Disgusting
“Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, at Anak, at Espiritu Santo. Tapos na ang Misa, humayo kayong mapayapa. ”
Unti-unting nagsipagtikwasan ang mga tao matapos sabihin iyon ng pari. Ako naman ay nanatiling nakapirmi sa aking upuan matapos magbalik-tanaw sa mga alaala ng makalipas na ilang taon. Pagkatapos sa eskwela ay nakagawian ko nang dumaan rito sa kapilya para dalawin ang puntod ng aking mga magulang na nasa likurang bahagi lamang.
Nagbuntong hininga ako bago tumingin sa aking wrist watch. It’s been years yet the pain of the past still hunts me. We were so young when our parents left. Hindi ako makakapagsinungaling na hindi ako umiiyak tuwing gabi at namimiss ko sila. Pero habang tumatagal. Unti-unti ay nakakalimutan ko rin dahil laging nakaalalay si ate.
Ilang minuto pa ang inilagi ko sa loob ng kapilya. Kung hindi pa umihip ang malakas na hangin at nagpahiwatig ng kulog ang kalangitan ay hindi ako uuwi. Tumayo na ako at nag-sign of the cross bago dinampot ang bulaklak kong binili. Yakap ang tatlong mabibigat na libro ay naglakad na ako. Madali akong lumabas para magtungo sa likurang bahagi ng kapilya. Wala masiyadong tao maliban sa ibang dumadalaw rin at ilang tagapangalaga na nagwawalis.
Seraphina Severiano 1980 – 2014
Gabrielle Severiano 1980 – 2014
Sinapo ko ang aking puting palda para makayukod ng mabuti. Winalis ko gamit ang mga kamay ang nagkalat na tuyong bulaklak sa magkatabing lapida ng aking mga magulang. Kahit kalalagay ko pa lang ay ang bilis natuyot ng mga ito. Sinindihan ko rin ang kandila sa ibabaw nito bago ipinatong ang bagong biling bulaklak.
“Mommy… I brought you your favorite daisies…” I smiled sadly.
“Daddy… Miss na po namin kayo ni Ate.” Nakaramdaman ako ng bigat sa dibdib at saka binalot ng malamig na hangin. Niyakap ko ang aking sarili.
Alam ko, nariyan lang kayo. Watching me and Ate Sue from above.
Noong pinalayas kami ni Ate kina Tita Frida ay bumalik kami sa bahay namin sa Alberta. We talked to our family lawyer and fortunately, kahit wala pa kaming 18 ay inihabilin na sa amin ang bahay. They we’re all worried for us but we assured them that if we need help, we will contact them. May pera daw na nakalaan para sa amin at aasikasuhin sa lalong madaling panahon para makatulong iyon kahit hindi ganun kalaking halaga.
Parehas na kaming 17 years old ni Ate. I am currently enrolled at Alberta University, taking up BS major in Nursing. Just like what our parents want.
Si Ate? Nagpaubaya siya sakin. Nagtapos lang siya ng high school tapos sabi niya, ako na lang daw muna ang magcollege dahil hindi namin kaya kapag sabay. Nagtatrabaho siya bilang housekeeper sa isang Inn rito sa Alberta para kumita. Kakilala namin ang may-ari kaya kahit menor de edad si Ate ay hinayaan siyang magtrabaho muna roon. Siguro ay naawa na din sila sa amin.
Sabi ko naman sakaniya noong una ay siya na lang ang mag-aral, tutal siya naman ang panganay. Tinawanan niya lang ako at sinabing minuto lang ang pagitan namin. At isa pa, nangako daw siya kina mommy na hindi niya ako pababayaan kahit na anong mangyari.
Awa ng diyos ay nakakaraos naman kami. Hindi kailanman pinaramdaman sakin ni Ate na naghihirap kami. Basta ang bilin niya sakin ay mag-aral akong mabuti para kahit papano… matupad namin ang pangarap ng aming mga magulang para sa amin. Siya na raw ang bahala. And that’s the reason why every day, I study hard. Hindi ko naman binibigo si Ate sa parting iyon.
“I will make all of you proud. I promise you that” I firmly whispered. Nag-alay lamang ako ng dasal bago tuluyan nang tumayo.
Tiningala ko ang makulimlim na langit.
“Uulan…” bulong ko.
Naisipan ko nang bunutin ang aking dilaw na payong para kapag bumuhos na ang ulan ay handa ako. Kinapa ko ito sa aking shoulder bag at natigilan nang wala akong makapkap. Sinilip ko ito habang hinahalughog at napagtantong wala nga.
Nagbalik-tanaw ako kung saan ko maaring naiwan at napasapo na lang sa noo.
“Makakalimutin ka na talaga, Hariette!” bulong ko sabay tumakbo na pabalik ng kapilya.
Nagbalik ako sa aking inupuan at doon ko naabutan ang aking dilaw na payong. Mabilis ko na itong dinampot para makaalis na.
Naglakad na ako palabas nang kapilya habang winawagayway pa ang hawak na payong nang mahagip ko na parang may kakaiba sa nadaanang confession room. Hindi ko na sana papansinin pero naalarma ako sa patuloy na pag-ingit at pagyugyog nito.
Kinakabahan man ako ay marahan akong naglakad palapit sa pintuan ng confession room. Habang papalapit ay palakas ng palakas lamang ang paglangitngit nito kaya mas lalo akong kinabahan. Maingat kong inangat ang aking kamay para hawakan ang pihitan bago ko biglaang binuksan iyon.
Nanlaki ang aking mata sa tumambad sa akin!
It was a broad and naked back! Behind him is a girl arms are enveloped all over his neck and kissing him hingrily!
Nakaangat pa ang ulo ng lalake at tila sarap na sarap sa ginagawa nilang dalawa.
“Fuck!” hindi ko napigilang isigaw sa ere at nabitawan ang mga libro.
Sabay silang napalingon sa akin. Parehas gulat na gulat ang mukha. Matalim ang tingin sa akin ng lalake. Pamilyar ang kaniyang mukha. Pamilyar din ang hiwa niya sa kaliwang kilay. Kilala ko siya! Nakikita ko siya! Magkablock kami sa ibang subjects!
“Hey!” angil ng babae bago nagtago sa likuran ng lalake. Kadiri!
“Ang bababoy niyo! Magcheck in nga kayo!” malakas kong sabi sabay malakas na sara ng pinto. Mabilisan kong dinampot ang aking mga libro at ilang papel na nakaipit mula roon.
Mabilisan akong tumayo sa takot na makalabas sila at maabutan ako.
Hinihingal akong tumakbo palabas ng kapilya. Nanggagalaiti ako sa inis at kinikilabutan! Paano nilang naatim gumawa ng ganon sa loob mismo ng confession room? Sa kapilya? Jesus! May mga Inn at motel naman rito sa Alberta ah! I brushed my arms just remembering the scene that I saw earlier. Mabilis kong tinawag si Bonoy ang binatilyong tagawalis sa kapliya nang matanaw ko siya hindi kalayuan.
“Bonoy! May naglalampungan sa loob ng confession room magmadali ka at isumbong mo kay Father!” sumbong ko.
Dahil madalas ako rito ay kilala na din nila ako.
“Ano? Talaga naman! Bakit ba paborito ng mga magkasintahan itong kapilya?” inis na tanong ni Bonoy bago tumakbo papasok.
Paborito? Ibig sabihin ay hindi ito ang unang beses? Kadiri talaga!
Pinara ko ang papalapit na tricycle at mabilisang sumakay roon.
The image of the naked back and sharp eyes keep on flashing on my mind. Kinikilabutan pa din ako hanggang ngayon!
Pagkababa ko ng trike ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan. Bahagyan pa akong nabasa bago makapasok sa loob. Pagpasok ko sa loob ay siyang pagsungaw ni Ate Sue mula kusina. Nanlaki ang kaniyang mata at mabilis akong sinalubong ng tuwalya.
Isinaklob niya iyon sa aking ulo at saka kinuskos.
“Baka magkasakit ka!” nag-aalala nitong sabi.
HInablot ko naman ang tuwalya mula sakaniya. Palagi siyang ganyan. Hindi ko pa hinihingi ay binibigay niya na sa akin.
“Ate, konting basa lang. Wag ka ngang OA.” Sinamaan niya lang ako ng tingin.
“Mabuti ng maagap! Kaysa naman magkasakit ka nga!” katwiran niya na inilingan ko na lamang.
“Mabuti pa ay maghilamos ka na tapos bumaba ka ulit para kumain! Nagluto ako ng paborito nating Caldereta!” bida niya.
“Kagaya ba yan ng luto ni Mommy?” panuya kong tanong.
“Mas masarap pa!” natatawa niyang sagot.
Katamtaman man ang laki ng bahay ay parang mas malaki pa dahil sa kakulangan dito. Apat na kwarto ang narito at dalawa lang kami ni Ate ang nakatira. Ang kwarto nila Mommy, kwarto ko, kwarto ni ate at isang guest room.
I removed my white shoes, white polo and skirt and then took a bath.
Nagsisimula pa lang ang first sem ay nakakapagod na. Naisip ko tuloy si ate. Nagtatrabaho siya sa umaga hanggang hapon tapos nag-aasikaso pa pag-uwi ko. Palagi ko namang sinasabi sakaniya na magtatrabaho ako kahit part time para makatulong ako sakaniya pero ayaw niya naman,
“Ano masarap ba?” umarte akong napangiwi.
“Pwede na.” simpleng kumento ko. Sumimangot siya at saka mahina akong pinalo.
“Kahit kailan ka talaga! Teka, kamusta ka sa school? Galing ka ba sa puntod nila mommy? Hindi ako makadaan.” Sambit niya bago sumubo ng kanin.
The image of the persons making out earlier inside the confession room flashed again on my mind. Nakakawalang gana kumain!
“Ayos lang, Ate… Ikaw? Kung napapagod ka na pwede ka nang magresign. Hahanap ako ng part time. Kung yung pagod ko yung iniisip mo. Pwede naman akong magtutor online eh.” Mabilis siyang umiling.
“Kaya ko, Hariette. Alam mo naman gusto ko yung ganito.” Nakangiti niyang sabi.
“Bahala ka.” Inis kong sagot. Bumelat lamang ito sa akin bago tuluyang kumain.
Naaawa na ako kay ate dahil alam ko naman na napapagod din siya. May sarili siyang buhay pero mas pinipili niyang magsilbi sa ibang tao para sakin. Masiyado niyang dinidibdib yung bilin sakaniya nila mommy na alagaan ako. Minsan nakakainis na din.
“Hariette!!!!” tinunton ko ang matitinis na boses at nakita ang dalawa kong kaibigan na nag-uunahan tumakbo palapit sa akin.
Hindi ako palakaibigan. Hindi ako palangiti. Pero mula highschool ay itong sina Karizza at Jesusa lamang ang naging kaibigan ko. Noong una nga ay hindi naman talaga nursing ang kukunin nilang kurso, pero nang malaman nila na ito ang kukunin ko ay iyon na din ang kinuha nila.
Magkabilaan pa silang kumabit sa aking braso.
“Bakit ang tagal mo?” mabilis ko namang tinanggal ang mga kamay nila.
“Pake niyo ba? Room 203 tayo diba?” sumimangot lang silang dalawa sa akin.
“Ang sungit mo talaga!” maktol ni Kariz.
“Hindi ka pa ba sanay diyan?” nakangiting segunda ni Jes.
Ngumisi lamang ako. Sa ilang taon naming magkakaibigan ay alam na nila ang ugali ko. Hindi ako clingy, hindi ako needy or showy sakanilang dalawa. Sa aming tatlo ay sila itong madalas na magpakita ng sweetness. I treasure them as my friends and treat them as my sister. Hindi lang talaga ako ganoong klaseng tao.
“Hariette… Para sayo.” Tinitigan ko ang nakalahad sa harapan kong chocolates. Nakalagay ito sa kulay gintong parisukat na kahon at natatakpan ng transparent na cover. Tanaw sa loob ang mapang-akit na bilog-bilog na tsokolate.
Ibinalik ko ang tingin sa lalakeng kamot ulo sa aming harapan. Nakaabang daw siya kanina pa sa labas ng room na ito dahil may nakapagsabi sakaniya na dito daw ang first class ko.
“Hindi ako mahilig sa matamis.” Walang emosyon kong sabi at akmang papasok na sa loob pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso. Tinaliman ko siya ng tingin kaya mabilis din siyang bumitaw.
“E-eto… Bu-bulaklak…” sabay labas ng pulang rosas sa kabilang kamay. Wow, Magic?
“Allergic ako diyan.” Pagsisinungaling ko bago nilampasan siya at tuluyan nang pumasok sa loob.
Naghanap ako ng pwesto at ipinirmi ang sarili. Nagsimula na akong bulatlatin ang libro at magsulat. Naramdaman ko naman sa magkabilang gilid ko ang pagpwesto nina Karizza at Jesusa.
“Kailan ka pa naging allergic sa rosas? Sayang naman yun!” anya Kariz.
“Eh di sana kinuha mo.” Simple kong sagot.
“Hay naku! Iba talaga ang karisma mo Hariette! Biruin mo, kahit alam ng lahat na may boyfriend ka na. Dagsa pa din ang manliligaw mo. Ano sa tingin mo Jes?”
“Tama ka diyan.” Hindi ko na lamang sila pinansin at saka inalala na kailangan pala naming magpasa ng index card sa subject na ito.
Ginawa ko na iyon noong nakaraang gabi dahil alam ko na hihingiin ito ng halos lahat ng professor. Kinuha ko ang isa kong libro at saka pinasadahan iyon. Hinalughog ko ang mga naka-ipit pero wala. Kinuha ko pa ang iba at ganon din ang ginawa. Wala pa din?
“Huy! Anong hinahanap mo?” tanong ni Jes.
“Nawawala yung index cards ko!” panic ko.
“Huh? May extra pa ako. May extrang pictures ka diyan?” mabilis akong umiling.
“Dinikit ko na lahat dun! Tsk! Dito ko lang inipit yun!” inis kong sabi.
Kinuha ko ang aking bag at inilabas lahat ng gamit mula roon pero wala talaga.
“Looking for this?” Lo and behold! Nakalahad sa harapan ko ang nakaplastic kong index cards kung saan may nakadikit ang 1x1 picture ko.
Hahablutin ko na sana iyon pero nawala ulit sa aking paningin. Masama kong tinignan ang lalake sa aking harapan.
Noong una ay hindi ko agad namukhaan hanggang sa nanlaki ang aking mata.
He’s the guy from yesterday! Iyong nakikipag-make out sa confession room!
Hindi ako nagkakamali dahil tumatak sa akin ang trademark niya na hiwa sakaniyang kaliwang kilay.
“The disgusting guy!” I unconsciously blurted out.
“Ha? Kilala mo?” kumento nila Kariz sa aking gilid.
Ngumisi lamang ang lalake habang nakataas padin ang index cards ko.
“Disgusting huh? You want this, right?” tuso nitong tanong.
“Then follow me.” mariin niyang utos sabay pumihit patalikod at naglakad palabas.How dare he order me around?!?
BINABASA MO ANG
A Taste of Vengeance - [R18]
RomantizmTeaser: Tinitigan ni Hariette ang imahe ng matandang lalake sakaniyang harapan. Mahimbing ang tulog nito at ang puting kumot ay nakatakip sa ibabang parte ng katawan. Kakatapos niya lang ibigay ang nais ng lalake at wala siyang ibang nararamdaman k...