Chapter 1

5.9K 72 0
                                    

Francesca Hariette & Graciana Suzette

“Hariette… Anak… Gusto ko kapag lumaki ka... Maging isa kang doctor o nurse. Kahit ano basta nasa larangan ka ng panggagamot.” Malamyos at nakangiti na sabi ni Mommy habang matiyagang ibinibraide ang aking buhok.
 
“Same with you, Suzette… Gusto ko ay ganun ka din. Parehas kayong magkapatid.” Dagdag pa niya habang nasa kandungan naman si Ate ni Daddy.
 
Nakasanayan na namin kapag day-off nila sa trabaho ang magbakasyon sa isang hindi kalakihang rest house rito sa may Las Palmas. Katapat ang kalmadong dalampasigan. Tanaw ang kabundukan kung saan sa gitna nito ay ang pinaglulubugan ng haring araw. Kaunti lamang ang mga nabibigyan ng pagkakataon upang makapagtayo ng ari-arian rito sa Las Palmas. Nagsikap talaga ang aking mga magulang para rito. Isa ito sa mga naipundar ni Mommy at Daddy sa ilang taon nilang pagtatrabaho bilang doctor rito sa bayan ng Alberta.
 
Dalawa sila sa mga pinakakilalang mahuhusay na doctor sa Alberta. Wala pa silang operasyon na hindi naging matagumpay. Nakakatanggap pa sila ng mga gawad dahil ron. Kaya ganun na lamang siguro ang pursigi nila saming magkapatid na maging katulad nila.
 
“I agree with your Mom. At walang duda na maabot niyo iyan dahil hindi naman namin kayo pababayaan. Susuportahan namin kayo kahit anong mangyari.” Segunda naman ni Daddy.
 
Kapag naman may pasok sa eskwela o may trabaho sila ay bumabalik kami sa bahay namin sa Alberta. Simpleng bungalow house lamang iyon pero punong-puno ng pagmamahal. Kapag sa umaga ay magigising kami na pupog ng halik mula sa aming ina at tadtad ng kiliti sa aming ama.
 
Every corner, every inch and every pillar of the room is filled with laughter and love.
 
Sa edad na sampung taong gulang namin ni Ate Sue ay hindi ko pa makita ang sarili ko sa kahit anong propesyon. Hindi katulad ni Ate na palaging sinasabi sakin kung ano ba ang gusto niya sa buhay sa murang edad pa lamang. Ako, hindi ko talaga alam.
 
“Ayos lang naman ang nurse o doctor.” Sambit niya habang nasa loob kami ng aming kwarto.
 
“Bakit? Wala ka bang ibang gusto?” kuryoso kong tanong. Nakahiga sa kama habang siya ay sinusuklay ang buhok ng kaniyang manyika.
 
“Ewan ko, mas gusto kong maging katulad ni Mommy eh. Ang ibig ko bang sabihin iyong maging nanay. Maging ina. Aalagaan lang kita ganun.” Dagdag pa niya.
 
“Talaga?” Nagkibit balikat lamang siya at malapad na ngumiti.
 
Hindi ko maiwasang mapangiti na rin. We are identical twins. Mas nauna lang si Ate Suzette sa akin ng ilang minuto. Pero kahit na ganon ay palagi niyang pinararamdaman na mas matanda siya sakin. Na kahit anong mangyari ay aalagaan niya ako at ipagtatanggol sa anumang magtatangkang manakit sa akin.
 
Simple lang ang aming pamilya. Hindi kami mayaman, sapat lang ang lahat para maibigay ang aming pangangailangan. Pinalaki kaming magkapatid na malapit talaga sa isa’t- isa. Palaging sinasabi nila Mommy at Daddy.
 
“Kayong dalawa lang ang magkapatid. Kaya kahit anong mangyari ay aalagaan niyo ang isa’t-isa. Lalo ka na Suzette, wag mong pababayaan itong si Hariette.” Bilin nila at mabilis namang tatango si Ate.  
 
Kumpara sa ate ko, mas palangiti ito at masiyahin. Madalas ay pinipilit pa ako nina Mommy makipaglaro sa mga bata. Hindi katulad ni Ate na madaling makihalubilo sa iba. Ewan ko ba, madalas ay gusto kong kami lang dalawa ni Ate ang magkalaro. Kapag iba ang kasama niya ay minsan nagseselos ako. Kaya sa huli, hindi na siya nakikipaglaro sa iba.
 
Hanggang sa isang aksidente ang tumapos ng masaya naming pagsasama.
 
Isang araw ay umalis ang aming mga magulang upang sa isang medical mission tungo sa Maynila. Sakay ang eroplano ay inabutan sila ng malakas na bagyo. Sa kasamaang palad ay naaksidente iyon at kabilang sila sa mga namatay. Kalunos-lunos ang nangyari sakanila ngunit ayon sa ospital na kanilang pinagtatrabahuhan ay mag-aabot sila ng tulong sa abot ng makakaya.
 
Kinse anyos pa lamang kami ni Ate pero wala na kaming magulang. Hindi maproseso ng aking utak.
 
“Hariette, wag kang iiyak. Andito si Ate okay? Hindi kita pababayaan.” Paulit-ulit na sabi ni ate habang nasa kwarto kami. Malakas ang kulog sa labas at walang habas ang pag-ulan.
 
Yakap niya ako sakaniyang mga bisig at hinahaplos niya ang aking buhok. Hindi ako umiiyak. Nakatulala lamang ako at pilit ikinukubli ang sakit. Paulit-ulit kong tinatanong sa aking utak na wala na kaming magulang. Paano na kami ni Ate?
 
“Hindi ka pababayaan ni Ate, okay? Wag kang iiyak.” Panay ang hikbi ni ate samantalang ako na ni isang patak ng luha ay wala ang pinatatahan niya.  
 
Gusto kong ibato sakaniya ang salitang iyon. Na wag siyang iiyak. Dahil gaya ng pinangako namin kina Mommy at Daddy. Hindi namin pababayaan ang isa’t-isa. Pero hindi, walang salita ang kumawala sa aking bibig. Sa edad na kinse anyos ay namanhid na ang puso ko.
 
Matapos ng insidenteng iyon ay hindi muna kami nakabalik sa bahay namin. Kinupkop muna kami ni Tita Frida. Ang nag-iisang kapatid ni Daddy na taga Alberta rin. Si Mommy ay nag-iisang anak habang ang mga magulang niya ay patay na din. Ang ilang kaanak naman ay nasa Maynila kaya walang ibang mag-aalaga sa amin.  
 
“Punyeta! Hindi ba’t sinabi kong maaga pa lang ay magsasaing na kayo dahil papasok si Ruby sa eskwela?” nagitla ako sa sigaw ni Tita sa kalagitnaan ng aming tulog pero hindi ako bumangon.
 
Si Ate naman na nasa katabi kong kama ay mabilis na bumalikwas at nagkuskos ng mata.
 
“Hoy! Francesca Harriet! Hindi ba’t ikaw ang may toka roon?” saglit ko lamang minulat ang aking mata at saka pumikit ulit.
 
“Aba talaga--!”
 
“Ako na po Tita Frida!” pigil ni Ate sa nakaambang paghagis ni Tita sa akin ng kung ano.
 
“Wala ka talagang utang na loob!” duro atsigaw nito bago tumalikod at umalis.
 
Pagkalabas niya ay bumangon na ako at hinarap si Ate na nagpupusod na ng buhok.
 
“Ate, bakit mo ba sinusunod ang mga bruhang yon? Hayaan mo silang magutom! Alas singko pa lang ng umaga, may pasok rin naman tayo mamaya!” reklamo ko pero pawang malungkot na ngiti lang ang isinukli niya.
 
“Matulog ka na nga ulit, Frances.” Pang-asar nito sabay ngiti. Alam niya kasing ayaw kong tinatawag sa unang pangalan dahil bukod sa sanay kami na sa ikalawang tawag ay masiyadong babae ang pangalang iyon.
 
“Ewan ko sayo, Gracia!” patuya ko namang sagot sakaniya dahil siya naman ay Graciana Suzette. Malapad lang siyang ngumiti at saka lumabas.
 
Paminsan ay naiinis ako kay ate. Hindi siya marunong magalit, ngingiti lang ito at magpapatuloy. Kabaliktaran ko na gusto laging lumalaban. Kung hindi lang kami parurusahan ay baka matagal ko nang nilagyan ng sili ang panty ni Tita Frida at ang malditang anak nito na si Ruby.
 
Hindi naging madali ang buhay naming dalawa sa piling ni Tita Frida. Madalas kapag gabi ay naririnig ko na lang si Ate Sue na humihikbi. Hindi man nila kami sinasaktan ng pisikal, bawat salita ay mas masahol naman.
 
Gustong-gusto ko nang umalis sa puder nila. Pero ang sabi ay hindi pa raw kami makakabalik sa bahay namin sa Alberta hangga’t hindi pa kami nakatutungtong ng 18 years old. Ang rest house namin sa Las Palmas ay naisangla na raw noong ipinalibing ang aming mga magulang kaya hindi naman kami makabalik doon kahit gustuhin man namin dahil wala naman kaming panubos.
 
“Hindi po kami ang kumuha niyan! Wala kaming kinukuha!” paliwanag ni Ate.
 
“Mommy! Kanina ko pa hinahanap yang alahas mong yan! Sa drawer nila ko nakita!” sulsol ni Ruby sa likuran ni Tita Frida.
 
“Mga walanghiya! Kinupkop ko na kayo at pinalamon! Tapos ay ganito pa ang gagawin niyo!”  sigaw naman niya at tila hindi man lang kami pinaniwalaan.
 
“Hindi po! Hindi po, Tita!” paliwanag at pagsusumamo ni Ate pero kitang-kita ko ang pagliyab pa lalo ng mata ni Tita. Halatang kahit anong paliwanag ay hindi niya pakikinggan.
 
Nilingon ko ang kamay ni Ate sa aking palapulsuan. Mahigpit ang hawak niya na parang pinipigilan ako sa gusto kong gawin. Alam niyang lalaban ako. Alam niyang ang ayaw ko sa lahat iyong inaapi kaming dalawa.
 
“Sinungaling!” dagdag pa ni Divina.
 
Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Ate at dinuro si Ruby.
 
“Mas sinungaling ka! Anong gagawin namin sa alahas na yan? Baka nga kahit anong sanglaan ay walang tatanggap niyan!” sigaw ko na ikinagulat nilang mag-ina.
 
Nanlaki ang kanilang mata kaya mabilis nag-angat ng kamay si Tita Frida at sinampal ang aking pisngi. Sa sobrang lakas ng impact ng kaniyang sampal ay tumilapon ako sa sahig. Nagkuyom ang aking kamay. Galit na galit ako pero maagap na lumuhod si ate at niyakap ako.
 
“Tama na, Harriet.” Bakas ang iyak sakaniyang bulong. Kinagat ko ang aking ibabang labi. Ayaw kong si Ate ay saktan rin nila.
 
“Ang kakapal ng mukha niyo! Lumayas kayo sa pamamahay ko! Kayo ang mag-asikaso sa bahay ninyo! Kung hindi lang dahil sa inaantay kong pera ay hindi ko kayo aalagaan! Mga walang utang na loob! Lumayas kayo at paghirapan niyo bawat kusing na ipanglalamon niyo!” nagpupuyos sa galit na sambit ni Tita Frida. Si Ruby naman sa gilid ay nakangisi. Tila umaayon ang lahat sa gusto niya.
 
Mabilis kaming nag-impake ni Ate. Ang bilin ni Tita ay gusto niya hindi na kami aabutin pa ng pagsikat ng araw.
 
“Ikaw naman kasi…” pahikbi-hikbing sermon ni Ate Sue habang pinapahiran ng yelo ang aking namumulang pisngi.
 
Tinitigan ko ang kaniyang mukha. Kung titignan mula sa malayo ay parang wala talagang pagkakaiba sa aming dalawa. Pero kapag tinitigan ng malapitan ay malalaman mo.
 
Itim ang kaniyang buhok. Sa akin ay brown. Itim rin ang kaniyang mata sa akin ay brown. Isa pang palatandaan ay ang nunal ko sa batok. Kay ate naman ay wala.
 
“Ate, bakit ba ang bait mo?” tanong ko sa gitna ng kaniyang pang-gagamot.
 
Malungkot lang itong ngumiti sakin.
 
“Hariette… Mangako ka sakin, mula ngayon… Pipigilan mo na ang ganyang ugali. Okay?” pinalis niya ang naglandas na luha sakaniyang pisngi at nagpatuloy sa pagpahid ng yelo.
 
Inagaw ko ito sakaniya kaya napatingin siya sakin.
 
“Ate! Lumaban naman tayo! Papayag na lang ba tayo ng ganito?” sa unang pagkakataon… Sumabog ang aking emosyon at napaluha na lang.
 
Maagap akong niyakap ni Ate.
 
“No, as much as you can. You will control your anger. Ayaw kong makikita na may mananakit sayo ulit. Dobleng sakit ang nararamdaman ko akala mo ba?” Nanginginig ang kaniyang katawan habang patuloy na lumuluha.

Doon ko napatunayan kung gaano ako kamahal ni ate. Parang sumanib sakaniya ang kaluluwa nina Mommy ay Daddy dahil kung protektahan ako ay ganun na lang.
 
Alam kong prinoproblema niya kung saan kami pupunta.

Mula noon, kahit mahirap… Pinilit kong pigilan ang bugso ng aking emosyon.
 
Hindi ko nga lang alam kung hanggang kailan.

A Taste of Vengeance - [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon