sila, dahil bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang lalaki at cool itong pumasok sa room.

"What the matter, Mister? Why you suddenly interrupt my class?", mataray na wika ni Mrs. Mondez.

"Sorry Ma'am Gorgeously beautiful, but lucky to say i'm one of your students. It's just that i'm late but it is better than never, wiee", malokong sagot ng lalaki.

"Watch your mouth, Mr???", saad ng kaniyang guro na natigilan dahil hindi nga niya naman alam ang pangalan ng binata.

"Its Evan Vargaz, Ma'am Gorgeously beautiful. Can i seat now?", tugon pa nito.

"No, unless you answer my question, What is communication for you?", madiing saad ng kanilang professor.

"Okay. Ahm, for me, communication is impossible when there is no you and me. It's like creating a relationship with appreciation and understanding to one another", makahulugang sabi ng lalaking ang pangalan ay Evan.

"Well said, Mr. Vargaz. You're too good in playing words, aha. Don't be late anymore in my class", papuri at payo ni Mrs. Mondez.

Naglalakad ang lalaki palapit sa kanyang direksyon, tinititigan niya ito.

Hindi naman talaga siya masyadong mahilig tumingin sa mukha ng mga lalaki pero parang may magnet ang Evan na iyon. Kinilatis niya ito, napansing gwapo nga ang binata, parang artista pa nga ang datingan.

Mayroon itong pares ng matang kulay brown, medyo may kakapalan ang kilay nito, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, define rin ang panga nito at higit sa lahat bagay dito ang clean cut na gupit kung saan nakita niyang may highlights ng bahagya ang buhok nito. Hindi naman katangkaran ang lalaki pero sapat lang sa katawan nito.

Hindi niya napansin na nasa harapan niya na si Evan at ikinukumpas ang kamay sa kanyang mukha. Natulala pala siya nang hindi niya namalayan at ang mas nakakahiya pa ay napanganga rin siya, habang nakatingin dito. Kaya agad niyang tinikom ang bibig.

"How's your day dreaming to me, Miss?", mayabang nitong tanong sa kanya.

"Ha? Anong sinabi mo? Nakatingin kaya ako sa pisara at nag-iisip", palusot niya.

"Talaga lang ha? Wala namang nakasulat doon. Hayss, akala ko nga matutunaw na ako sa pagkakatingin mo sa akin at kulang na nga lang pati yung loob ng katawan ko usisain mo, hahaha", nang-aasar na sabi ng binata sa kanya.

"Ang assuming mo naman, hindi ka gwapo!", malakas na pagkakasabi niya na agad na nagpalingon sa mga nasa loob ng room.

"What's with the commotion right there, Miss Marquez?, tanong ng guro nila.

"Sorry Ma'am, but nothing po", paghingi niya ng paumanhin.

Pero naimbyerna naman siya nang makitang nasa likod si Evan at nang magtama ang mga mata nila ay kumindat pa ito sa kanya.

Buong maghapon siyang kinukulit ni Evan at ipinagpipilitan nito na may crush siya rito, dahil sa pagkatulalà nga niya kanina.

Akala niya her first day will went well and nice, unfortunately nasira na ito.  At dahil iyon sa kagagawan ng mayabang at self-conceited na kaklase niya na si Evan.

Pero she still looking forward for the days with glimmer of light, and live her life with a fullest smile.

Authors note: Oemjii, naisip ko lang talaga itong story out of nowhere tapos ayaw ko malimutan kaya itinatype ko.

Please support naman po. Vote and comment lang as always. Tenks.

Fulfilled (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon