3

21 12 0
                                    

Nagpatuloy ang mga araw at ang siraulong Evan ay sa hindi niya malamang dahilan ay laging nakabuntot at tumatabi pa sa kanya.

"Evan, anukaba, wala ka bang magawa sa buhay mo? Lagi ka na lang sunod ng sunod at dumidikit sa akin, ang creepy mo na", walang pasubali niyang sabi dito habang tinitignan ito ng matiim.

"What's the wrong with that? Ansakit naman, hindi mo ba naappreciate? Wala ka naman pating kasama a, and ayaw kong mafeel mong nag-iisa even in just a second. Because this is how Evan cares", wika nito habang umaarte pa at hinahawakan ang kanyang dibdib.

"Psshh, ewan ko sa iyo", pairap na saad niya tapos ay naglakad na siya palayo.

"Wait, Reign. Hintayin mo ako", sigaw ni Evan at tumakbo.

Nabigla siya ng hawakan nito bigla ang kamay niya.

"Ayyt, ang pawis naman ng kamay mo Reign, isa ka bang water bender?", pang-iinsulto sa kanya ni Evan.

"E bakit mo hinawakan ang kamay ko?", tanong niya.

"Para hindi ka makawala sa akin and kaya ko namang tiisin kahit ilang litro pa ng pawis ang lumabas sa palad mo, hahaha", ani nito habang nakalapit pa sa kanya ang mukha.

Natapos na naman ang buong araw na magkasama sila.

"Reign, gusto mo bang magmeryenda?", tanong ng makulit na si Evan.

"At saan naman? Baka gabihin na naman ako ng uwi?", sabi niya.

"Dont 'ya worry, ihahatid kita and gusto ko lang itry yung habhab na pagkain", saad nito.

"Sus, makikikain ka na naman ba sa amin kaya ihahatid mo ako?", mapang-asar na ani niya.

"Ahh, partly yes pero syempre ginagawa ko iyon para sa safety mo", saad ni Evan at sinundot pa ang tagliran niya.

Lumabas na nga sila at nagtungo sa isang panciteria sa labas ng school. Parehas nanubig ang kanilang bagang matapos maamoy at makita ang iba't ibang klase ng pansit.

Kaya umorder na agad si Evan habang siya ay naghanap ng mauupuan nila at naupo na rin siya roon.

"This is it the pansit! So Madam Reign, let's eat na", pahayag ni Evan habang nilalapag sa mesa ang pansit habhab.

Kumuha naman agad siya at nilagay iyon sa dahon tapos ay nilagyan ng suka. Mukhang nagtataka si Evan sa ginagawa niya, tapos ay sinimulan na nga niya ang pagngabngab.

"Eww, Reign. Your so gross, bakit hindi ka gumagamit ng tinidor at nginangabngab mo iyang pansit?", nagtatakang tanong ni Evan.

"Saan ka ba nagmula Evan? Ganito ang tamang pagkain kaya nito kaya nga habhab ihh, you will ngasab hahaha", sabi niya.

"What? Para namang walang manners ako kapag ginawa ko iyan", nakakunot na sabi ni Evan.

Natatawa na lamang siya pero maya maya ay ginaya na rin siya ni Evan. At tinignan niya ito at dumidikit na sa pisngi nito ang ilang hibla ng pansit. At may mga nalalalaglag pa sa sahig, dahil hindi lahat ay naookupa ng bibig nito.

"Hahahahaha, grabe ka! Hahaha", hagalpak niya habang nakatingin sa mukha ni Evan at tinuturo turo pa ito.

"Luh, uyy bakit ka tawa ng tawa dyan?", paglingon sa kanya ni Evan na may nakadikit pang pansit sa mukha nito.

"Hahahahaha, hindi ako makahinga Evan. Laptrip ka", tawa pa rin siya ng tawa at pinapalo palo pa mesa then napapahawak sa dibdib.

"Bahala ka nga dyan! Tawa ka lang hanggang sa lumuwa ngala ngala mo", pasaring sa kanya ni Evan.

Maya maya ay nasamid na siya kaya napaubo siya. Agad namang tumayo si Evan at hinagod ang likod niya.

"Ayan, masyado ka kasing happy parang hindi ka na aabutin ng bukas", pangaral ni Evan at inabutan siya ng tubig.

"Sorry naman, ngayon lang ulit kasi ako naging kasaya ng ganito at natawa gawa mo", ani niya.

"Mukhang clown ba ako? Pero kung iyan ang nagpapasaya iyon, ok lang, tatanggapin ko", saad ni Evan.

"Hindi iyon. Kung makikita mo lang kasi itsura mo kanina habang nakain. Sayang hindi ko pala napicturan", ani niya ng may panghihinayang pa.

"Edi sana sinabi mo sa akin, nagmukha pa tuloy tanga ang gwapong katulad ko", naiiling na sabi ni Evan.

"Sus, gwapo raw. Hindi ako sure dyan pero yung pagiging tanga mo, oo hahaha", pang-aasar niya.

"Hays, Lord. Bakit po ako nagtyatyagang makasama ang baliw na babaeng ito?", bulong ni Evan na naring niya naman.

"Hoy, lalaki! Sino ang baliw? Ikaw kaya laging nagpipilit sa akin na samahan kita", mataray niyang pananalita.

"Ayy, wala. Ako yung baliw talaga, baliw sa iyo, haha", banat ni Evan na sinundot pa ang gilid niya.

Pero syempre kinilig naman siya kaya lang hindi niya pinahalata at nagpanggap na kunwari ay galit.

Inabot pa sila ng halos 15 minuto roon at napagpasyahan na rin nilang umuwi.

"Reign, ihahatid na kita", wika ni Evan nang makalabas sila sa panciteria.

"Baka ikaw naman ang sobrang gabihin, hindi ba hassle sa iyo?", ani niya.

"I insist, kaya 'wag ka na kumontra. Delikado na pati o, madilim na, balita ko nga rin may mga multong nagkalat daw sa daan ngayon", sambit ni Evan at nanakot pa.

"Okay, pero hindi naman ako takot sa multo kasi wala na sila. Mas natatakot ako sa buhay dahil kaya ka nitong saktan ng pisikal o emosyonal man", makabuluhan niyang sabi.

"Hugot ba iyan? 'Wag kang mag-alala kasi nakilala mo na si Evan- ang taong hindi ka sasaktan at iiwan. Trust my words", pambasag na ani ni Evan.

Sumakay na nga sila sa tricycle ulit at nagkwentuhan pa habang tumatakbo iyon. Hanggang sa nakarating na sila sa bahay nila.

"Thanks again for this day, Evan", pasasalamat niya.

"Welcome and it's my plessure na napasaya kita", tugon ni Evan.

"Hays, sayang talaga wala akong picture mo roon. Next time, hahaha", sabi niya sa binata.

"Ah ganyan ka na, sobrang nakakatawa talaga para sa iyo ang mukha ko nu? Iaccept mo na lang ako sa fb then isesend ko sa iyo lahat ng pictures ko sa messenger", mahabang litanya nito.

"No tenks, sige na babush na. Ingat ka", paalam niya rito at papasok na sa gate.

Kaya lamang bigla siyang hinila ni Evan at niyakap.

"I am thankful na napagtyatyagaan mo ang presence ko kahit naiirita ka na. You mean a lot to me and i wanna see your smile always. I hope you will also accept me for who i am", bulong nito sa tainga niya.

Kaya naman kumawala na siya sa yakap nito.

"Ang drama mo, sige na umuwi ka na", sabi niya rito.

At naglakad na naman ito paalis then lumingon pa para ngitian siya.

Napaisip naman siya sa sinabi ni Evan, does she really an important person na sa binata. Medyo kumabog naman ang kanyang dibdib at animo'y ang puso niya ang sumasagot.

Does she also feel the same way as Evan do?


Author's note: Hekhok, kumplikado talaga ang love, hindi natin alam minsan kung tama ba o mali ang nararamdaman natin hanggang sa mapapatanong na lang talaga tayo sa sarili natin. Pero according sa science, gawa ng hormones lang naman ang lahat ng nararamdaman nating emosyon.

So vote and comment na sa mga nagbabasa dyan.










Fulfilled (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon