Chapter 15

1.5K 56 5
                                    

Happy Birthday

Halos hindi ako makatulog habang inaalala ko ang reaksyon ni Kaiser kanina habang nasa kusina kami. Ang mga mata niya ay nagbabagang parang apoy nang maabutan kami ng kaniyang ama na magkasama. He was fast like lightning when he grabbed me away from his father. He even admitted that he's jealous!

Napailing ako bago bumaling sa kabilang banda ng aking kama. Lately, Kaiser have been very showy regarding with his actions towards me. I don't want to get the wrong idea but I have never seen him like that towards any other girls anymore.

Knowing him was a playboy and a womanizer. Hinding-hindi ko makakalimutan iyong una naming pagkikita sa may kapilya. Halos pangilabutan akong muli. Pero lately, wala na akong nababalita pang may bago siyang girlfriend o kinakalantari sa school namin.

Ilang araw na din kaming nagduduty sa ospital nila Kaiser. Kahit pa sabihin na sila ang may-ari noon ay hindi siya ligtas sa duty kaya kasama din siyang nagsisilbi sa mga pasiyente. Labas masok din ako sa ER ward kung saan ako ang tumitingin sa mga pasyente at nagbibigay ng mga pangangailangan nila.

Sina Mia at Kari naman ay nasa may front desk. Sila Daniel at Lewis ay taga-assist naman sa mga doctor. Si Kaiser bilang kilala na roon ay katuwang din ng ilang doctor. Maayos naman ang lahat so far. Paminsan lang ay nakakatulog na kami sa locker area kapag inaabot ng pagod pero sulit naman kapag may mga pasyenteng umuuwi na kasi magaling na sila.

Sinisigurado ko naman na hindi ko na napapabayaan ang aking pag-aaral. I heard somewhere that Roscoe dropped out from school. Masaya naman ako dahil wala nang nakaalam ng ginawa niya sa akin. Ayaw ko nang maging talk of town ng mga tao dito. I just want a peaceful life.

Tumunog ang aking cellphone kaya agad ko naman itong sinilip.

From Kaiser:

Basketball practice lang ako. Napapabayaan ko na ang hunk body ko. Kita tayo pagkatapos.

Halos mapabuga ako ng malakas na tawa dahil sa sinabi niya. Napailing ako habang nagbabasa dito sa cafeteria. Kumagat muna ako sa energy bar ko bago nagtipa ng sagot.

To Kaiser:

Ang kapal mo talaga. Bahala ka :P

Napailing akong muli bago nagbalik sa pagbabasa. Kari is no where to be found again. Lately kasi ay nahihilig siya sa swimming kaya sumali siya sa swimming club rito sa Alberta. Noong una ay inaya niya pa ako pero dahil ayaw ko naman may masabi sakin ang mga runners ay tumanggi ako.

Matapos kong nagbasa ay naisipan kong maglakad-lakad muna sa field. Hindi masiyadong hectic ang schedule namin at nakapag-aral din ako ahead kaya naman malakas ang loob kong magpaka-chill.

Maaliwas din ang panahon at hindi tirik ang araw. I bought a fruit shake before going for a walk around the wide field of our university. Kalat din ang mga estudyante na parang ginawang parke ang grounds. Ang mga soccer player ay walang tigil din sa paglalaro.

I was about to continue my walk when I glanced into someone familiar. She was being dragged by 3 other students which is not from nursing department. Hawak siya ng mga ito sa braso at halatang pakaladkad siya nitong dinadala tungo sa likuran ng malaking puno.

Medyo dulo na ang bahagi kung saan siya dinala kaya wala halos makakapansin. At kung titignan mo ay mukha lang silang magkakaibigan na naghaharutan. Kaya mabuti nalang at ako ang nakakita dahil alam ko na iilan lang ang kaibigan niya rito at isa ako doon.

Tahimik ko silang sinundan at alam kong hindi nila ako napapansin. I hid behind a tree and listened to them.

"So paano ka na ngayon? You lost your boyfriend... you lost your bestfriends... Sino naman ang susunod mong biktima? Sino na naman aagawin mo? Isa naman sa mga boyfriend namin?" rinig kong sabi ng isang babae.

A Taste of Vengeance - [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon